Competition strikes in
ADA'S POV
Katatapos lang ng Anatomy Subject namin and as I expected earlier, ako nga ang napiling mag-report for our Cardiovascular research; Gladly, hindi ako ninerbyos kahit halos sobrang nakakahilo iyong mga topics na napili ko na ngayon ko lang na-realize. Lumabas kami ni Kieran sa class room tapos nakasabay pa namin itong bruhang 'to, binati niya si Kieran pero umiiwas lang ito nang tingin, iniabot ko iyong kamay ko para bumati pero tinabig niya iyong kamay ko kaya ngumiti na lang at tinaasan siya ng kilay.
"So, Kieran kailan tayo magr-review sa bahay?" Tanong nito kaya napangisi ako nang mapait. "O-Okay lang naman s-sa iyo 'yon, Ada 'di ba?" She looked at me like freaking demon in disguise, bruh!
"Hmm, I can't think of an answer e." Sambit ko pero tinarayan niya ako, grabe talaga. "Anyway, medyo naguluhan lang ako nang kaunti, pwede ba kitang tanungin, Nikki?"
"Sure, ano ba 'yon? Tungkol saan?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin.
"Ang pagkakakilala ko kasi sa iyo ay sa Medical course ka 'di ba? Pero no'ng mga nakaraang araw ang sabi mo Business Management ang course mo. So, bakit ka napili sa medical competition kung sa Business Management ang course mo?"
She chuckles so I waited her response, she looked at us and smiled. "Well, I found myself shifting about my course. Business Management talaga ang kinuha ko for the second time kahit nag-Medicine ako pero wala, kinuha pa rin nila ako maging iyong mga principal." She winked at me so I nodded. "Ikaw ba? 'Di ba dean's lister ka, bakit hindi ka nakuha? Hindi ka pasok sa standards nila? Sabagay, hmm."
"Well, maybe they do not want to appoint someone na automatic winner na kaagad." Paliwanag ko. "Ikaw ba? Bakit ka ba napili? Para manlinlang ng iba?"
"Hmm, well... Isa lang ang sagot ko e, mas magaling yata ako sa IYO?" Her eyes widened as she doesn't want to spit it out. "Ay na-offend ba kita?"
"Sasama ako sa inyo kapag nag-review kayo." Sambit ko at ngumiti, kitang kita ko iyong inis niya. "Gusto ko kasing MATUTO sa NAGMAMAGALINGAN."
Itinulak ko siya palayo habang hawak-hawak pa rin ni Kieran ang kamay ko. Lumabas kami at pumunta sa isang sikat na book shop dito, well, he likes BOOKS and he is literally a BOOKWORM. He bought me some snacks after spending our time in that shop, reading unexpected plots even some twists sa bawat libro, ang galing no'ng mga authors beh T_T
-------------------------------------------
NIKKI'S POV
Kakauwi ko lang, medyo napaaga dahil nab-bwesit ako sa babaeng 'yon, ultimo halos lahat na lang talaga! Pati ba naman iyong reviewing namin ni Kieran na bayaran at sulsol ko na nga lang ay sasamahan at papakialaman niya pa? Grabe teh!
Pumunta ako sa sala para manood ng movie and got myself a popcorn to enjoy with. Habang nanonood ako, tinapik ako ni Dad sa may balikat ko kaya pinaupo ko ito sa tabi ko, pareho kaming tahimik na nanood ng movie until we finishes it without noticing it. Dapat mamimili ulit ako nang panibagong movie nang biglang magsalita si Dad.
"Nikki, can I ask you something?" He asked so I looked at him, munching my popcorn.
"Yes, Dad. About what?" Sagot ko.
He sighed and stared at the television. "Hindi mo sinabi sa akin na ampon pala si Ada? Hindi siya part ng Eir?"
Nanlaki ang mga mata ko at muntikan na akong mabulunan sa sinabi nito. "Hindi isang EIR si Ada? How? E, bakit niya gamit... So, what do you mean by that?"
