Halos 1buwan na rin kami ni Calem. Wala pang nakakaalam sa barkada kasi naisip namin na itago muna sa barkada baka kasi malaman pa ni Camille at magkagulo pa. Pero kahit ganon masaya pa din kami kasi kahit lihim napaparamdam pa rin namin sa isa't isa ang feelings namin, wala naman kasi sigurong magtatanong samin sa barkada kung bakit kami sweet e, ganon naman talaga kasi nga diba magbestfriend kami. Kahit si Adrian di ko muna sinabihan. Naku lagot talaga ako dun pagnalaman nya, ngayon lang naman kasi ako naglihim sa kanya e. Pero alam ko namang hindi ako matitiis nun kaya okay na rin sakin yun. Mas gusto ko yung ganito munang set up, atleast hindi pa namin ngayon pinuproblema si Camille siguradong malaking gulo to pag nagkataon.
Calem: hello Hon?
Shantal: wag mo kong tawaging hon. Baka may makarinig sayo.
Calem: tayo lang naman ah.
Shantal: kahit pa, baka biglang lumabas ang barkada at marinig ka pa.
Calem: okay hindi na po ma'am :-)
Shantal: good :)
Calem: tulungan na kita jan baka mapagod ka pa.
Shantal: mabuti pa nga para makakain agad tayo panigurado kasing gutom na ang mga yun.
Adrian: Sha...
(back hug)
"sus naman tong si Adrian oh may pag back hug pa. Ang sama tuloy ng tingin ni Calem."
Shantal: oh bakit adre?
Adrian: wala lang, masama ba? halika na sa loob. kain na tayo.
Shantal: ang lambing mo ata ngayon!
Adrian: lage naman ah..halika na nga dami mo pang sinasabi jan e..Calem, sumunod ka na din, hinahanap ka ni Camille.
Calem: Sige!!
" pag pasok namin sa loob ng bahay, hindi ako pinapansin ni Calem, at ito namang si Camille todo dikit at asikaso kay Calem..argggg..bwuset!!"
Camille: oh kainan na!!:)) Calem ito rice oh.
Calem: thanks:)
Adrian: kain na Sha. Baka gusto mong subuan pa kita..:)
Shantal: sira ka talaga, ano ako baby? haha
Adrian: oo, baby kita e.:) kain na baby..
" tawanan na ang lahat tapos si Calem may pag-ubo ubo pa..halatang fake e..tuloy tuloy pa rin si Camille sa pagpapacute nya kay Calem at ito namang lalaking to parang gustong gusto..sarap dagukan :/"
Camille: kain pa Calem, ayokong nagugutom ka..
Shantal: hindi naman yan papayag na magutom sya e.
Camille: concern lang kasi ako sa kanya. Bakit ka ba nangingielam?
Shantal: hindi ako nangingielam Camille, nagsasabi lang.
Nicka: oh guys, easy..masama ang nag-aaway sa harap ng pagkain..
Camille: whatever!!
" napipikon ako kay Camille..sobrang arte..hays....pagkatapos kumain, inako ko na ang paghuhugas ng mga plato, para makaiwas na rin muna kay Camille, for sure naman hindi yun maghuhugas ng plato e, sa tamad ng babaeng yun.."
Adrian: tulungan na kitang maghugas..
Shantal: wag na, kaya ko na tong mag-isa..
Adrian: ang dami kaya..
Shantal: okay lang yan..sige na, punta ka na dun..
Adrian: are you sure?
Shantal: yeah.
" pagkaalis ni Adrian , nagulat ako ng may biglang nagsalita."
Calem: ang sweet naman nila oh..
Shantal: hays..
Calem: bakit di ka nagpatulong sa kanya e gustong gusto nya ngang tumulong.
Shantal: ano bang gusto mong palabasin ha?
Calem: wala, sinasabi ko lang. e ang cute nyo ngang tignan e, parang love is in the air..
Shantal: ahh, sino kaya ang nahaharutan sa kainan kanina?
Calem: harutan? inaasikaso nya lang ako kasi yung girlfriend ko, inaasikaso ng iba..
Shantal: magkaibigan lang kami ni Adrian, e ikaw ano mo si Camille. tapos kung makipagharutan ka para kang walang girlfriend.
Calem: so ako pa ngayon ang may kasalanan. okay..
Shantal: okay mo yang mukha mo.
"nagwalkout na ko, nakakapikon tong Calem na to e, hindi man lang ako inisip kung ano ang mararamdaman ko. e si Adrian naman matagal ko ng kaibigan. e si Camille, ex nya as in EX GIRLFRIEND. magkaibang magkaiba samin ni Adrian. NAKAKAINIS talaga."
Nicka: o tapos na agad?
Shantal: mamaya ko na huhugasan..
Nicka: may problema ba? bakit parang mainit ang ulo mo.
Shantal: wala to. sige maglalakad lakad muna ako.
" lumayo muna ako sa bahay at naglakad lakad, puro puno dito sa townhouse nina Just. gubat na e. pero okay na rin sariwa ang hangin at malayo sa polusyon. sana lang walang ahas dito.. matagal tagal na rin akong naglalakad at halos pagabi na rin take note mukhang uulan pa. naku sana naman wag tumuloy, paniguradong basang sisiw ang kalalabasan ko nito. Nung maisip kong umuwi na, hindi ko na alam ang pabalik, patay NALILIGAW na ko at umuulan na,,"
BINABASA MO ANG
I Prayed for Countless Days
Teen Fictionmasasabing perfect couple na sina Calem at Shantal, pero hindi maiiwasang subukin ang samahan nila. Ano nga ba ang dapat gawin ng dalawang nagmamahalan para lagpasan ang mga ito? Sapat na nga ba ang salitang MAHAL KITA para manatili sila sa tabi ng...