Always Be a Friend Zone (one shot story)

28 0 0
                                    

Jasmine's POV

Prom na mamaya. Maaga pa lang inaayos ko na ang mga gagamitin ko para sa prom. Kailangan maganda ako mamaya para mapansin naman NIYA ako.

Para mapansin ni KEVIN TORRES. Ang Bestfriend ko simula 1st year. Gwapo, Mabait, Matalino Mayaman at Caring yan ang katangian niya na nagustuhan ng mga babae. Pero iba ako sa kanila. Mahal ko sya ng higit pa sa isang kaibigan sa dahil na ako mismo ay hndi alam. Basta isang araw nung 2nd yr kami nagising na lang ako at nasabi kong mahal ko na pala sya. Ganun naman talaga db pagnagmamahal? Marerealize mo na lang namahal mo na pla sya at pagtinanong ka kung bakit eh wala kang maibigay na dahilan. Sa tagal ng aming pinagsamahan, kahit na kailan ay hindi ko nagawang sabihin ang nararamdaman ko.

Bakit?

Kasi NATATAKOT ako. Natatakot na kapag sinabi ko eh layuan nya ko. Natatakot sa mga maaari nyang sabihin. Higit sa lahat natatakot akong masaktan </3.

----------------------------------------------

Dumating ako sa school ng 5:30. Nakita ko agad si Hana one of my bestfriends. 

"OMG Jasmine! You're beautiful."

"ikr. You're pretty too."

Nagkwentuhan lang kami. Dito muna kami sa labas nagstay since mmaya pa naman ang start ng parade ng 4th yr. Sa school kasi namin magpartner ang 4th yr girls at 3rd yr boys. 

Habang nagkkwentuhan kami may biglang bumaba na Greek god Hottie sa sasakyan nya... *O* ang gwapo nya ngayon. Sino pa ba kundi ang love of my life---- si Kevin.

"KEVIIIIN" sigaw ko para makita nya kami.

"Panget mo pa rin ahhh." asar ni Hana kay Kevin.

"ASA dude. Ako panget? eh ano ka pa kaya, halimaw?" asar din ni Hana.

"Nagaasaran na naman kayo."

"Hindi na po.. hahaha.. Ang cute cute mo talaga." sabay pisil nya sa pisngi ko.

"at ang taba-taba mo." dugtong nya pa.

"HAHAHAHAHAHA" sabay nila akong tinawanan.

"haynako, etong mga batang to oh.. mukhang ang saya-saya nyo ahh.." sabi ni Tita Lene. Kevin's mom.

"Nako tita, inaasar na naman po nila ko." sumbong ko kay tita.

"tama na ang asaran. tara magpicture na muna tayo."

Nagpicture muna kami. Nagsimula na ang parade ng 4th year boys kaya pumasok na kami. Wala pa din si Nicole, one of my bestfriends. Well, I have 3 bestfriends--- Hana, Nicole and Kevin. Wag nyong iisipin na bakla si Kevin kundi malalagot kayo sa akin. Kevin has guy friends. 

Nagsimula na ang prom. Late pa nga si Nicole ehh.. The usual lang naman ang mga pangyayari--- parade, candle lightning ceremony, opening remarks, special performance, class dance, dance sport at awarding. Nanalo nga si Kevin na Campus Heartthrob. 

Nang matapos na ang mga dapat gawin, nagsimula na ang sayawan. Slow dance ang unang kanta. Lumapit si Kevin sa table namin. Akala ko yayayain na nya ko sumayaw. Pero mali ako. Niyaya nya lang kami na pumunta sa gilid ng stage para manood.

Nang mapalitan ang kanta from slow song to party song, sumayaw na kami syempre group dance yun. Nagkunwari kami na nasa bar. Party kung party kung baga. Nagsesexy dance pa nga si Kevin at Hana eh. Nakakatawa silang panuorin. Feel na feel eh. Nakakapagod din sumayaw. 

Naging slow dance na naman ang kanta kaya napagdesisyunan namin na mag-cotillion. Sa wakas, nai-sayaw nya din ako kahit 30 sec lang yun. Nang ipasa nya ako kay Hana (kasi po gawa-gawa lang po namin ang cotillion kaya pwedeng ipasa sa kapwa babae), si Tricia naman ang naisayaw ni Kevin. Si Tricia ang babaeng espesyal sa puso ni Kevin. </3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Always Be a Friend Zone (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon