“Sayonara”
By IhEaRtZeRoThEhErO
Last Chapter
Namumuo na ang luha ni Anghel sa kanyang mga mata, pero pinigil niya ito. Nangako na siya kay Daniel.
Ngayoy mag-isa nalang siyang pinapanuod ang dagat, mag-isang binabalot ng lamit. Mag-isa nalang...
***
Binuksan niya ang pinto ng unit matapos mabatid na di ito sarado. Nagtaka siya.
Gulong-gulo ang loob...magulong-magulo...at maririnig ang kantang “I’ll Always Love You” sa ere. May nakita siyang parang scrapbook at pinulot niya iyon..
“And if you ever change your mind,
I still...
I will...
Love you”
At pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ay nagulantang siya sa nakita. Nakahandusay ang babae sa sahig, nasa gilid nito ang kutsilyo, at may dugo ito sa bandang pulso!
Ilang minuto bago dumating si Daniel...
“Di ko na alam kung kaya ko pa bang mabuhay sa mundong to...” dagdag pa ng babae, “Ngayong wala na siya, wala na ring direksyon ang buhay ko...” wika ng babae habang hawak-hawak ang kutsilyo sa kamay...
Nasa kamay niya ang litrato ni Daniel, at ang t-shirt nito na dating binigay sa kanya...
Tumutugtog ang isang dayuhang awitin...
http://www.youtube.com/watch?v=UzxM_vhn33E
“Sayonara Daisuki Nahito…
Sayonara Daisuki Nahito
Matada Daisuki Nahito”
Ngumiti ang babae... 'Sayonara, Daniel-kun, AISHITE IRU!'
Lumuha siya...
At nilaslas niya ang kanyang pulso.
“Sa-yo-na-ra, ai-shi-te......”
***
Binuksan ni Daniel ang pinto, nakita niya ang gulo-gulo nitong loob, at ang scrap book..pinulot niya.
Binuksan niya ito, at naluha sa nakita...
Pumunta siya kwarto ng babae, at tumambad sa kanya ang nakahandusay na katawan nito...
“Utsukushi!” sigaw ni Daniel.
Nasa ospital na si Utsukushi ng mga oras na iyon...wala pa ring malay hanggang sa ngayon.
Si Daniel naman ay taimtim na nagdarasal sa chapel ng ospital.
At si Anghel ay nasa kanyang bahay at tinititigan ang mga litrato ni Daniel...
“Mahina kang masyado, Daniel.” sabay tulo ng kanyang luha...mukhang di niya matutupad ang pangako kay Daniel. Minahal niya ito ngunit, iniwan lamang siya nito. Pero ayos na rin iyon, kaysa mas pinatagal pa nito ang baluktot nilang relasyon.
Pumasok si Daniel sa kwarto ni Utsukushi. Wala pa rin itong malay...hinawakan niya ang kamay nito.
“Sorry nabulag ako, sorry dahil di ko naappreciate ang ginawa mo...” dagdag pa ni Daniel, “Mahal na mahal kita, at pati ang-”naputol niyang sinasabi... Gumalaw kasi ang kamay ni Utsukushi.
Dumilat ang mata nito...nangingilid ang luha nito..
“Tinupad niya ang kahilingan ko...” wika ni Daniel.
Napabaling ang mata ni Daniel sa kapirasong papel na may dugo. Pinulot niya ito.
Nakaalis na si Daniel ng dumating ang ina ng babaeng si Utsukushi... Nakangiti ito kasama ang doktor niya...
“Kumusta na anak,” dagdag pa ng kanyang ina, “May good news si doc, sayo.”
Nangunot ang noo niya,“Ano po yon doc.?” tanong niya.
“Your pregnant, 2 weeks pregnant, miss Sato!” wika ng doktor.
Buntis siya?
Magkahalong takot ang saya ang nadama niya, di niya talaga alam na buntis siya...isa itong panibagong simula sa buhay niya. “Ako po ay magiging ina na?” tanong niya...
Tumango ang kanyang ina... masayang-masaya ito sa balita.
Naglalakad si Anghel ng makita niya si Daniel na naglalakad mula sa ospital...may hawak-hawak itong papel, at parang wala sa sarili.
Batid ni Daniel na ito na ang katuparan ng kahilingan niya sa Diyos...
...at nasagasaan siya ng rumaragasang truck.
Kinuyog ng mga tao ang driver ng truck, awang-awa ang mga ito kay Daniel...
Bago niya maipikit ang mga mata ay naalala niya ang kanyang dinalangin...
“Panginoon, nakikiusap po ako sa Inyo. Ibigay Niyo na lang po ang nalalabi kong panahon sa mundo para sa magiging anak namin...” wika niya.
At payapa na niyang nilisan ang mundo.
Napatakbo si Anghel sa kinaroroonan ni Daniel...nakita niya ang papel sa kamay nito. Kinuha niya ito at binasa...
“Daniel,
Pinapalaya na kita. Maging masaya ka na sana sa piling Niya.
SAYONARA!
-Utsukushi”
-END-
***
Salamat po sa pagbabasa hanggang sa huli...nais ko po sanang hingin ang inyong komento, reaksyon, o kung ano pa po sa kwentong ito...makakatulong po ito ng malaki sa akin.
Jane
BINABASA MO ANG
Sayonara (Completed)
Cerita PendekWhat readers are saying... *ang ganda ng kuwento mo,kahit bitin ok lang,nadala ako ng kuwento *Ito na ang pinakahihintay q.tpos ung lng ung..maganda pa nman..bitin talaga. *Nakakaantig ng puso...gnda ng kwento.. *Wag n kau mgbasa ng pocketbOk d2 lht...