"Jenn, ang gwapo talaga ni Gab, noh. Grabe talaga si crush. Ang galing pang magbasketball. Perfect ang tandem nila ng boyfriend ko." Pabulong na sabi sa akin ng aking best friend na si Tracy.
"Teh, di lang ikaw ang nagnanasa kay Gab. Lahat ng babae sa Division natin may crush sa kanya kaya focus mo na lang yang attention mo sa boyfriend mong si Patrick." Sabi ko naman sa kanya.
Bored na ako dito sa gym. Sinasamahan ko kasi si Tracy na manood ng basketball practice ng division namin. Kasali kasi ang kanyang boyfriend.
Bored ako. As in bored lang tingnan. Di pwedeng pahalata na humahanga ako sa isa sa mga players kasi tulad ng sinabi ko kay Tracy, di lang ako ang humahanga sa kanya. Pasulyap-sulyap lang ang tingin ko sa kanya.
"Lahat ng babae sa Division? Pati ikaw, Jenn, may crush sa kanya?" Tanong ni Tracy.
Hhhmmm Patay... Paano ba 'to?
"Sino bang walang crush sa kanya? Gwapo naman talaga sya..." Pasimple kong sagot sa kanya.
"Iba ka rin magkacrush noh.. Ako may boyfriend pero kinikilig pa rin sa mga kilos nya. Ikaw deadma lang. Bakit di ka expressive, teh?" Sabi ni Tracy.
"Teh, alam ko ang level ng ganda ko. Kaming mga exotic beauty di na kami nakikisali sa mga trip ng mga mala dyosa ang beauty. Masabihan pa kaming mga walang karapatan. Kaya tahimik na lang ang beauty ko." Pagpapaliwanag ko kay Tracy.
Kailangan kong maiba ang usapan...
"Pero, Jenn, pansin mo? Walang napapabalitang girlfriend o nililigawan yang si Gab. Ni minsan wala. Bakit kaya? Sino kaya ang napupusuan nyang si Gab?" Nagtatakang tanong ni Tracy.
"Alam ko na! siguro bakla yan. Kaya sumali sa basketball para mapalapit sa mga hot boys." Pambasag lang ng trip... boring eh...
"No! That can't be." Sabi ni Tracy na parang kinikilabutan.
"Malay natin. Hindi natin alam ang nangyayari sa locker room nila..." Pamysteryoso kong sagot... Sabay taas-taas pa ng kilay.
"Kilabutan ka nga. Papatunayan ko sa'yong straight yan. Maiba nga ako girl. Valentine's Day na bukas. Anong plano natin?" Tanong ni Tracy.
"Anong natin? Ano ka tibo? At may Patrick ka, teh. Dun ka makipagplano sa kanya. Oridinaryong araw lang yan para sa akin, girl." Sagot ko naman sa kanya.
"Eeehhh... Wala namang sinabi si Pats sa akin, eh. Di kita iiwan bukas."
Nginitian ko lang si Tracy. Puchang buhay to, oh.. Magiging pabigat pa ako sa lovelife ng bestfriend ko. Pakamatay na lang kaya ako? Sino ba naman kasi ang nagpa-uso ng Valentine's day? Bakit ba kasi wala akong boyfriend?
Maganda ba ako? Not the typical tall, long haired, skinny and lookbook type of fashion kind of girl. Tan skinned, 5ft tall, natural wild curls and simple clothes. Kung mayroong kapansin-pansin sa akin, yun yung buhok ko. Kulot kasi. Effor ang pag-aayos ko dito para maging wet look.
*Sigh...* Valentines na bukas. Masaya naman kasi ang cute ng mga couple. Wag lang sila maglampungan sa public, makakaya ko ang Valentine's day na yan.
Kaiinis nga lang kasi School Fair pa. Walang pasok. May nga booths nga pero puro naman pakulo para sa may mga lovelife. Love-knot, wedding booth, flower booth... Leche... Sirain ko yan lahat, eh!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Gabs, Pre, ano yan?" Pucha! Si Pats! "May padadalhan ka ng flowers?" Hinablot nya ang order slip sa flower booth at binasa ang pangalan na nakalagay.