Nung gabing umowi sina James galing party naka tanggap sya ng tawag mula sa Macau.Limang minuto palang nakaalis si Devon sa condo nya ng maghanda sya ng mga gamit para dadalhin sa Macau dahil sa biglaang pictorial sa isa sa pinakamalaking endorsement nya sa isang clothing line.
Gusto nya sanang bumawi kay Devon sa hidi alam na dahilan pero mukhang matatagalan pa ang pagbawi nito sa dalaga.Mabuti na din seguro itong mapapalayo sya ng kaunti para makapag isip sya kung akong anong pambawi ang gagawin nya sa dalaga.
"Sir the set is ready...the photographer iss ready too.."
Imporma ng assistant nya sa Macau.Mabilis na tumalima si James para matapos na ang lahat.Seguro sisimulan nya sa pagbili ng pasalubog sa dalaga ang pag bawi nya.Wala kasi syang maalalang naibigay sa dalaga simula ng magkakilala sila,ayaw din kasing magpabayad ng dalaga dahil sa rason na nag eenjoy din naman daw sya sa pagiging pretend girl friend nya.
Ng matapos ang pictorial ay dumiretso sina James sa next appointment nito for the ramp sa isag underwear endorsement nya after nun ay pwede na syang gumala.Ipinikit ni James ang mga mata habang binabaybay nila ang daan para sa next stop nila.Hindi na muna nya pinapansin ang teleponong kanina pa tumutunog dahil na din sa wala pa syang tulog.
Natapos ang ramp at madaming papuri namang na tanggap si James.Kunting interview sa press,pakipag usap sa big bosses at free na ang oras nya.Kung noon may babae syang kasama pag labas nya after the shows ngayun ay mag isa lamang syang nag tungo sa mall ng lugar.
Napapangiti si James habang tinitingnan ang mga damit na nakadisplay, alam nyang bagay ang lahat ng iyun kay Devon.Aabutin na sana nya ang isang red sexy dress ng tumunog nanaman ang telepono nya at doon lamang nya na isipang sagutin ito.
"Oh Quen napatawag ka?Yumaman ka ba lalo at nakapag long distance ka?"
Biro nya sa kaibigan.Kuriput kasi si Quen at minsan lang mag labas ng pera.
(Shut up dude!Kanina ka pa namin tinatawagan ni Robi pero ni isa wala kang sagut!)
"I was busy earlier dude..bakit?Papabili kayo ng pasalubong?Wag na kayung umasa dahil hindi ko kayo bibilhan dahil mayaman na kayo"
Biro pa din nya kay Quen.Hindi naramdaman ni James na seryuso ang kaibigan kaya ito napatawag sa kanya.Dahil na din seguro sa sayang nararamdaman sa pamimili ng pasalubong sa dalagang hindi na nawala sa isipan nya.
(Tingnan ko lang kung makakapagbiro ka pa sa sasabihin ko)
"What do you mean?"
(Kalat na sa news papers,TV at internet na nagkabalikan na daw kayo ni Sofia...Ibig sabihin ba nito hindi na kailangan ni Devon na mag pretend na girl friend mo?)
"What!?At saan naman nila nakuha ang ang chismis na yan?Hidni totoo yan.."
Uminit bigla ang uli ni James sa nalaman.Malamang ay pakana ito ni Sofia.
(Dude naghahalikan kayo sa picture..hindi lang isa..madaming picture na naghahalikan kayo sa party!kitang kita na gusto mo din ang halik na yun)
Shi*t.Napamura naman si James sa kanyang isipan.Oo ginusto nya ang halik na yun pero sa una lang at lumayo na din sya agad sa babae.
"Alam na ba ito ni Devon?"
Hindi nya alam pero yun ang lumabas sa bibig nya.Hindi na nya naiintindihan ang sarili dahil sa lahat ng gagawin nya ay parang sumasagi sa isipan nya si Devon.Kung ok lang ba sa dalaga ang gagawin nya.Na kung masasaktan ba ito kung mabalitaang may kasama syang iba.
