"Wala pa si Kaia?" Takang tanong ko kay Kyle ng makapasok ako sa classroom. Palagi kasing mas nauuna siya kesa sa 'kin.
"Absent ata" aniya. May hang over pa ata yun
Hindi rin pumasok si Auri kaya nagtanong na si Kyle, sinabi ko namang lumabas kami kagabi. Aniya pang himala raw at hindi ako nalasing. Hindi na ako nakasagot dahil pumasok na yung prof namin. Buti nalang at hindi kami nag quiz at puro lecture lang kasi hindi ako nakapag-aral kagabi.
Pagkatapos ng unang klase namin ay sabay na kaming lumabas ni Kyle. Inaya niya akong mag Cimo's kaya sumama nalang ako para doon mag-aral. Mamayang hapon na ulit yung klase namin.
Abala ako sa pag-aaral ng mahagip ng mga mata ko si Larson na may kasamang babae kaya nabitawan ko naman ang librong binabasa ko saka magkakrus ang kamay na tinignan sila sa kabilang table.
"So there is a girl"
"Huh, sinong kausap mo?" Takang tanong ni Kyle
"Wait lang may pupuntahan lang ako" sabi ko kaya tumango naman siya. Tumayo ako at naglakad patungo sa table nila, at bago paman makatayo si Lars ay umupo ako sa tabi niya kaya nagulat naman siya habang yung babaeng kasama niya naman ay walang emosyon akong tinignan.
"Well, well, well. Who do we have here?" Nakangising sabi ko
"A-Ate!"
"Ate?"
"I'm Lallaina. You are?"
"Quelanie."
"Nice to meet you Quelanie" ngiti ko at nakipag kamay. Akma na sana akong magsasalita ulit ng may magsalita sa likod ko. Hindi lang ako ang nagulat kundi pati ang babaeng nasa harap ko.
"Kuya!" Aniya't napatayo
"Kuya?!" Gulat ring sabi ko at humarap kay Quen na hindi rin inaasahang makita ako
"Laly, what are you doing with-"
"Laly?" Singit ni Lars
"Oh, hey there Lars" bati niya sa kapatid ko
"Hi kuya! Long time no see!"
"You know my brother?!" Gulat na aniya ni Quelanie
"BROTHER?!" Wow, what a coincidence
"Uh, why are you guys together?" Nagtatakang tanong ni Quen
"I just got here. You should ask your sister" sagot ko naman kaya napatingin kami sa dalawa
"Are you guys...dating?" Quen asked
"No we're not!" Sabay nilang aniya
"Weh?" Hindi kumbinsidong sabi ko
"Wait, how do you two even know each other?" Quelanie Asked
"Oh they used to date" sagot ni Lars
"NO WE DID NOT!" Sabi ko at bumaling kay Quen "Tell her we didn't" sabi ko sa kaniya pero ngumisi lang siya kaya mahina ko siyang sinipa.
"Mind if I join you guys?"
"Oh my God" napahilamos naman si Quelanie sa mukha niya ng umupo si Quen sa tabi niya.
"So, did you guys order already?"
"I was about to" sagot ni Lars
"What do you guys want? It's my treat" taas noong aniya kaya parehas naman kaming napa 'tsk' ni Quelanie. Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa 'kin si Likod.