BLEEDING
“Hello po, good evening.” bati ng future wife ko sa lahat.
“Good evening, hija. Maupo ka at sabayan mo na kaming kumain.” paanyaya naman ni Mom.
Pinauna ko siyang umupo at ako naman pagkatapos. Tinabihan ko siya para maging komportable siya. Kahit ako nga ay nai-intimidate kay Mom minsan.
They have served the food, finally. Nagugutom na ako eh. Kumuha agad ako ng pagkain at nilagyan ang plato ko para makapagsimula na akong kumain.
Maagang nakauwi ngayon si Mom. Kaunti lang siguro ang ginagawa sa opisina nila ngayon. Well, thatʼs good. Para na rin hindi ma-overwork si Mom.
“Kamusta, hija?” tanong ni Mom. I let her have a conversation with Bliss. Let them be. Kumain na lang ako ng payapa sa kinauupuan ko. Sila Calvin at Adrian ay tahimik din na kumain katulad ko. Thatʼs good. We should not interfere with the ladiesʼ talk.
“Ayos lang po.” simpleng sagot naman ni Bliss. Her simplicity is perfect.
“Mukhang madalas kong nababalitaan na magkasama kayo ng bunso ko? Nililigawan ka ba niya?” tanong ni Mom.
Muntik na kong mabulunan sa tanong niya. Bakit naman ganoʼn agad ang tanong ni Mom? Agad kong kinuha ang baso ko na may tubig at uminom.
Napailing agad si Bliss, “Ah hindi po, Tita.”
“Youʼre just friends?” paglilinaw ni Mom.
“Opo. Masaya nga pong kasama si Leonardo, sa totoo lang.”
“Ay ganiyan talaga siya. Friendly talaga ʼyang bunso namin.” Mom said. Huh! I just received a compliment from my mom. “Hindi katulad ng mga kuya niya.” I saw how frankly she smiled at those two in front of me.
“Friendly rin naman kami ah.” angal naman nitong si Calvin. Niyugyog niya ang balikat ni Adrian. “ʼDi ba Adrian?”
“Yes Mom. Tapos gwapo pa kami.” ani Adrian saka inayos ang buhok. Nagpapapogi kahit panget naman.
“Gwapo rin naman si Johann.” Mom winked at me. Pumapanig si Mom ngayon sa kapogian ko. Best feeling ever!
Narinig ko ang paghagikhik ni Bliss sa tabi ko. Effective naman pala ang pagpapatawa ng dalawang kapatid ko. Para sa akin, minsan talaga corny sila magbiro. Madalas pala.
“Kamusta ang negosyo ninyo?” iniba na ni Mom ang usapan. Thatʼs nice. Ang hirap kaya kapag sa amin naka-focus ang usapan.
“Medyo bumabalik na po sa dati. Unti-unti nang nakakahinga nang maluwag sila Mama at Papa.” she said, gratefully.
And itʼs because of me. Tapos hindi man lang ako pinasalamatan ng Papa niya. Thatʼs just the harshest thing in the world. Tapos hindi pa siya tutupad sa usapan. That makes me sick.
Nagkaroon pa kami ng ibang usapan maliban sa negosyo. Well, thatʼs how we spent the time while having dinner as a family. Iʼm sure she enjoyed having dinner with my family today. If the Altavistas were here, mas lalo siyang mag-e-enjoy. Halos kaugali niya ang mga ʼyon at pareho ng mga hilig. Alam ko ring magugustuhan siya ng mga pinsan ko. Bliss is a jolly and lovely person. Sheʼs adorably simple.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Jugendliteratur[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022