Sa Bahay, sa School..

16 0 0
                                    

Sa bahay si ate na lang lagi ang magaling at ako? Walang kwenta. :( Pati ba naman kasi tatay ko e ayaw sakin. Para bang hindi nya ko anak. Lagi akong umiiyak tuwing gabi dahil sa ama ko na para bang hangin ang tingin sakin. Minsan naiisip ko.. "anak nya ba talaga ako? bakit sya ganun?" Di niu na maitatanong pero alam ng lahat samin na ayaw nia sakin. Grabe lang kasi pag may pupuntahan e lagi akong naiiwan sa bahay na luhaan. ang unfair ng buhay! Pagdating ko sa bahay hahanapin sa akin si ate at ako di man lang nya matanong ng "kumusta school? Ngmeryenda kanaba?"

Masasabi kong diko naenjoy elementary days ko. Bakit? Kasi di ko man lang nasubukan sumali sa mga contest na nasubukan ng ate ko. :( at higit sa lahat ang kinaiiyakan at kinaiinggitan ko sa mga klasmeyt at ate ko na pag may mga nagbebentang books sa school, like riddles,poems,etc. E hindi ko nasubukan bumili ng ganun kahit P10 lang sya. Paano? Wala akong pambili, di naman ako binibigyan ng papa ko pambili ng mga ganun pero pagdating sa ate ko binibigay nia lahat. Inggit na inggit ako sakanila. :( Eto pa nililinisan ko kuko ng lola at tito ko para bigyan ako ng limang piso pandagdag sa baon ko para pag recess e makabili man lang ako ng pagkain. isang tigpipisong Chitchiria with coke :) Sampong piso lang talaga kasi baon ko kaya kulang talaga sya. 8Pesos pamasahe ko maghapon.

Promdi GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon