"Sige na Beaaaaaa, pumayag ka na please? Kasi naman si Lime inaya ako, sige naaa"
Sabi ng Maikling buhok, Maputi at maganda kong kapatid. Well, maganda rin ako, kaso nga lang morena style.
"Oo na ate. Oo na."
"Salamat, salamat"
Pagkalabas kong kwarto ay nagpaalam na ko kay Mama.
"Mother, lalabas po muna kami ni ate, gagala lang."
"Ganun ba? Sige, oy Alyssa! Wag magligalig ah?"
"Opo mother, salamat, alis na kami!" sagot naman ng ate ko.
Ganto palagi ayos namin ni ate, ako taga paalam para sakanya, actually kaya naman nya, kaso kakakita lang nila kahapon ni kuya Lime, so bawal na, baka matigok na si ate kay Father.
"Ate, yung bayad ah? Ginulo mo ang napakaganda kong pagbabasa ng novels"
"Oo na, papakilala rin kita sa mga kaibigan ni Lime, may gwapo, hahaha"
"As if naman may pake ako, tsaka kilala ko na tropa nun ah? May iba pa? Sila Renzelle kasama?"
"Bilisan mo na daming tanong, kasama yun, papahuli pa ba sila kapag may gwapo?"
After kong magbihis ay nagpaalam na kami kay Mother, while kay Papa, si mama na ang bahala, nakakatakot kasi magpaalam dun.
Pagdating namin sa Mall ay mukhang ngiting aso kaagad si ate pagkakita kay kuya Lime.
"Uy bey, salamat ah? Libre ka namin ni Baby haha, tsaka galang tropa narin to." said by this man, with a nerd glass, matangos ilong, and uh gwapo base kay ate.
"No prob kuya Lime, libreng pagkain eh, tsaka pagkatapos aalis narin ako, kasama nila"
Nila. Ang tinutukoy ko ay ang mga kaibigan ni kuya Lime na naging ka-close ko narin, oh diba? Instant kuya's.
"San na ba sila Danica?" tanong ni kuya Aldwin, matangkad, maputi, matangos ilong.
"As usual naman eh" pang aasar naman ng Kulot ang buhok, morenong lalaki, palangiti at nag-ngangalang Jhanel.
" LATE" Sabay pakita ng killer smile ni Ronnel. Dark and Handsome ang peg nya.
"Grabe kayo, susumbong ko kayo kay Ate Dan" asar ko sakanila hahaha.
"Ayun na pala eh!"
Pagkasabi nun ni ate, I just smirked Ronnel.
"Oo na, uunahan ko na kayo, late na kami, sorry naman diba?" Salubong agad samin ni ate Dan, wearing her perfect eyebrow and her smoky eyes, at tinawanan nalang namin sya, sumunod sakanya ay ang magkambal na sina Jaymark at Renzelle, ang pagkakaparehas nila ay ang pagkamatangkad nila, Jaymark and his built-in muscles and Renzelle with her curly hair, as in kinulot nya talaga.
"Ayan, sisihin nyo si Renzelle, todo paganda pa" sisi ng kambal nya.
"Eh kasi naman diba, sabi ni Kuya Lime may papakilala sya, sabi naman ni ate Aly gwapo. Alam na this" sabay tili nya at pinagpapalo pa ko. Mapapa irap ka nalang eh. Naku.
"Oo nga kuya lime sino ba?" sabi ko.
"Hindi sino, sino-sino." pagtatama ni kuya aldwin
"Andun na sa Shakeys nagaantay, maganda sabay sabay"
Pagkasabi nun ni kuya Lime, ay naglakad na kami. Etong si Kuya Lime at si kuya Dwin lang talaga kinukuya ko, kasi isip bata pa naman sila Ronnel at Jhanel eh, with Jaymark naman, kami yung tinatawag na childhood friends, ako, ate, Ate Dan, Renzelle, kambal nya na si Jaymark. Marami kami actually. Nakilala lang namin sila Jhanel dahil kay kuya Lime na boyfriend ni Ate at yun close narin namen.
Kami yung tipong sobra sa friendly. We have so many circle of friends.
Pagkarating namin sa Shakeys, nagsi-kawayan naman yung mga madla na nasa gilid na part.
Hmm, sila to? In all fairness, gwapo nga, but I'm not into 'gwapo'. Nakakarecognize kasi ako ng mga ma-itsura pero di ako nakaka-appreciate.
"Hey sorry kung late kami, eto pala girlfriend ko and my friends."
Obviously, kilala na nila sina kuya Dwin, but us, not yet. So nagpakilala sila- Mali pala si kuya Lime yung nagpakilala sa isa't-isa.
"Eto si Bj" kulot sya tsaka maputi. Nangurot na sakin si Renzelle, meaning gwapo.
"At ito naman si Mark" Uhm. Pwede na sa standards ko. Standards? Kailan pa ko nagkaroon nun'? Ang kisig ng tayo nya, ang mysterious pa, mahahalata mo. Eto kasing bj, all smiley, kabaligtaran nung Mark.
"Guys si Aly, my girlfriend, her sister Bea"
Nginitian ko sila at kinawayan, well friendly naman ako no.
"Danica here, and the kambals Jaymark and Renzelle"
Todo ngiti nalang si Renzelle, si Jm (Jaymark) nakipagkwentuhan kaagad, lastly si Ate Dan, fake smile. Omg! Napaganyan agad nila si ate Dan? And who's this LUCKY guy. Omg talaga, mamaya nga alamin ko.
Anyways ang OA ni kuya Dwin ah, maka 'sino-sino' kala ko naman mga sampu. De joke. Pero OA parin sya.
Nag order na sila, while eating, di maiiwasan ang kwentuhan/interview. Yeah right, basta kami kasama mo di kayo ma-aawkward. Overload ang friendliness namin ano.
In the meantime, tinitignan ko rin si ate Dan, what's bothering her. Well mukhang back to friendly na eh.
All throughout, masasabing mong malandi si Bj. Duh, ngitian palang nila ni Renzelle, landi na. Eto namang si Mark, uh, Mahilig sa volleyball at basketball, friends with kuya Lime coz' he's teammate with him, and Matagal tagal narin sila magkakilala.
Compared to Bj, naka-10 nang girlfriend, and so on. Masyadong marami, kinwento na nya ang talambuhay nya.
After eating..
"Thanks sa libre kuya Lime! Aalis na kami, diba Jhanel? Tara na Guys, yow Bj, Mark, tara!"
"What? Kakatapos ko lang eh" reklamo ni Jhanel as I rolled my eyes on him.
"We gotta go na, com'on" ate Dan said, agreeing with me.
"Sige te, alis na kami, bye kuya Lime! Ate libre ko ah?"
"Oo na, what do you want?"
"Percy Jackson series lang" sabay tawa. Yes! Di ko na kailangan magipon *evil laugh *
"What? Ang mahal kaya nun!"
"Yaan mo na baby, ambag ako, bye guys!"
"Thanks kuya Lime, bait mo talaga haha"
Sabay sabay na kaming nagpaalam at umalis, nauuna naman si Renzelle kasabay si Jhanel at Bj, sumunod naman si kuya Dwin, ate Dan at Mark, nahuli kami ni Jm.
Bigla naman akong nabunggo kay Mark- wth!
"Ay sorry Mark!" sabi ko nalang.
"Really zelle? Antrip' mo?" reklamo ni ate Dan
"San pala tayo pupunta? What now?"
--
To be continued..