"Ate gising na!!!! Baka malate tayo, Gising naaaa." Pag gising sakin ni kai habang inaalog alog pa ako.
Ano ba yan inaantok pa ako eh, pero bumangon na rin ako at naligo kahit antok na antok pa.
Nag hahanda naman si papa ng kakainin at babaunin namin.
Sinuot ko na ang uniform ko, checkered ito na kulay indigo sa lace, ribbon, at palda namin, sa lalaki naman, indigo na slacks at checkered na necktie.
Sinuot ko na rin ang i.d ko, dahil no i.d no entry sa school namin. Sa color ng i.d rin malalaman kung anong grade ka. Kaya color red ang lace ng akin dahil grade 9 ako.
Tinali ko ang buhok ko na hanggang bewang sa low ponytail lang, para matakpan ang aking buhok na may kulay blue na highlight sa ilalim ng buhok ko, bawal sa school namin ang may kulay ang buhok kaya tinatago ko na lang.
May salamin din ako na sinusuot transparent lang ang kulay, dahil medyo Malabo na rin ang mata ko pero hindi sobrang labo, kaya nakakapag laro ako kahit wala akong salamin na suot.Habang umiinom ng gatas ay nag rereview ako para na rin may pumasok sa utak ko mamaya at hindi ako ma blanko habang nag sa sagot sa exam.
Nag toothbrush na rin ako at hinanda na ang mga gamit ko. Small bag lang muna ang dadalhin ko dahil exam naman namin.
"Oh mga baon niyo, galingan niyo sa exam ha."
Nag-opo kaming lahat at bumeso kay papa bago umalis.
Malapit lang naman ang school namin kaya nilalakad lang namin, Dinaanan namin ni kai at jia si nicolai para sabay sabay na kaming pumunta sa school.
Si vien naman ay sa elementary school, same school lang din sa amin pero sa ibang building ang sakanila, medyo malayo sa building namin. Kaya hinatid muna namin siya sa building nila.
Sa public school kami nag-aaral Cullen National High School (CNHS) dati naman ay sa private school ako kinder hanggang grade 1 lang pero okay lang sa akin kase kung ikukumpara ko noon mas thankful ako na napunta ako sa public school dahil nakikilala ko ang mga kaibigan ko ngayon. Maganda rin ang CNHS dahil para rin siyang private school, kaya pili na students lang ang nakakapasok. Kaya maswerte kaming mag kakapatid at nakapasok kami sa school na 'to.
"Oh mga bish nag-aral ba kayo??" tanong ni Harry sa amin.
"Malamang exam eh." sagot ni Shairine.
"Luh, eh kung hindi kita pakopyahin mamaya."
"Eh kung hindi kita isabay pag uwi mamaya?"
"Charot lang Shai, Tara na nga pumila na tayo."
Tinawanan lang namin silang dalawa at pumila na, kailangan kasi na pumila para matingnan ng guard kung may i.d.
"Ayy madami ng nakapila dun na muna tayo sa gilid."
Gumilid muna kami dahil madaming estudyante na ang pumila.
Napaatras ata ako ng sobra nung nasa gilid kami kaya nabangga ko yung classmate kong lalaki na tahimik at lagi lang siyang mag isa at medyo weirdo.
"Ayy sorry."
"Okay lang.."
Nakatayo lang kami sa gilid hanggang sa dumating na nga yung mga tinitilian ng mga babae dito sa school namin, ang 7 Ace's.
Ewan ko ba bakit ganyan pangalan ng grupo nila, simula elementary magkakasama na sila. Matalino sila, mga gwapo, pero kase ang dami kong issue na naririnig tungkol sa kanila ngayon. Hindi naman sila ganiyan dati.
BINABASA MO ANG
Family's Heiress
Teen FictionHer life is full of mystery, her problems is misery. Would she get through all of that?