(Late Valentines treat to everyone! Haha! )
**Ella's POV**
"Okay Class. We'll start our class." sabi ni Sir
Last subject na namin, ang malupit lang Math pa. Pauwi na lang kami, duguan pa ng utak di ba? Hayst.. Nag start na ngang magturo si Sir at nagsusulat na din sya sa board. Hudyat na ito upang ipagpatuloy ng mga kaklase ko ang trip nila, ang pag pe-PAPER CHAT. Yun ng tawag nila e. Yun yung nag uusap kayo sa pamamagitan ng pagsusulat at pagpapalitan sa iisang papel. Yung para bang nag te-text o nag cha-chat kayo gamit yun. Kalimitan pa nga ay may messanger pa, ipapaabot sa kaklase mong mas malapit sayo kapag malayo yung ka-Paper Chat mo para iyon makarating sa kanya. Syempre dapat pasikreto lahat, at di kayo maingay para di mahuli ng teacher, kung hindi detention ang kakahantungan nyo. May ilan ng nahuli kaya nga ingat na ingat sila.
Hindi ko alam kung paano nauso to sa klase namin pero wala pang isang linggo ng magsimula sila sa trip nilang ito. Halos lahat sa klase nakiki-isa na nga e, yung iba ginagamit pa nga ang PAPER CHAT para magligawan. Siguro dahil malapit na din ang valentines. San ka pa?
Nagpatuloy lang si Sir sa pagtuturo. Hindi nakakahalata sa pinaggagawa ng mga kaklase ko. Ang babaet nila noh? Ako? Makikinig na lang ako kay Sir kasi MABUTI AKONG ESTUDYANTE. Joke, sa totoo lang kasi wala rin naman na dadaan sa aking papel e. Asa pa ako.
Ah! Oo nga pala, bago ko malimutan. Ako nga pala si Mikaella Andrea Sanchez, you can call me Ella na lang. 16 years old at kasalukuyang 4th year High School Student. Hmm, kung ide-describe ko ang sarili ko? Ito lang ang masasabi ko..
Tahimik. Loner. Boring.
Ako yan.
Hindi ko dinediscriminate ang sarili ko. Sinasabi ko lang ang totoo. Ito na rin siguro ang reason kung bakit wala akong friend dito sa school, at dahil nga doon ay wala nga rin akong natatanggap na Paper Chat. Sad ng High School life ko noh? Hehe. Ganon talaga ang buhay ko e. Wala na akong magagawa dun.
(-__-)
(O__o)
(,oo) (^___^)
Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeehhh?????!!!!!
Yung katabi ko ay may nilapag na papel sa table ko at si..
si..
ART JOSHUA ESGUERRA lang naman ang katabi ko! Ang isa sa mga heartthrob dito sa school. Isa kasi syang vocalist ng sikat na banda sa school, ang "The Hearthrobs", ayos ang pangalan noh? 4 kasi sila at totoo namang mga heartthrobs sila. Gwapo much at talented silang lahat, pero si Art ang pinakasikat sa kanila. Kaya nga napaka daming babae ang nagpapantasya sa kanila e. Swerte ko noh? Isa sa The Heartthrobs ang katabi ko.Madami ngang naiingit sa akin e pero sa halos kalahating taon namin magkatabi ay hindi naman kami nag uusap, kasi nga tahimik akong tao. Kainis noh? I can't grab the opportunity to talk too him dahil sa ugali kong ganito. Hayst..
Pero sa totoo lang, may gusto ako sa kanya. Don't take me wrong, hindi ko sya gusto dahil sikat sya o di kaya pogi sya. I really like him dahil napaka bait nya kasing tao at di sya gaya ng ibang heart throb dyan na sa ulo ang pagiging heart throb. Wala syang kayabangan sa katawan at tsaka di sya babaero. Dagdag pa ang pagiging talented nya. Ewan ko ba, I really find him attractive. Pero di naman ako naasang mapansin nya ako. Ako pang si Ella na di nga man lang magawang kausapin sya? Malabong maging kami o di kaya magpansin man lang nya ako. Hayst..
At dahil nga malabo iyon ay alam kong hindi sa akin tong Paper Chat na to. Siguro ay sa tao sa harap ko. Kasi naman katabi ako ng bintana sa kanan, at pinaka dulo ako kaya wala ng tao sa likod ko. Loner talaga ang dating ko di ba?
BINABASA MO ANG
Paper Chat (One Shot)
Fiksi RemajaPaper Chat is a way of communicating using paper and pen in Ella's class. But for a loner, shy, and quiet type girl like Ella, no one even tries to have a Paper Chat with her, she doesn't even have a friend. Then one day.. unexpectedly.. his seatmat...