Chapter 8. . . Mex

60 7 3
                                    

Vote and comment po. Thanks.

Chapter 8

Mae POV

Bakit kaya ang good mood ngayon ni Boss.

"Boss bakit ang saya mo ata ngayon? Dahil ba nilibre kita?" Sabi ko sa kanya. Malay niyo kaya pala siya masaya dahil don. Hehe ito lang para ang paraan para mag pa good shot sa kanya. Ohhh Baby Red ok na siguro sa akin ang kakambal mo.

"Hindi." Tapos nag smile siya. Hehe bakit ang cute.

"So ano ang dahilan?" Nagtatakang tanong ko. Ano kaya ang dahilan ng dinosaur nato at naging tao.

"Im just . . . just happy." Sabi niya at mas lalong umaliwalas ang kanyang mukha.

"Ikaw Boss ayusin mo ang sagot mo ha, tinatanong ka ng maayos, kaya sumagot ka ng maayos. Dahilan yung gusto ko. Dahilan. Wag mo akong bigyan ng sagot na 'im just . . . just happy'" Pagsusungit ko sa kanya. E sa ganito naman talaga ako eh mainipin. Ayaw ko ng paligoy ligoy.

Oh my gas, bakit siya tumatawa? Diba dapat magalit siya. Hanohng nangyayari?

Ng tinignan ko ang mga tao na kumakain sa fastfood chain, lahat pala sila naka tingin kay Boss. Oh anong problema ng mga tao dito? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong tumatawa.

"You're funny Mae." At nabaling ang tingin ko sa kanya. Tapos unti unting nag subside ang tawa niya.

"So mukha na pala akong clown ngayon Boss. Magpatingin ka na sa doctor, malala na yan." Pagsusungit ko pa rin. And again tumawa na naman siya ulit. Anong nangyayari sa kanya? Yung totoo naka drugs ba to.

"You are really funny Mae." Tapos tumigil na siya sa pagtawa.

"So?" Ano ngayon kung funny ako?

"Ok, ok, sasabihin ko na." Sasabihin naman pala may pa im just. . . just happy pa siyang nalalaman.

Hindi pa siya nag sasalita so tinignan ko siya ng magsalita-ka-na-look.

"Ok, the reason why im happy, is because, sinagot na ako ng nililigawan ko." Ganon lang. Sana pala tinulungan ko na lang siya para hindi na siya naging bitter sa akin.

"Yun lang?" Hindi naman sa bitter ako pero ang babaw lang naman nun. Para namang will you mary me ang tanong niya dun sa girlfriend niya eh will you be my girl lang naman pala. Hindi pa rin secure ang future niyan eh, maghihiwalay din sila. Kaya ang gagawin ko kay Baby Red mag propropose na ako kaagad sa kanya. "Bakit? Ilang taon mo ba siyang niligawan at bakit ganyan ka kasaya?"

Nag smile muna siya at nag sip nong coke niya. "I court her for almost 2 weeks." Biglang lumaki yung mata ko at butas ng ilong. 2 weeks lang niyang niligawan. Akala ko pa naman limang taon kaya ganyan siya kasaya. Nahihibang na ba siya. Pero ok na rin hindi na niya ako sinusungitan.

"So anong pangalan?" Masiglang tanong ko. Para naman good shot na good shot na ako para sa kapatid niya diba.

"Its Mae. Mae Raymundo. I met her at the bar last 2 weeks, and I think I fall inlove with her." Ano? Sa bar? Wahh hindi na nga ako mag cocomment. Ako nga eh, na love at first sight ako sa kambal niya so, hindi na lang ako mangengealam sa love story niya.

"Wow congratulations. Kapangalan ko pala siya." Ok nang ganito ang flow ng conversation namin noh.

Kahit ano anong topic na ang aming pinag kwentuhan. Marami na rin akong nalalaman sa kanya. Nag aaral din pala siya sa SSU (Special State University), at ang kinuha niya palang kurso ay Architecture and last sem na pala niya ito. Sinabi rin niya sa akin kung bakit niya ako hinanap at bakit niya gusto na layuan ko si Baby Red. Yun pala ay matagal na na gusto ni Baby Red ang maging pari, simula pa raw nong mga bata pa sila. Kahit na nga anong pilit niya na wag mag pari yung kakambal niya ang tigas daw talaga ng ulo. At marami pa kaming ka echosan na pinag kwentuhan.

Mr. Missionary and MaeWhere stories live. Discover now