LYCA POV
Hay agang aga naasar na naman ako sa mga kuya ko. Yung isa kinuha yung jacket ko at bag para lang makadiskarte sa girlfriend niyang bwisit at yung isa naman sabihan ba naman akong mas maganda pa daw titigan ang taratula at kalapati kesa sa akin. Para tinanung ko lang kung bakit siya nag-aalaga ng ganun. Nasa labas ako ng gate ng aming bahay nang biglang dumaan si Lucho na nakasakay sa motor ng pinsan niyang si Calvin. Napangiti na lang ako nang makita ko siya. Hayyyy.. Oo na crush ko siya matagal na simula pa nung elementary ako. Bigla tuloy nawala ang pagkabadtrip ko.
Maaga akong naghanda sa pagpasok kasi mahirap maghanap ng masasakyan sa lugar namin. Kaya kadalasang late ako sa school. Nang palabas na ako sa may gate namin nakita kong parating ang motor ni Calvin, tiningnan ko kung nakasakay uli si Lucho. Kaso wala, nabigla siya ng biglang huminto sa tapat niya si Calvin.
“Hi Lyca !!” bati sakin ni Calvin tapos ngumiti pa. Kaklase ko nga pal yan nung grade school.
“Hello Calvin!!” ganting bati ko sa kanya.
“Sakay ka na hatid kita sa school mo,” sabi ni Calvin.
“Naku wag na nakakahiya naman,” sabi ko naman.
“Ok lang yun. Gusto---“ naputol ang sinasabi ni Calvin ng bigla may narinig kaming sumisigaw sa di kalayuan kaya napalingon kaming dalawa.
“Di ba sabi ko sayo kanina na sasabay ako, bakit mo ako iniwan. Kaasar ka naman eh,” sabi ni Lucho. Malapit lang kasi samin ang bahay nila mga apat na bahay ang pagitan.
Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya nang makalapit siya sa pwesto namin.
“O Hi Lyca ! Nandyan ka pala,” sabi ni Lucho nang makita niya ako.
“H-hello” nauutal ko bati sa kanya, hindi ko iniexpect na kilala niya ako kasi schoolmate ko lang kasi siya. Kinilig naman ako dun. Sakto naman na may dumaan na jeep kaya nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at sumakay na.
Nakarating na nga ako’t lahat sa school hindi pa rin mawala nakangiti ko. Kaya yung mga nakakasalubong ko nawiwierduhan na sa akin eh.
“Ngiti ah. Ang saya mo mo ata Lyca, “ sabi ni Dianne, ang makulit at alaskadora kong kaibigan. “may nakita ka noh” tuloy na sabi niya nung hindi ako umimik.
“Wala kaya,” sabi ko naman na nakangiti pa rin.
“Sus anung wala ka jan. Tingnan mo teh ang itsura mo parang timang,” sabi ni Jane ang bakla kong kaibigan.
“Oo nga siguro nakita mo si Lucho noh,” sabi naman ni Lyn. Kaya naman tumawa agad yung dalawa kasama pa si Lyn. Hindi lingid sa kanila na crush ko si Lucho. Paano ba naman araw-araw kaya namin siya nakikita dito sa campus, dito din kasi yun pumapasok kaso engineering nga lang.
“Oo na, nakita ko siya at binati niya ako kanina hihihi” kinikilig kong kwento sa kanila. Hayun kinilig din ang mga luka. Haha.
“Ikaw na ang baliw na baliw kay Lucho, hahaha” sabi ni Dianne.
Natapos lang ang aming kwentuhan nang dumating na ang professor namin pero nakangiti pa rin ako. Hanggang mag-uwian nkangiti pa rin ako.