Ngumiti si Dri nang makitang nakatitig sa kaniya si Yara. Nakatagilid itong nakaharap at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya dahil hindi siya naniniwala sa sagot nito.
"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" tanong ni Dri. "Hindi ako magso-sorry na tinawag kitang sinungaling kasi totoo naman. Alam ko na wala akong karapatang manghimasok sa buhay mo, pero okay lang naman na sabihin mong hindi. No one will judge you."
Yara snorted and shook her head in disbelief. "Hindi ako naniniwala sa no one will judge you because that's what people do. They will judge even the smallest thing lalo na kapag hindi nakaayon sa kanila ang sitwasyon. Hahanap at hahanap sila ng butas."
"Not all people are like that, huwag mong lalahatin," Dri responded. "Some are willing to listen and some are willing to help. Kung hindi ka mag-o-open up, I understand. I'm still a stranger."
Hindi sumagot si Yara. Nakatitig lang siya kay Dri na nagmamaneho dahil bibihira ang taong nagtatanong kung ayos lang ba siya. Mas madalas na ina-assume ng mga taong okay lang siya dahil hindi siya nagsasalita, nakangiti lang siya, o hindi kaya naman ay makalat paminsan-minsan.
But in reality, behind those smiles were hidden struggles that no one else knew but herself.
Madalas ding naiisip ni Yara na may mga bagay na hindi na kayang isigaw ng isang tao kahit na gustuhin niya dahil wala namang makaririnig.
That was about silent struggles, and no one would ever know.
May mga pagkakataong gustuhin man ng isa na mag-share o magkuwento tungkol sa sariling pinagdadaanan, hindi magawa dahil hindi alam kung saan magsisimula. Hindi alam kung paano, hindi alam kung kanino.
"Ilang araw ka rito sa Manila?" tanong ni Dri na nagpabalik sa ulirat ni Yara. Ni hindi niya napapansing malalim na pala ang iniisip niya. "Saang hotel ka ulit nag-i-stay?"
"Three days lang. Uuwi na ako sa isang araw," ani Yara. "Naka-Airbnb lang ako sa isang condo, hindi ako naka-hotel. Nakahanap ako ng medyo murang condo na puwede pag-stay-an."
Tumango-tango si Dri. "Matagal na ba kayong friends ni Karol? Since college rin ba?"
"Oo, pero fourth year lang naman kami naging friends. Mas gusto ko kasing mag-isa lang n'ong college. Noong fourth year naman, naging close kami kasi kailangan sa finals or whatever. Kaya ayon, nakilala ko sila," dagdag ni Yara. "Kayo ni Renzo?"
Bahagyang nilingon ni Dri si Yara bago ibinalik ang tingin sa daang binabaybay nila. "Since first year college, magkakasama na kami. Sila ang mga kasama ko noon mag-cutting classes para lang mag-DOTA." Pareho silang natawa. "Hanggang ngayon, solid pa rin. Pinagtatawanan na nga nila ako, ako na lang ang hindi committed, ako na lang ang walang pamilya."
Yara smiled. "Palagi namang ganoon ang tanong nila. Hindi naman kasi lahat, katulad nila na gustong bumuo kaagad ng pamilya. I mean, oo, I am pressured kasi twenty-seven na ako, pero ito pa rin ako, but I have priorities in life."
"Same sentiments," Dri responded. "I'm still enjoying what I do now. Hindi naman sa hinuhusgahan ko sila, but ever since they had their family, madalas na silang nagrereklamo sa group chat namin. I was like, hindi naman sa pagiging duwag, pero hindi muna ako papasok sa isang bagay na hindi ako handa."
Tumango si Yara dahil agree siya sa sinabi ni Dri. Pareho sila ng outlook sa buhay pagdating sa bagay na iyon. "I'm not financially, emotionally, and mentally stable," ani Yara. "People judge me for being selfish na gusto ko munang maging single, but if you're the breadwinner of the family, priorities."
Diretso ang tingin ni Yara sa daan. Paminsan-minsan niyang pinanonood ang pagpatak ng mahinang ulan sa windshield ng sasakyan.
"Nakakapag-travel ka ba?" tanong ni Dri.