Vianne's Pov
"Hey love.."
Napalingon ako kay unggoy na kasalukuyang nakahiga sa kama ko habang abala sa pagtitig sa akin. Kanina pa siya ganyan simula nang pumasok sa kwarto ko, na para bang hindi nauumay sa pagmumukha ko. "Oh?" Tugon ko na umupo sa harap ng salamin para magsuklay ng buhok.
"Gusto ko nang sabihin sa kanila ang tungkol sa atin."
Napahinto ako sa pagsuklay at tiningnan si unggoy gamit ang salamin. Wala akong planong ilihim ang relasyon namin sa parents ko na parents niya rin, kaya sang-ayon ako sa gusto niyang mangyari.
"Handa ka ba sa sasabihin nila sayo sa atin? Kasi ako kahit anong sabihin nila hindi kita iiwan at hihiwalayan." Sabi ko na muling itinuloy ang pagsuklay ng buhok. "Ayos lang sakin kahit itakwil nila ako," pabirong dagdag ko. "Eh, ikaw? Kaya mo bang tanggapin ang kayang gawin ni daddy sayo?" Paghahamon ko.
Nasisiguro kong matatanggap si unggoy ng parents ko, kung hindi man dadaanin ko sila sa pananakot na magpapakamatay ako kapag inilayo nila si unggoy sa akin. Charot! Hindi ko iyon magagawa sa parents ko.
"Yeah, of course." Tipid na sagot niya. "And I will do everything to make them accept me, love."
Napatigil ako sa pagsuklay at humarap kay unggoy, "That's right, love." Tumayo ako at lumapit sa kanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. "Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari nasa tabi mo lang ako, hinding hindi kita iiwan mag-isa." Umupo ako sa kama sa mismong harapan niya at saka hinawakan ko ang pisngi niya. "Mahal na mahal kita Ken.." Ito ang pangalawang beses na binanggit ko ang pangalan niya, iyong una noong nagkasakit siya.
Pinagdikit ko ang noo namin at saka pumikit. Hindi nagtagal naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Marahan at buong puso kong tinugon ang bawat halik na ginawa niya sa akin.
Hindi ko namalayang nakahiga na pala ako habang nakapatong siya sa ibabaw ko. Kaya naman kinawit ko ang mga braso ko sa batok niya at mas inilapit ang katawan niya sa akin.
Dahil sa ginawa kong iyon naging mainit at mapusok ang halik niya na dahilan nang mahinang impit kong ungol.
Mamaya ko na iisipin ang kahihiyang ginawa ko. Kasi naman talagang nakakagigil at nakakaadik ang labi ni unggoy na kahit isang oras pa kaming maghalikan hindi ako magsasawa.
"I love you so much more Vianne," anito sa gitna ng halikan namin dalawa. Ramdam ko ang pagmamahal ni unggoy sa bawat salitang binigkas ng bibig niya. "So much more that I can't live without you." Pahabol pa niya bago umangat ang ulo at tumitig ng diretso sa mga mata ko.
Hinawakan ko ang pisngi niya at muling hinalikan ng mabilis sa labi. "Ang drama mo," pabirong sabi ko na ikinalukot ng mukha niya. "Naging girlfriend mo lang ako hindi muna agad kayang mabuhay," sabi ko na pinitik ng mahina ang ilong niya. "Yung totoo mahal mo ba talaga ako?" Pigil tawang tanong ko dahil mas nalukot ng todo ang mukha niya.
Kahit hindi maipinta ang mukha ni unggoy ay napakagwapo pa rin nito.
"You don't believe I love you?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya hindi ako umimik. "You don't really believe me?" Salubong na salubong na talaga ang kilay niya na sinasabayan pa ng pagkunot ng noo.
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
RomansaYou are the best meaning of perfect romance my love.