Humihina na ang kantang Fresh Like Dougie. Ten minutes before eleven na. Slowly, humina na ang music na pang party2x.
"Okay guys, we only have a few minutes before we end this. We have two songs left" sabi pa ni sir.
"Jazz, will you be my last dance?" yaya ni Jason kay Jasmine, yung bestfriend ko. Natulala sya sandali, sino ba namang hindi? Yung pinakagwapong, pinakaperfect nang lalaki sa buong school ang magla-last dance sa kanya. Hay naku, mga magagandang barkada ko talaga..
Siyempre, shunga nalang siya kung
tatanggihan pa nya, GORA. "Sure" sagot nya tapos dumiretso na sila sa gitna.
Lahat ng friends ko, andun na binira sa dance floor at naiwan na naman ako sa table.
Bitter lang.
Bakit kase ang gaganda nila, ako kahit na in full make-up na, wala parin. Okaaaaay~ Alam ko na ampanget ko parin but its fine anyways -kunwari pa. tss.
Nang napansin kong may kumuha nung upuan sa tabi ko. Pinilit kong di lumingon, alam ko kung sino 'to eh- si crush. Yung nag-iisang Nathan Gomez. Yung senior na pogi na parang ewan na sweet na friendly na nakakainlove. <3
"Tash?"
Yayain kaya ako nitong sumayaw? ZOMG, kilig ako. So lumingon naman ang mokong ako, "Po, kuya?".
"Heto naman, nagku-kuya ka na naman sa akin eh.." tapos kinamot nya yung likod ng leeg nya. Tinaas ko nalang ang dinrawingan kong kilay nung kinlear nya ata yung throat nya.
"Sayaw tayo?"
Yun na nga ba eh. Tumango ako tapos inabot nya yung kamay nya sa akin, kinuha ko naman tapos ni-lead nya na ako sa dance floor. Ganda ng music, parang fairytale: A Thousand Years ni Christina Perri.
Pero actually, ibang kanta ang tumutugtog ka ulo ko. (PRESS PLAY DUN SA VIDEO SA RIGHT. ;) for better reading) One Last Dance ni Craig David.
I wrapped my arms around his neck and he put his around my waist. Nagtitigan lang naman kami ng eye-to-eye na maayos. Tapos ako yung parang mag me-melt na ako right there. Na parang jelly na yung legs ko at bibigay na tologo yung mga paa ko. Bahala na sigurong panandalian ko lang siyang masasayaw kaysa sa wala.
"Sa tingin mo, tatanggapin ni Kaye ang alok ko?" tanong niya sa akin sabay lingon sa kinauupuan ni Kaye.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. </3
"Sigurado. Nathan, ikaw pa kaya?" sagot ko naman sabay bagsak ng puso ko.
Ang laki na ata ng ngiti niya. Huminga ako nang malalim, I wanted to hug myself. I needed a hug. Well kasi, pag ako na yung nahuhulog- no one was ever there to catch me. Kaya yun, inisip kong, better not mainlove.
Tahimik lang kaming sumayaw ng ilang segundo. Parang sumabay ang bilis ng oras sa pagchange ng mood. Yung parang ang awkward na... na masakit. Gusto ko na tuloy maglasing.
He stared at Kaye, tapos sinundan ko lang tingin niya. "She's a lucky girl" sabi ko sabay ngiti nang malungkot. But nga lang at di niya makikita.
Napangiti na naman siya.
Ito nga yung rason kung bakit di ko nakayanang mahalin o i-crush lang man 'tong mokong na 'to. Sakit makapagsalita eh. Pero kahit na ganyan, una akong nailab sa boses niya. Nung kumanta palang siya, napansin kong.... wow, parang galing langit lang. Tapos narinig ko na siyang magpiano, tapos nung dumaan na siya sa harap ko, ang bango... grabe. At sa pinakahuli, nung inisip ko na talaga na parang nahihiya ako sa kanya nung sinimulan niya na akong kausapin. Sigurado, kung pwedeng ibigay o gawin ko man lahat ng gusto niya para mapasakin siya ay ginawa ko na. Pero iba talaga yung nagmamahal ng taong may ibang minamahal eh. Ang saklap saklap nun.
Pero sa bagay, tsss.. di pa ba ako nasanay? Lagi namang ganyan eh. Ano pa ba ang magagawa ko? Lahat lahat nalang, ganun parin. Ano ba ang gusto ni Lord? Magmadre ako? Ganun nalang ba? Eh sigurado akong di ako papasa dun eh- ang taas lang kaya ng sungay ko! Di pa talaga ako mahilig ng peace and quiet... gusto ko yung maingay at laging may music.
Anyways, natapos na ang kanta.
"This is the last song guys. Grab your last dance partners now, enjoy the night" last announcement na yun.
Binitawan na ako ni Nathan at nagngitian lang kami, "Thanks".
Umupo ako ulit habang lumakad siya papunta sa direksyon nina Kaye. Tinitigan ko lang sila.
As she wrapped her arms around his neck, my spirit broke. When he put his hands around her waist, my heart broke. Then when they were forehead to forehead, I thought I needed some air. So I stood up and dragged myself out of the room. I sat on the porch and set my eyes on the ceiling. I felt my eyes moisten, ugh.
Mage-english na ako. Ganito ako pag madrama na ako eh.
Panandalian lang siguro talaga lahat ng kasiyahan sa mundo. Siguro nagtitipid si Lord pag dating sa akin. Ewan ko ba. Baka karma lang 'to sa laat ng mga sala ko. Ganun na siguro ako kasamang tao.
Pero siguro nga ganun. I'm not worthy of someone like Nathan. I'm not worth anything. Mabait siyang tao, alam ko talaga yun. Sya yung tipong irresistable na kaibigan. Yung pilit mong di pansinin pero ang kulit? Haha. Kaya nga pala ang dami kong kaagaw sa kanya. Mmm...
I try to look on the bright side.. cliche naman ako masyado kung uulitin ko pa ang napakagasgas nang linya na "Masaya naman ako basta't masaya siya". O, diba?
Bahala na sigurong ako na masaktan basta siya nakangiti.
Parang "I'd catch a grenade for yaaaah~" lang ang peg.
Oh well. Lumabas na ako out to the pouring rain. Ang bilog at liwanag ng moon ngayon. Ang ganda. Naglakad ako nang naglakad. Somehow, I nadaanan ko ba naman ang isang club na sobrang ingay. Ang dami ding ilaw na halos di na makikita yung mga bituin. May bagong Electrohouse Mix ang tumutugtog. Nagdare ako sa sarili kong pumasok. Ahhh, noise. So much noise na di ko na gustong mag-isip. So I did the next thing na pwede kong isipin.
Kumuha ako ng isang bote ng Red Horse, yung isang litro talaga. "Free cheers for the broken hearted" ngiti ko sa boteng yun. Sige. Gora na.
When my lips touched the mouth of the bottle, inisip ko sa sarili ko...
'There's no turning back. Regret things in the morning'.