Chapter 29: Deoxygenate

79 1 0
                                    


"Please prepare the VIP room na ipinasuyo ni Chief. He told me earlier that the patient may be transferring one of these days. Para lang ready tayo." Marahang paliwanag ko sa nurse habang patuloy na tinitignan ang chart ng iilang pasyente ko bago ako tuluyang mag-out.

"Paki-monitor din ung patient sa room 305, please call me if ever man may mga changes sa stats niya."Huling abiso ko bago tuluyang isarado ang patient's chart at nagpaalam na sa nurse sa lobby.

Marahan akong napa buntong hininga at hinaplos ang leeg dahil katatapos lang ng double shift ko. Hindi kasi makakapasok si Chief ngayon dahil busy siya sa pag-aasikaso sa VIP patient na darating sa mga susunod na araw. In the end, his workloads and patients were transferred under my care. Hindi ko naman 'din mahihindian si Doc. Anastacio dahil sobrang bait niya sa akin.

Siguro ay dadaan na lamang ako sa Starbucks just so I could order some coffee at take aways, for sure ay wala na akong lakas makapagluto ng hapunan dahil sa sobrang pagod ko.

"Hey." I almost jump on my feet when I heard that swaying voice. When I glance at him ay ang maamong titig ni Rahim agad ang nakita ko. Pakiramdam ko ay uminit ang makabilang tenga ko ng makita kung gaano siya kapogi ngayon.

Jesus! Naka puting dress shirt lang naman siya at dark blue na slacks pero pakiramdam ko ay magmo-model siya sa harapan ko!

Samantalang ako, napaka-haggard ko na! Nakakainis! Napaka unfair ng mundo! Paano niya nagagawang maging fresh effortlessly!

"Mon." Mahina ngunit malambing niyang tawag sa akin kaya naman ay pakiramdam ko nagsitayuan ang mga balahibo ko sa likod dahil sa tunog noon.

When did he start making me feel like this?! Anong meron at pakiramdam ko napaka hypnotic ng effects niya sa akin ngayon?!

"I-I'm sorry, I just g-got out of my shift." I bit my tongue when I heard myself stutter as I answer him. Nakita ko ang pananantya sa mukha niya at mukhang nag-aabang pa ng idudugtong mula sa sinabi ko. Hindi ko napigilan ang mapalunok habang patuloy na kinakabahan sa bawat titig niya.

"I-I need to work late kasi wala si Chief. So, I just got out now."

"I'm worried. You're not answering your phone." Nang mahimigang ang tampo sa boses niya ay parang nataranta ang buong sistema ko dahil doon!

I immediately fish my phone from my bag at ng buksan iyon ay puro messages lang iyon galing kay Rahim! May iilang missed call pa siya sa iba't-ibang oras mula kahapon. Sa sobrang dami kong ginagawa ay nalimot ko ng mag-check ng phone buong shift ko! Hindi ko napigilan ang pagkagat sa pang-ibabang labi bago ibalik ang tingin sa kanya. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan niya bago ayusin ang salamin at suklayin at buhok matapos ay marahang kinamot ang tungki ng ilong.

"Let's— Let's just eat." He said in a defeated tone bago inilihis ang tingin mula sa akin. The way he clenches his jaw screams that he wants to say more ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niya at halatang-halata iyon!

"C-Can we just eat at my house?" I said in a low voice, ang marahang pagbalik ng tingin niya sa akin at ang hindi makapaniwalang tingin mula sa mga asul niyang mata ang nagdala ng hiya pabalik sa akin.

What is this situation?! Bakit ganito ito?! Nang ma-realize ang naging suhestyon ko ay parang nanlamig ang sikmura ko. Saan ko kinuha ang lakas ng loob na yayain siya sa bahay? If Annica find this out, she will surely burn me alive, if I'm not dead yet!

"Are you tired? Sure, I'll just cook."

"Yeah. And I probably smell bad, so I want to take a bath." Pagdadahilan ko, tho it's really true. I haven't had a shower in the last 16 hours and I probably smell bad right now!

How Do We Live?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon