She cried for the man she almost had but couldn't have.
For the second time, she cried again for the second man she almost had but couldn't have.
But now, she's done crying over those two men who just both broke her heart. She has moved on, through time.
But not as expected. Suddenly, everything turned the other way around.
They cried for the woman they both could not have. The girl they almost had, but lost, because they didn't take the chance right.
Dimwit! Ano bang blog itong nabuksan ko? Ang drama naman!
Isinara ko na ang tab na naglalaman nito at nagbukas ako ng panibago.
Magfafacebook ako! Ii-stalk ko lang naman iyong girlfriend ko. Hindi pala, iaadmire ko siya sa facebook! *wink
Ang ganda niya talaga.♡ Naiinlove ako lalo.♥♥
Wala namang bago na magandang nangyari. Nasa out of town kasi siya ngayon, may seminar daw sila doon. Mga limang araw din sila doon mag-i-stay kaya medyo nalulungkot ako ngayon. 😔
I-shinut down ko na rin iyong laptop kasi nabuburingot lang ako. Wala namang pagbabago.
Tatayo na sana ako upang mag-ayos ng mga gamit ko para naman sa limang araw na bakasyon sa .. nang mapansin ko ang kapirasong papel na ipinatong ng aking kapatid na si Jane sa mesa ko kaninang umaga. Nakita niya raw iyon na nakasingit sa Electrical Engineering Book na ipinahiram ko sa kanya.
Kinuha ko iyon at nakaramdam ako ng kaunting kaba nang mahawakan ko na. Shits! Alam na alam ko ito. Nakatiklop iyon ng maraming beses at lalo akong kinabahan noong dahan dahan ko nang binubuksan.
At hindi nga ako nagkamali.
Tandang tanda ko pa rin ang bawat linyang nilalaman nito.
Natapos ko itong basahin ng tahimik at wala namang luhang pumatak. Alam kong marami ng luhang nasalo ang liham na 'to noon pa lang gabi na ginawa niya ito.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung para sa akin ba talaga ang liham na ito. Napulot ko lang ito sa aming room noong pinaglinis kami ni Ma’am dahil nagalit sa aming mga pasaway na lalaki, 7 years ago. Iyon ang araw pagkatapos noong gabi na nakita ko siyang umiiyak at alam kong dahil sa akin.
Deym.
Tiniklop ko ulit ang papel na tila hindi na ulit kailan pa man nabuksan. Hindi ko alam kung bakit ko ito naisingit sa librong iyon. Hindi ko na rin matandaan kung kailan iyong huling beses na binuksan ko ito at binasa.
Masyadong matagal ng panahon.
Masaya na ako ngayon.
Sa tingin ko ay siya rin naman. Sana nga.
Ang bagay na ito ay hindi na dapat inaalala pa at binubuksan kahit kailan.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AdventurePara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...