"Ibig sabihin, wala siyang alam at wala rin siyang mana na makukuha under the Eir. Wala tayong makukuha sa kaniya." Paliwanag ni Dad kaya pinatay ko ang television at nakinig sa kaniya. "Sino ba siya sa pamilya nila? Alam mo ba 'to, Nikki?"
"Hindi ko 'yan alam, Dad. Matagal ko nang tinitiktikan si Ada pero wala akong ibang information about her personal stuffs kahit si Kieran ay hindi nagd-drop about her." Sambit ko kaya tumango na lamang ito. "Should I follow her even more? Kilalanin ko pa ba sila? Ano bang gagawin ko para mapabagsak natin sila, Dad?"
"Do everything, know everything, okay?"
"Kahit maisama ko si Ada patungkol dito ay okay lang?" I smirked.
"Yes." He shortly answered and tapped my shoulders again. "Good night, Nikki anak."
"Yeah, good night too, Dad." I smiled and give him a back hug. "Kasama ako ni Kieran sa isang medical competition and it was part of my plans, Dad. Mapapabagsak ko na rin siya 'di kalaunan."
"That was great to hear, Nikki." He pinched my cheeks and smiled at me.
-------------------------------------------
ADA'S POV
Kakarating ko lang galing sa dinner treat ni Kieran kani-kanina lang, pumunta kaagad ako sa kuwarto ko pagkatapos kong magbati kanila Mom and Dad na nasa sala at nanonood ng movies peacefully. Well, weeks had passed and I saw the improvements when the day walked on me and told everything about our family, tapos nagyaya siya ng dinner and now? Look at them, hindi na sila iyong mag-asawa na laging makikita mo na puro away, iringan, sigawan, sisisihan at sumbatan ng mga masasakit na salita sa bawat isa, they improved themselves.
Nang makarating ako sa kuwarto, I opened my laptop and watched Grey's Anatomy, I've been watching this for months pero nasa Season 3 pa lang ako. I really like it dahil sa concept about surgeries for general surgeon which is the specialty I would like to have on my internship exams. Habang nanonood ako, may kumatok at pinapasok ko iyon and I was shocked when I saw kuya Livius standing there.
"Kuya? May kailangan ka ba?" Tanong ko.
"Grey's Anatomy?" He asked and I nodded. "Well, good luck. I made you some corned tuna's, experiment ko lang." Biro nito.
"Dapat masarap 'to ha? Kapag hindi, gagawin kitang tuna." Biro ko kaya ngumiti ito, cutie beh. "Thank you, kuya."
"Yeah, welcome bunso." He locked the door and leave.
And I was like whaaat? For the freaking first time he called me 'BUNSO'!! Shocks, tanggap na nila ako? Omggg, well alam kong hindi ako tatanggapin ni ate Esha 'di kalaunan ano, tsk.
Nagpatuloy ako sa panonood, nang magring iyong cellphone ko and someone unknown texted me, hmm.Messages
Unknown
Today at 7pmUnknown:
Hey, well...
I guess, me and Kieran would have a great chemistry, doesn't it?
Akalain mo 'yon? We're going to be partners sa isang competition and spend time reviewing together? Omg, can't wait then!
Seen
Likeeeee whaaaat? Kung pwede lang pumatay ng tao ngayon, gagawin ko na! Maganda na iyong daloy ng gabi ko tapos sisirain lang ng gagang 'to? Sana pala hindi unknown description ko rito kung hindi 'NIKKI-NG EPAL' hay nako! Nakakastress siya sa ganda ko.
Next chapter ahead. Enjoy reading!
YOU ARE READING
LS#4: Save me, Doctor✓
Teen Fiction[COMPLETED] Fool of love, desperate dreamer and lonely most of the time. A professional general surgeon whose heart is like a stone. Isang bitter na babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ang sarili kaysa sa iba. Uunahin ang sariling intesyon...