1.XLIX: Lost Love

817 35 7
                                    

Nagtatanghalian kami ngayon dito sa greenhouse dome

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtatanghalian kami ngayon dito sa greenhouse dome. Pagkatapos nito, pupunta na kami sa auditorium para mag-practice ulit.

Tuwing bago ako matulog sa gabi, palaging sumasagi sa isip ko 'yong mga sinabi nina Hestia at Zeus.

Maging isang reyna? Nagiging leader ako noon sa dati kong school. Pero alam kong ibang-iba 'yon mula sa pagiging isang reyna ng bansa.

Pagkatapos ngayon lang din pala nalaman ng mga kasama ko ang tunay na pagkakakilanlan ni Mr. Smith. Siya talaga ay si Samael, ang saint of the dead na nagsilbi noon kay Hades bilang isa sa kanyang mga knight sa loob ng maikling panahon hanggang bago ang Unholy War.

Namatay pala siya noon sa digmaan at bilang hatol sa kanya ng Three Judges ay ni-reincarnate siya bilang isang grim reaper.

"Ano kayang problema ni Gunner?" sambit bigla ni Ryker.

"Oo nga. Kahapon pa siya ganyan mula nang sumama tayo kay Mr. Smith sa lupa," ani Xavier.

Nagluto lang kasi si Gunner tapos bumalik na rin siya agad sa dorm. Pero sabi naman niya, tawagin na lang daw namin siya pag magpa-practice na kami. Willing pa rin naman daw siyang sumama.

"Baka masama lang pakiramdam niya?" saad naman ni Klein.

---

Nasa auditorium na ngayon 'yong apat na lalaki. Ako na lang ang pinatawag nila kay Gunner dahil sila ang mag-aayos at magse-setup ng instruments doon.

Papunta na sana ako sa dorm pero napahinto ako nang matanaw ko si Gunner sa may damuhan at nakahiga ro'n. Kaya naman nagpasya akong lapitan siya.

"Gunner!"

Nang mapansin niya ako ay bumangon naman siya.

"Oh, Aika. May practice na ba?" tanong niya sabay tayo at pagpag sa kanyang likuran.

"Oo, nando'n na silang lahat."

"Gunner, okay ka lang ba? Kasi parang balisa ka kahapon pa," usisa ko.

Mukhang nabigla siya nang bahagya sa naging tanong ko. Katahimikan ang bumalot sa paligid pero mayamaya lang ay narinig ko siyang bumuntonghininga.

"May naalala lang kasi ako kahapon," panimula niya.

"Puwede ko bang malaman kung ano 'yon?" tanong ko.

Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad.

"Bago ako noon ma-enroll sa Underworld University, naging apprentice muna ako ni Mr. Smith fifty years ago. Kumbaga, naging sidekick niya ako noong mga time na 'yon at hindi ko pa sila kilala."

Tumaas ang mga kilay ko, "Paano ka naging apprentice ni Mr. Smith?"

"Nag-apply ako. Kailangan ko kasi ng trabaho noong mga panahong 'yon. Dahil si Mr. Smith nga ay naka-assign sa earth, may nakilala akong isang mortal. Gabriella ang pangalan niya," kuwento ni Gunner.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon