"I already told you to stop doing some random things, Eula!"
Napabuntong hininga ako dahil sa sigaw ni Papa sa kabilang linya. Ang aga-aga binubulabog na naman niya 'ko.
"Painting isn't a random thing, Pa! Stop forcing me to do the things that you want!" Hindi ko na rin napigilan ang pasigaw.
Stress na stress na agad ako e' kagigising ko lang. Pambihira talaga.
"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. May makukuha ka ba r'yan, ha?!"
Hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang tawag. Mas lalo lang lalala ang pag-uusap namin kapag sumagot pa 'ko.
Babangon na sana ako sa pagkakahiga nang makatanggap ng text galing kay Papa.
From: Mr. Archeon Payton
I'm going to send you the list of universities I want you to attend. Register to all of the them by this weekend.
Hindi ako nag-reply at dumeretso na lang sa banyo para mag-ayos papuntang school. Nang matapos ako ay saktong katatapos lang ni Mama na magluto ng almusal.
"Wow, sarap," sambit ko nang makapasok ako sa kusina.
"Wow, bolera," sagot ni Mama habang inaayos ang hapagkainan. Natatawa tuloy akong umupo bago simulan ang pagkain.
Mabilis akong natapos sa pagkain kaya maaga rin akong nakaalis sa bahay. Nag-offer pa si Mama na ihahatid niya raw ako sa school pero tumanggi ako. Kaya ko naman. Hindi na 'ko bata.
"Girl, sasama ka ba sa summer camp?!" bungad sa 'kin ng kaibigan kong si Kaji. Umiling lang ako. Wala na 'kong panahon para sa mga gan'yang camp. "Bakit?!"
"Anong bakit?"
"Bakit hindi ka sasama?!" Hindi ko siya pinansin at dumeretso na lang sa upuan ko. Sumunod naman siya sa 'kin. "Ayaw mo ba talaga?"
"Ayoko nga. May sasalihan akong art contest 'di ba? Nakalimutan mo na?"
"Ay oo nga pala." She sighed. "Pero for sure naman, talo ka lang din diyan."
Hinampas ko ang balikat niya. "Kaibigan ba talaga kita, ha?! Wala kang puso."
"Sumama ka na kasi, Eula aking nag-iisang minamahal sa buong kalawakan na siyang nagmamay-ari ng aking puso't isipan," aniya habang niyuyogyog ang balikat ko.
Tinulak ko siya nang may sama ng loob. Nakakahilo kaya ang ginawa niya! "Hindi mo 'ko madadala sa mga gan'yan mo, Kaji. Ang mabuti pa, bumalik ka na lang sa sinapupunan ng nanay mo."
"She's dead." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya.
Oo nga pala, wala na si Tita. Nakalimutan ko! Nakakahiya! Hindi ko po sinasadya 'yon. Patawarin nawa ako.
"Gulat 'yan?" Tumawa siya at mahina akong sinampal. "Dali na! Kapag sumama ka ililibre kita ng lunch araw-araw!"
Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Zara, kaibigan namin.
"Ako na lang ang sasama, 'te! Tapos ilibre mo na rin ako ng lunch araw-araw!" sigaw ni Zara pero hindi siya pinansin ni Kaji.
"Manahimik ka nga, alulod."
"Excuse me?! Ako? Alulod?!"
Binato ko sa mukha si Zara ng panyong hawak ni Kaji dahil nagsisimula na naman sila. "Okay ka lang, Kaji? Mas masarap kaya ang kinakain kong lunch sa'yo."
"Ang arte mo talaga." Inirapan niya ako at tinulak si Zara kahit hindi naman ito nakaharang sa daraanan niya. "Tabi nga."
"Inurungan ka na naman ba ng regla mo, Kaji?! Ang aga-aga ang sungit-sungit mo!" ani Zara bago maupo sa tabi ko. "Ano na naman ba kasing ginawa mo, Eula? Isa ka pa e'."
BINABASA MO ANG
In a Heartbeat (Complete)
RomanceEula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father threw her out for disobeying him and texted her saying, "Good luck on your journey without me." With...