CHAPTER 7

171 16 4
                                    

"ANO ba kasi ang nangyari?" nagising ako na nasa kwarto na ako.

Nakabukas ang pinto at nakita ko sa labas na nag-uusap si inay Minerva at Parn.

"Nakalimutan kong balikan siya kanina." rinig kong sagot ni Parn.

"Puro ka kasi gala, alam mo naman na hindi 'yan sanay dito."

"Wala namang nangyaring masa—"

"Mabuti nga at wala, dahil kung meron—"

"Siya ba talaga ang anak niyo, o ako?" tanong ni Parn na nakapagpatigil kay inay Minerva. "Alam ko naman sa sarili ko na mali ako, inay. At wala namang masamang nangyari diyan sa anak mo." he added at padabog na umalis sa harap ni inay Minerva.

Agad akong tumayo. Nang makita ako ni inay Minerva ay agad siyang lumapit sa akin. Nalulungkot ako para kay Parn.

"Ayos ka lang ba, anak?" tanong niya sa'kin. Ngumiti ako ng tipid sa kanya at tumango.

"K-kakausapin ko lang po si Parn." sagot ko at lumabas ng kwarto at hinanap si Parn sa labas.

Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng daan.

Nang makita niya ako ay umiwas siya ng tingin at pinulot ang bato na nasa tabi niya at nilaro iyon.

"Ayos ka na ba?" tanong niya. Umupo ako sa tabi niya bago ako sumagot.

"Ikaw okay ka lang ba?" balik na tanong ko.

He looked at me with his cold expression. "Okay lang." sagot niya saka ibaling ulit ang tingin sa harap namin. "Gusto kong magalit sa'yo." he added. Alam ko 'yon.

"Magalit ka lang, naiintindihan kita." sagot ko. Tumingin siya sa'kin saka tumawa. Napairap tuloy ako.

"Pinaplastik mo ba ako?" tanong niya.

"No. Mabait lang talaga ako para tanggapin 'yang hate mo." sagot ko pero tumawa lang ulit siya. "Crazy." irap ko pa.

"Nakalimutan ko na kung paano magalit sa'yo." he answered at tumayo na. Napatingin tuloy ako sa kan'ya.

"What?" tumayo rin ako para sundan siya pero hindi niya ako pinansin. "Hoy po! Hintayin mo ako!"

"Sabay na tayo kumain, tapos na sila inay." sabi niya nang makapasok kami sa bahay.

"Bakit ikaw hindi pa?"

"Hinihintay kita magising, bano." sagot niya saka batukan ako.

"Wow naman. Mabait ka na ba for todays video?" I joked.

"Anong mabait, ikaw maghahanda sa kakainin natin." he answered at itulak ako papunta sa kusina.

Napangiti ako dahil mukhang magiging mabait na siya sa'kin. Sana talaga.

At sana maging okay na rin sila ni inay Minerva.

KINABUKASAN, sabay kami ni Parn pumasok. Akala ko mabait na siya talaga siya pero mas malala pa siya ngayon. Ako pa nga pinagbitbit niya ng bag niya papunta sa sakayan ng tricycle.


"Napakabigat naman ng bag mo." pagrereklamo ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa paglalakad at inilagay niya sa batok niya iyong dalawang kamay niya at parang sigang maglakad. kainis naman.



"Matapilok ka sana." bulong ko pero he heard it ata kasi tinignan niya ako ng masama.

Pagkarating namin sa Nase Academy, nakita ko pa si Felip sa gate at kausap niya iyong guard.

"Hindi mo ba nababasa 'to?" turo ni Kuya guard doon sa sign na 'NO ID, NO ENTRY.'


"Kuya naman, tropa tayo diba? Ngayon ko lang naman nakalimutan." pang-uuto pa ni Felip sa guard na napapailing nalang.

"Kabisado ko na 'yang mukha mo, araw-araw kang walang ID." sagot ni kuyang guard na ikinatawa ni Felip.

"Felip! Good morning!" bati ko sa kanya kaya napatingin siya sa'kin.

"Uy Tatlo! Hi pres!" bati niya sa'min at bakipag-high five pa samin. I mean sa akin lang pala dahil hindi tinanggap ni Parn ang kamay niya. Sama ng ugali.

"Una na ako, hintayin mo ako mamaya sa gate." Sabi ni Parn sa'kin saka siya naunang maglakad papasok na.

Sabay din kami ni Felip papunta sa building ng 3rd year.

"Kaano-ano mo si Pres?" tanong ni Felip habang naglalakad kami.

"Ah, anak siya ni Inay Minerva, 'yong nag-alaga sa'kin since bata ako." sagot ko.


Tumango lang naman siya at hindi na nagtanong hanggang sa makarating kami sa room namin.



"Tres, kayat mo ba sumali sa Mr. and Ms. N Academy? Wala kasi kaming nahanap sa grade 10." bungad sa amin nung isang lalaki. Sa pagkakatanda ko, Jao ang pangalan niya.


"Huh?"



"Gusto mo raw ba sumali sa Mr. and Ms. N Academy." sagot ni Felip.

"Sige na, Tres, si Marj naman kasama mo, e." pagpilit niya sa akin kahit hindi pa naman ako tumanggi.

"Si Felip nalang, baka matalo lang ang grade 10 if ako isasali niyo." sagot ko.

"'Yan? Asa, baka matulog lang alam niyan." masungit na sabi ni Jao na nakatingin kay Felip na nasa tabi ko.


"Sus baka 'pag sumali ako diyan, ma-in love ka sa'kin." Pang-aasar pa ni Felip kay Jao kaya padabog siyang bumalik na sa upuan niya


After our class, sabay kami ni Jao pumunta sa cafeteria para kumain. Pinipilit niya parin ako na sumali sa pageant.

"Si Felip nalang, ako magsasabi." sagot ko pero tinignan niya ako na parang sinasabi niya na 'seryoso ka ba?'


"Gwapo naman 'yon, pero baka mabokya tayo sa Q&A, teh." sagot niya kaya natawa ako.

"Hayup ka Jao, wala kang tiwala sa katalinuhan ko?" napatingin kami kay Felip nang bigla siyang sumulpot.


"Wala." diretyong sagot ni Jao na inirapan pa si Felip.


"Hanep."

"Bagay kayo." pang-aasar ko kaya tinignan ako ni Jao na parang nandidiri pa.


"Sa gwapo kong 'to, papatulan 'yang mukhang manok na 'yan?" sabi ni Jao kaya hindi ko na napigilan matawa.

"Hindi rin ako pumapatol sa apat ang mata." ganti naman ni Felip.









tbc...

isingit ko lang si Felip at Jao(ALAMAT). usto niyo yorn, KenTin din naman yorn kasi full name ni Jao ay Justin Paolo Canlas HAHAHAHAHA.

ps. hndi ko shiniship si Jao at Ken sa totoong buhay ah, dito lang sa story na 'to. thank you ❤️

support ALAMAT!

EDITED

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon