Chapter 7.0

4.2K 122 1
                                    

CHAPTER 7

Samantha POV

Nagising ako ng gabi pa , sinilip ko ang orasan sa gilid ng kama ko,at nagulat na 12:12 PM pa lang ng gabi

Bumangon ako at pumunta sa balkonahe sumalubong agad sakin ang lamig ng hangin kaya napayakap ako sa aking sarili

Napakunoot noo akong napatingin sa maliit na bahay, na medyo malayo dito sa Mansion. Natatabunan ito ng malaking puno at pag hindi mo titigan ng maayos ay hindi mo talaga mapapansin. Hindi pa ako inaantok kaya gusto kong puntahan

Pagkababa ko sa hagdanan, madilim ang paligid, sobrang tahimik, pagkalabas ko sa Mansion nadadaanan ko pa ang natutulog na mga tauhan

Pinuntahan ko agad ang maliit na bahay, tinakbo ko nalang iyon. Sobrang lamig ng hangin mukhang uulan pa ata, nagdidilim na kasi ang langit

" Ahh.." napatigil ako sa pagbukas ng pintuan nang narinig na may umuungol na parang nasasaktan

Nang pinagmasdan ko ang pinto, nagulat ako sa nakasulat "bloody room"

Nanginginig na binuksan ko ang pinto at pumasok. Madilim! Kaya kinapa ko ang switch sa gilid ng pinto

Napatakip ako sa aking bibig sa nakita. May lalaking nakagapos sa isang upuan, puno ng sugat ang buong katawan, namamaga ang mga pasa nito, sobrang hina na tila mamamatay na ata Ito

Mabilis ang takbong nilapitan ko ito, at nagulat ako ng nakilala ang lalaki

" Sebastian?! B-buhay ka pa ba!!" Niyugyog ko ang balikat nito, napaigtad ako ng hinawakan nito ang kamay ko. Pilit kong binabawi ang kamay ko pero sobrang higpit ng hawak nito

" T-tumakas kana dito A-angel.... p-papatayin ka nila" naguguluhan ako sa sinabi nito. Papatayin ako? Nino?

" S-sino?" Natatakot kong sabi, nababahidan na din ng dugo ang kamay ko na galing sakanya

" N-nang t-triplets..." Mas nagulat ako sa sinabi nito. Bakit naman nila gawin yun sakin?

" H-hindi nila kayang gawin sakin yun! A-ano ba bitawan mo ko!" Parang hindi siguradong sabi ko, pinilit kong wag maniwala. Nagsimula nading nangilid ang luha sa mga mata ko

" T-tila nahulog kana talaga sa b-bitag nila....H-hindi mo sila k-kilala...m-mga D-demonyo sila...na k-kya nga nilang gawin sakin to na k-kaibigan nila....i-ikaw pa kayang b-babaeng p-pinaglaruan lang" nahihirapang sabi nito.

Napatakip ako sa bibig ko habang tuloy tuloy na ang tulo nang luha ko hanggang sa hindi ko na kaya ang sakit ng dibdib ko at humagulhol na lamang

" Sinungaling!!" Sigaw ko habang pinapahirapan ang luha sa pisnge ko na tuloy parin ang agos

" M-maniwala ka sakin...m-maswerte kalang at umabot kapa nang i-isang buwan rito...pero... alam kong k-kalaunan papatayin ka rin nila..... k-katulad ng mga babaeng k-kikidnapin nila at pinapatay pagkatapos g-gamitin" napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. naglalabo ang mga mata ko dahil sa luha... tiningnan ko si Sebastian bakas sa mukha nito na nagsasabi Ito ng totoo

" K-kaya hanggang maaga pa ..... t-tumakas kana...b-bago ka pa nila m-maabutan rito" nahihirapang sabi parin nito

" P-pano ka?!" Tumayo ako at nilapitan siya ng umubo Ito ng dugo

" M-mamatay rin naman ako...Kaya tumakas kana!! Takas!!" Sumigaw ito kaya kahit ayaw ko siyang iwan ay nagmamadali na lamang ako tumakbo palabas ng bahay

Napatakip ako sa dalawang tenga ko ng kumulog nang malakas, kasabay ng pagbuhos ng ulan

Natakot ako ng may tumatakbo papalapit dito sa maliit na bahay na kinaroroonan ko may dala sila lahat na baril

Kaya nagmamadali tumakbo ako sa kagubatan. Tuloy tuloy pa din ang agos ng luha ko habang nanginginig na sa lamig dala ng ulan at ang hangin

Nagtago ako sa malaking puno at doon humagulhol

" BOSS! NAKATAKAS SI MA'AM ANGEL!!" Nagulat ako sa narinig. Hindi pa ako nakalayo sa Mansion

" F*CK BABY!! STOP TRYING TO ESCAPE US!!!" Dumadagundong ang nakakatakot na sigaw ni Hellion

" HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG GAGAWIN NAMIN SAYO!!" Lucifer said coldly

" MAG PAKITA KANA AMORE !! ALAM NAMIN NA NARIRINIG MO KAMI" sigaw ni Damon

Nagsimula ng nanginginig ako sa takot. Anong gagawin nila sakin? Papatayin ba nila ako?

+++++
&.&.. typographical and grammatical ahead!!!

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now