Part Two

211 2 0
                                    

“Sayonara”

By IhEaRtZeRoThEhErO

Part Two

Natawagan na ni Daniel ang ina ng babae, subalit kahit alam na nito ang nangyari sa anak, kahit na alam na nito na under comatose ang anak ay di pa rin ito uuwi, mas mahalaga pa siguro dito ang trabaho kaysa sa anak.

Si Daniel lang ang nagbabantay sa babae, buti naman at di kahigpitan ang schedule nito.

Sa bawat araw na lumipas, lalong humihina ang katawan ng babae...at sa bawat araw din na lumilipas, unti-unting bumabagsak ang katawan ni Daniel. Unti-unting lumalalim at umiitim ang mata, pumapayat at di na makatulog. Halos di na rin ito kumakain..hindi siya papayag na mawala ang babaing mahal niya..kung mawawala ito ay mamamatay din siya.

Isang linggo ng comatose ang babae, lumiliit na rin ang tsansang magising pa ito, at lalo pang lumiliit ang pag-asa ni Daniel na makasama niya ito.

Kapag mag-isa si Daniel ay wala na itong magawa kundi umiyak, sisihin ang sarili at magalit.

Hindi niya na alam ang gagawin niya pakiramdam niya unti-unti nang nalalapit ang panahong mawawala sa kanya ang kanyang minamahal.

Isang araw habang kumakain si Daniel ng tanghalian sa canteen ay may lumapit sa kanya. Isang babaing di niya inaasahang makikiramay sa kanya. Ito rin ang babaing nagpayong sa kanya nung nababasa siya ng ulan.

"Kumusta na?" tanong nito. Ang mga mata nito ay nakikisimpatya sa kalungkutang kanyang nadarama.

"Anghel? Bakit ka nandito?" tanong ni Daniel.

"Kasi lunch break, anu ba, tinatanong kita kumusta na yung girlfriend mo?" tanong ni Anghel.

Unti-unti at pigil ang pagtulo ng luha ni Daniel. Sa unang pagkakataon may isang taong nagawang damayan siya. Sa unang pagkakataon, mayroong isang taong nagtatanong sa kanya. Sa unang pagkakataon, may nakaalala sa babaing minamahal niya. Sa unang pagkakataon masasabi niya ang nararamdaman niya.

"One week na siyang coma" wika ni Daniel "Halos araw-araw, humihina ang katawan niya, araw-araw, lumiliit ang tsansang mabuhay siya.." ani Daniel.

Kumuha si Anghel ng panyo at pinunasan ang luha ni Daniel.

"Mabuhay ka Daniel, alam mo, kung nakikita ka lang niya, siguradong di siya matutuwa, tingnan mo, pabayang-pabaya ka na sa sarili mo, bagsak na ang katawan mo, halos di ka na kumakain" sermon ni Anghel.

Tinitigan niya si Anghel.

"Alam ko ang nararamdaman mo, guilt, ganyan din ang naramdaman ko dati," wika pa ni Anghel "nung magkasakit ang mama ko."

Napabuntong-hininga si Daniel. Di niya naisip na ang isang tulad ni Anghel ay may mapait din palang nakaraan.

"Nalaman namin na may cancer siya, pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit nagkaganon siya.. pakiramdam ko, napabayaan ko siya.. pero alam mo di ako nagpatalo, lumaban ako sa depresyon, naisip ko na hindi matutuwa si mama kung makikita niya akong ganon..mahihirapan lang siya lalo."wika ni Anghel.

At ang luha ng kaligayahan ay umagos mula sa magang-magang mga mata ni Daniel. Napagaan ni Anghel ang lahat ng kanyang hilahil. Ang lahat ng kanyang pasaning walang mapagsabihan. Sa isip niya'y isa talagang sugo ng Diyos si Anghel.

Unti-unting nakabawi si Daniel, subalit dahan-dahan ngunit patuloy pa ring humihina ang babaeng mahal niya.

Tatlong linggo nang comatose ang babae at wala pa ring pagbabago. Si Daniel naman ay sumunod sa payo ni Anghel na patuloy na mabuhay...Unti-unti na rin niyang natatanggap ang lahat.

Lumipas pa ang isang buwan, nawalan na sila ng pag-asang magigising pa ang babae. Si Daniel ay tanggap na ang mga susunod pang mangyayari... natanggap na niya sa tulong ng isang Anghel.

 ***End Of Part Two***

Sayonara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon