“Sayonara”
By IhEaRtZeRoThEhErO
Part Six
Lumuluha pa rin ang babae...magang-maga na ang mga mata nito. Di niya alam kung saan siya nagkamali? Mali ba siya nang mahalin niya ng husto si Daniel? Mali ba siyang pahalagahan ito ng husto? Mali ba siyang nagmahal siya ng higit sa buhay niya?! Isa bang uri ng pagkakamali ang pagmamahal?
Nagring ang telepono, sinagot niya ito.
“Hello?” tanong niya. Pilit na itinatago ang lungkot na nadarama.
“Anak? Anong nangyari?” tanong ng nasa kabilang linya.
“Naku, wala naman po, bakit po?”
“Bakit parang umiiyak ka? Nag-away ba kayo ni-”
“No, ma, we’re very much okay! Infact, today was our anniversary, our fifth year anniversary!” dagdag pa niya...“Naghihiwa lang naman po ako ng sibuyas.”
Tumagal pa ang usapan nila ng kanyang ina...kahit di niya nasabi ang totoo, at least may nakausap siya. Napagaan din naman kasi ng usapang iyon ang sakit na dinarama niya.
Samantalang sina Anghel at Daniel ay masayang magkasama.
Nanonood ang dalawa ng fireworks sa tabing dagat. Napakaromantiko talagang tingnan, subalit kung nakikita lang ito ng babae siguradong ikamamatay niya ito. Ang ngiti ni Daniel kasama si Anghel ay abot-langit.
“Id never been this happy, before” ani Daniel.
“I was feeling the same, darling” wika ni Anghel.
Napatingin si Anghel sa kamay ni Daniel. May suot itong singsing.
“Married ka na?” dagdag pa nito...“Bat ako walang ring?” tanong ni Anghel.
At napatingin si Daniel sa suot-suot niyang singsing.
Bumalik sa kanyang alaala ang babae.
“Mangako kang ako ang magiging una at huling lalake sa buhay mo...”ani Daniel.
“Of course, I promise” dagdag pa nito...“Baduy mo talaga!”
Unti-unting nakadama ng guilt si Daniel...ang babaeng yon...ang babaeng limang taon niyang minahal at patuloy pa rin siyang minamahal ay iniwan niya.
'Pero matapang siya, diba?' isip niya...
'Pero pano na kung di niya kayanin ang sakit?'
Napapikit si Daniel.
Hindi bat mas pinili niya si Anghel? Bakit hanggang ngayon iniisip niya pa rin ang babaeng iyon?
Hinawakan ni Anghel ang kanyang kamay...
“No matter what happen, I will always be here for you, Im your bestfriend and girlfriend, right?” ani Anghel.
Di namamalayan ni Daniel ang pagtulo ng kanyang luha...Pero para san?
Tumingin siya kay Anghel...hinaplos ang buhok nito...tinitigan ang mga mata nito, ang mga matang nakakakita sa tunay na Daniel.
“Promise me a thing..”ani Daniel.
“Okay! what is it?” tanong ni Anghel.
“Hindi ka na luluha pa” sagot ni Daniel.
Umihip ang malamig na hangin, binalot nito ang madilim na gabi ni Anghel, ang gabing maraming bituin.
“Mangako ka sa akin na kahit anong mangyari, kahit ilang beses kang madapa ay babangon kang muli!” dagdag ni Daniel.
***End Of Part Six***
BINABASA MO ANG
Sayonara (Completed)
Proză scurtăWhat readers are saying... *ang ganda ng kuwento mo,kahit bitin ok lang,nadala ako ng kuwento *Ito na ang pinakahihintay q.tpos ung lng ung..maganda pa nman..bitin talaga. *Nakakaantig ng puso...gnda ng kwento.. *Wag n kau mgbasa ng pocketbOk d2 lht...