Matagal ang katahimikan.Parang nababasa na ni Quen na nagkakaroon na ng pagtingin ang kaibigan kay Devon.Datirati naman ay halis wala itung pakealam.
"Hidni ko alam...hindi pa kami nakapagusap ulit mula nung isang bwan..Hindi ko din macontact ang phone nya.."
Sagut ni Quen makalipas angnilang sadali na inakala ni James ay wala na ang kaibigan sa kabilang linya.Naniniwala din syang hindi madalas nagkikita si Quen at Devon dahil sya na din mismo ang tumatawag sa dalaga tuwing kailangan nya ito.
"Thaks for the information bro...ako na bahalang magpaliwanaga kay Drvon"
Magsasalita pa sana si Quen pero pinatay na ng kaibigan ang tawag.Bakit kailangan pang magpaliwanag ni James kay Devon?Tanong ni Quen sa isipan.Baka totoo na ang hinala nyang nagkakagusto na talga ang kaibgan kay Devon.
Samantala sa bahay nila Devon.Papabalabas na si Devon ng bahay nila ng masalubong nya ang kanyang ama.
"Oh saan ka pupunta?"
Tanong agad nito at napatingin sa hawak ng anak ng brown envelop.
"Maghahanap po sana ng trabaho..para naman po makatulong ako dito sa gastusin sa bahay..."
Nakayukong sagut ni Devon.Ayaw kasi syang payagan ng mga magulang na magtrabaho dahil responsibilidad daw nilang ito at hindi ng mga anak nila.
"Ano bang sinabi namin ng mama mo sa inyo Devon?Diba kami na ang magtatrabaho para sa pang araw araw natin at sa gamot?"
"Pero pa,20 na ako pa pwede na aking magtrabaho kahit hindi ko tapos ang college ko.."
Pagdadahilan ni Devon.Matagal na nyang gustong magtrabaho para makatulong sa pamilya pero ayaw pumayag ng mga magulang nya.
Noong 19 sya ay nakakuha sya ng trabaho sa isang coffee shop at hindi ito alam ng mga magulang.Pero 3 linggo lang ang inilagi nya doon dahil nalaman ito ng papa nya at may nangyari na higit na iniiwasan nilang mangyari kaya mula noon ay bantay sarado na sya ng mga magulang.
"Devon,wag matigas ang ulo alam mo naman ang dahilan kung bakit ayaw ka naming pagtrabahuin diba?"
Seryusong saad ng papa ni Devon.Napayuko nalang ang dalaga dahil sa kaseryusohang iyun ng papa nya ay seguradong hindi ito papayag sa gusto kahit anong pagkumbinsi ang gawin nito.
"Pasok kana..Mag agahan na tayo at nakausap ko na ang ninong Arnold mo bibigyan nya ako ng trabaho..."
Bagsak ang balikat na bumalik si Devon sa loob ng kanilang bahay.Kahit may trabaho ang papa nya alam nyang kukulangin pa din ang kikitain ng ama para sa kanila.
"Ate!break na ba kayo ni Kuya James?"
Biglang tanong ng kapatid ni Devon ng tinabihan nya ito sa sofa nila.Ang alam kasi ng kapatid nya na totoo ang relasyon nila ni James kahit sinabi nitung kunwari lang ang lahat.Hindi din naman kasi madaldal ang kapatid.
"Ano nanaman bang nasagao mo ha?"
"Ito ate oh..Hiniram ko kanina jan sa kapitbahay natin.."
Sabay abut nito ng news paper kung saan may larawan ni James na kahalikan si Sofia.Napatitig muna si Devon sa larawn bago nag salita.
"Conferm....Game over..."
______________
Hi!Can you spread the story?Thank you!
BINABASA MO ANG
•On Call Girl Friend•
FanficIt's my new JaeVon short story.I hope you will all support.Thank you! Devon Seron And James Reid