Chapter 1

2.2K 29 0
                                    

Alyssa P.O.V


Pupunta na kami nina Ella at Den sa Eliazo Dorm ng biglang naatrasan kami ng isang magarang sasakyan. Sa sobrang inis ko bumaba ako ng sasakyan ko para harapin yung driver ng magarang sasakyan na yun


''Oy ikaw lalaki! May problema ka ba at pati sasakyan ko dinadamay mo?'', maangas na tanong ko dun sa driver sabay panduduro sa kanya


''Yang sasakyan mo kasi, pahara-hara sa dadaanan ng sasakyan ko '', mayabang na sagot niya . Sa sobrang inis at galit ko nagkasagutan kami.


''So ako pa yung may kasalanan?'', mapang asar na tanong ko sa kanya sabay labas nina Ella at Den sa kotse ko


''May sinabi ba ako '', pang babara niya sa akin . Sa sobrang inis ko pinabayaan ko na lang siya at sumakay na kami nina Den at Ella sa kotse ko ng biglang humabol siya sa akin


''Oh! Sorry na '', pabalang na sabi nung lalaki habang nag uusap kami dun sa may bintana ng kotse ko sabay abot ng 5 thousands pesos . Di ko tinanggap yung 5 thousand pesos na ibinigay niya .. Ano tingin niya sa akin, mukhang pera? Of course NOT


''No thanks '', sabi ko sa kanya sabay sauli ng binibigay niyang pera at saka sabay sara ng bintana ng kotse ko . Nag paatras na agad ako ng kotse ng nakalimutan ko na andun pa nga pala yung kotse niya kaya nagasgasann ko din yung kotse niya .


''Besh, ano ba nangyayari sayo?'', tanong ni ella sa akin sabay kamot sa kanyang ulo.


''Oo nga Ly, may problema ka ba ?'', tanong ni denden sa akin habang nakakunot ang noo . Bababa na sana ako ng kotse ko para humingi ng tawad sa naatrasan kong kotse ng biglang pagharap ko sa bintana e nakita ko na siya ,binuksan ko na lang yung bintana para di na ako lumabas ng kotse


''So quits na tayo '' mapangasar na sabi ko dun sa lalaki .


''Ginagantihan mo ba ako?'', tanung nung lalaki na halatang asar na asar na .Yan ang gusto ko yung inaasar sila .


''Paano kung sabihin kong OO ,ginagantihan kita '', sabi ko sa kanya sabay smile na nakaaasar.Ng biglang nakisabat si Ella


''Aly naman kasi , pinapatagal mo pa baka naman-'', di ko na pinatapos yung sinabi ni Ella baka kasi kung ano pa masabi nun . Para matigil na ibinigay ko na lang yung credit card ko sabay lista ng number ko at abot sa kanya


''O eto na yung credit card ko! Eto na din yung number ko! Text mo na lang ako kung saan mo ibibigay yung credit card ko ,papaayos ko din yung kotse kong sinira mo '', sabi ko dun sa lalaki sabay abot ng credit card at number ko


''Okay'', matipid na sagot niya ,aalis na sana siya ng bigla ko ulit siyang tinawagan


''Oh?'',


''Pwede bang paki park na ng maayos yang kotse mo para makaalis na kami ?'', pabalang na tanong ko dun sa lalaki

Heart ATTACK (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon