KrisSica Love Story~ ♥

1K 23 8
                                    

“Hi Kris!” binati ko siya nang makasalubong ko siya sa classroom. “Hi Jessica.” Balik na bati naman niya. “Mukhang blooming ka yata ngayon ah? Ganda eh, nakanangs! Hahahaha!” kinurot niya yung pisngi ko. “Aaaaaaw! Blooming ka diyan? Bitter-bitter nga ako ngayon eh.” Tapos nag-pout ako. “Hahaha! Joke lang! I love you Jessica!” “As your CUTE BESTFRIEND! HAHAHAHAHA!” tas naghigh-five kami. “Ikaw talaga ha!” pahabol niya. Ganyan kami eh. Kaming dalawa lang.

Pumunta ako sa upuan ko at umupo. Binati ako ni Yuri. “JESSICAAAAAAAAAAAAAAA! HAPPY VALENTINES TOL! Hahahahaha! Wag na bitter kay ex, malay mo may mas BETTER pa, at ang masaya, andyan lang sa tabi-tabi mo! OHA!” nagulat ako. “HUH?” dumaan si Kris sa likod ni Yuri at nabangga niya accidentally, “ARAAAY! GRABE HA!” sumigaw si Yuri. Nag-smirk lang si Kris. “Ay, oo nga noh? Ngayon ko lang na-realize, Valentine’s day pala ngayon! OHMYGASH hahahahaha!” tapos tumawa ako nang malakas. “Ay. Yung totoo teh? Pinaglihi sa pagong?” “Che!” tumawa pa ako nang malakas. Nakita kong napatingin si kris. “Ano ba naman yan, loka-loka talaga oh. Tsk tsk tsk.” Bigla siyang sumabat. “At anong problema mo Duizhang? Sabat-sabat ka diyan?”

“Angal? Halikan kaya kita para tumigil ka, ano?” tumayo siya na para bang nanghahamon. “Sige, gawa?” tumayo din ako at hinamak ko rin siya. *boooogsh* Nanlaki yung mata ko. Sinandal niya ako sa pader, inilapit niya yung mukha niya sa akin, at right now, magkadikit na yung mga ilong namin. Napapikit ako. “……” *tagal ah? Hahahaha!* Binukas ko yung isa kong mata. “Tsk.” Nag-smirk sa akin si Kris. “UGH! LECHE KA! ANG ASDFGHJKL MO WAAAAAH!” tumawa si Kris. “Hahahaha! So, inaabangan mo talagang halikan kita??” Nanlaki na naman yung mata ko.

“Hoya! Ang kapal ng face mo friend 5 inches thick.” Hinawakan niya yung ulo ko, nanlaki ulit yung mata ko. “Hahaha! Deny ka pa, sus, eh may pikit-pikit moves ka pa nga eh.” Pinisil niya yung ilong ko. *Ngh. Ang kapal nento. Leche!* “Tsss…” inirapan ko siya at magwwalk-out na sana, “Joke lang Jessica, wag ka na magalit.” Hinila niya ako at biglaang niyakap. “Alis muna ako.” Bumitaw ako sa hawak niya.

----------------

Ang awkward. Ang awkward ko din mag-react. Tsk. February 14 pa naman ngayon, Valentines. 3:30 pm na, wala pang progress sa buhay ko. Lahat ng mga kaibigan ko, nabigyan ng flowers at puro kilig-kilig ngayon. Lalo na sina Kai at Yuri. Sa sobrang romantic ng dalawang yun, sumayaw pa sa harap ng buong student body. Eh ako? Nga-nga. *Bahala kayo diyan. Basta’t may Strawberry shake ako dito, I’m happy.*

Umupo ako sa bench sa park malapit sa cafeteria. Ako lang at yung shake ko. Mag-isa lang dapat ako eh, kaso may asungot na sumulpot. Si Kris. “Hi Jess.” “Uy, hi din!” I looked him in the eye. “Ano, kamusta Valentines day natin tropa?” umakbay siya sa akin. Inirapan ko siya at tinapik ko yung kamay niya sa balikat ko. “Eto, masaya kaming nagde-date ng Strawberry shake ko, tapos bigla kang sumulpot. Ewan ko kung good news yon o bad news.” Dumila ako sa kanya na parang bata. “Hindi kayo nag-uusap ng ex mo?” tinanong niya ako. “Hindi. Ayoko makipag-usap, baka mabwiset lang ako.” Tumawa si Kris, “Ay bitter? Hahahaha!” *Hahaha! Oo nga noh? Hahahaha!* tumahimik na lang ako. “Eh ikaw Kris? Himala, wala ka yatang pinopormahan ngayon?” laking pagtataka ko.

“Di! Meron, kanina nga, nag-I LOVE YOU ako sa kanya pagpasok niya kanina eh.” Sabi niya. “Oh? Ang swerte niya sayo, pramis. Eh ano naman sabi niya?” tanong ko ulit. “Secret, hahahahaha! Pinagttripan ko nga siya kanina eh. Tas akala ko, nagtampo, kaya nilapitan ko siya habang nag-iisa.” Pinagttripan niya yung buhok niya. “Peram headband.” Binigay ko yung headband ko.

Will You Be My Valentine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon