***********
"Dyosa ko!! Wait!!"
Tumigil siya sa paglalakad. Kanina pa siya nito sinusundan. Naaalala niyang ilang beses itong napahiya dahil sa katangahan at kakulitan para lang makausap siya. Ni hindi niya lubos maisip kung bakit nito pinipilit ang sarili sa kanya.
Ang alam lang niya ay konting konti nalang. Mauubos na ang pasensya niya sa babae.
Hingal itong humarap sa kanya. Nakahawak ito sa tuhod habang nagsasalita."My l-labs. . .pina. .pinapa. .hah!. .pinapatawag ka n-ni . .Dean. .whooo! Wahahaha!"
'baliw' aniya sa sarili. Tumalikod ulit siya at mabilis na naglakad. Pero mabilis din siyang napigil ng makulit na roommate. Kinabig siya nito paharap sa kanya at nakipag titigan.
"Kahit anong gawin mong pagtakbo ,hinding hindi na maibabalik pa ang mga nangyari noon. Harapin mo ang ngayon ,dahil kung takbo at pagtago lang ang alam mong solusyon. . Sa hinaharap sarili mo mismo ang sisihin mo at Hindi kana makakaalis pa sa sildang nilagay mo diyan sa puso mo. . At kahit kailanman ,hinding hindi ka sasaya. .kaya. ."
Hinawakan niya ito sa balikat at niyakap papunta sa kanya. "Hayaan mong puso ang tumakbo wag ang sarili mo"
"Anong alam mo?"aniya.
Mabilis siyang kumawala sa yakap at mahigpit na hinawakan sa balikat ang bagong salta.
"Anong alam mo sa vbuhay ko!? Anong alam mo sa nararamdaman ko!? Wala! Wala kang alam! Hindi mo alam kung ano man ang mga pinagdadaanan ko!"
"Subukan mo ko. Ayos lang ,subukan mo kong gawing panakip butas. Tutulungan kita. . Wala man akong alam pero alam ko ang nararamdaman mo . .patay na siya Pipper ,patay na ang babaeng "
"Oo! Alam Kong patay na siya! At alam mo ba ang Hindi mo alam?!. .ako! Ako ang dahilan kung bakit nawala siya! Ako!"
"Walang may gusto ng nangyari"
Gusto niyang matawa sa sinabi nito pero tanging ngiting pangungutya ang nagawa niya.
Binitawan niya ito at agad na tumalikod. Mabilis siyang nahawakan ni Eula.
"Pag-isipan mo ang sinabi ko."
Pwersahang kinuha niya ang kamay.
"Patawa ka alam mo yun. . Ikaw ang mag isip." aniya sabay duro dito."Tanga lang ang mga taong gagawa ng mga ganyang bagay. Hindi ako duwag at nasa tama pa ko na pag iisip para gawin yang sinasabi mo."
"Duwag ka".
"Hindi ako duwag!" galit na humarap siya dito. Kung nakakamamatay lang ang tingin ,siguradong bumulagta na ang ka argyumentong babae.
"Bakit hindi mo sabihin yan sa sarili mo?"
"Ikaw ang nakakatawa. Dahil hanggang ngayon hindi mo maamin sa sarili mo na duwag ka."
"Sinabi ko ng hindi ako duwag!" mabilis pa sa alas otsong sinuntok niya ang dalaga.
Booogsshh!!
Nanginginig naman itong nakatulala dahil sa mabilis na pangyayari. Malakas ang suntok nito. Hindi man siya ang tinamaan pero sa ingay na gawa nito alam niyang nabalian ito.
Halong takot at walang kapantay na kaba ang nararamdaman niya hindi dahil sa alam niyang galit ito pero dahil napakalapit ng mukha nito sa hinihingal na babae.
Nasa ganoon pa rin silang posisyon mga ilang minuto pa ang nakararaan. Walang imikan. Walang may naglakas loob na guwalaw.
"Sa ayaw at sa gusto mo. Lalayo ka. Wag na wag kang lalapit sa akin"