19

10 1 0
                                    

Bankruptcy of EIR'S group of companies

ESHA'S POV

Well, good morning everyone! Ang ganda ganda na naman ng gising ko, I stalked on Ada's bed room last night and I saw Kieran's picture with that girl, Nikki on his side and smiling; Well, I think they're not on good terms or should I say, this is the perfect time to tease and annoy her? Hmm, when luck is on my side right now like yaaaay! Bumaba ako sa sala and hindi ko pa nakikita si Ada yet I saw Livius, Mom and Dad whispering to each other kaya tumabi ako sa kanila pero tumigil sila sa pag-uusap. I insisted them to tell me about their conversations pero umalis lang sila Mom and Dad at naiwan kaming dalawa ni Livius na nanahimik sa tabi. Livius and I wasn't in good terms too, kagabi pa actually dahil napagsalitaan ko si Ada ng mga bagay na ayaw niya sigurong marinig patungkol kay Ada.

"Mind if you tell me about your conversation with them?" Sambit ko at umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Hindi kasi sinabi nila Mom yet inalisan lang nila ako."

"Masanay ka nang mag-ipon at magtipid ng allowances mo, ate Esha." He stated so I got confused. "There's a time where money can't be with you forever, minsan iyong nakasanayan mo ay mawawala sa iyo. Learn to be practical, ate. Hindi na kayang ibigay nila Mom and Dad ang mga bagay na gugustuhin mo kaagad."

"Why? They owned a company, our parents owned a company, Liv. Kahit ano pa man ang gustuhin ko dapat lang nilang ibigay iyon kaagad!" Reklamo ko.

"Well, hindi na ngayon, ate. The company you're boasting right now was in the midst of chaos, the company you're referring to is now on the term of documents of BANKRUPTCY! So, don't you dare demand on our parents na kapag ano ang gusto mo ay dapat ibigay sa iyo." Angal nito kaya umupo na lang ako muli at umiwas ng tingin. "Tama lang na dapat hindi na lang namin sa iyo--hindi ko na lang pala sinabi sa iyo ang tungkol dito dahil hindi mo rin pala si maiintindihan." Aalis na sana ito nang bigla akong humirit.

"Bakit na-bankrupt ang company? Saan ba napunta ang pera ng company natin ha? Pinang-gastos ba sa ampon natin ha na palamunin natin dito? Sa pagpapa-aral ba sa kaniya kaya naubos ang pera ng company na emergency saver natin?" I gasped and crossed my arms. "Paano kasi, ampon na nga lang tapos iyong course na kinuha pang-mayaman. Ampon na nga lang gusto niya pa na pang-mataasan ang course na kinuha niya."

"Pinili ni Ada ang pagm-medicine dahil gusto rin nila Mom and Dad iyon para sa kaniya and besides, it suits her. Mapag-pasensya siya, matiisin, masipag at higit sa lahat hindi katulad mo, ate. Ikaw din naman ah? Ang laki ng tuition fee na nagagastos sa iyo, right?"

I chuckles bitterly. "Bakit? Magkano ba ang naging tuition fee ko? May scholarship nga ako e."

"Oh talaga? Scholarship? You took Psychology yet you don't pay attention on it and the scholarship na sinasabi was two years ago na nawala sa iyo dahil sa katarantaduhan mo noon. You had the scholarship ONCE pero hindi mo inayos ang first year college student mo dahil nag-cutting ka, bumagsak at hindi mo na-maintain ang position mo as a dean's lister." Paliwang niya kaya humikbi ako at umiwas ng tingin. "Pero look what Ada have now. She's dean's lister, scholar student and soon to be a general surgeon tapos ganiyan ka pa magsalita sa kaniya."

"And so what? Totoo naman ah? Ampon siya pero kung umasta siya para siya pa ang tunay na anak. I don't care kahit paulit-ulitin mo siyang ipangtanggol, I'll make sure naman na hindi siya magiging general surgeon, Liv kahit ano pa ang gawin mo."

"You can't resists on her moves against her career. Iba siya sa iba, Esha."

-----------------------------------------------

ADA'S POV

Kakagising ko lang pero wala na sila kuya Livius, ate Esha pati sila Mom and Dad sa sala; ang naiwan lang ay ang mga maids na nag-aayos sa may sala, kusina at sa may bakuran ng bahay. Umupo ako sa lamesa at kumain ng almusal ko nang biglang lumapit sa akin si Manang Becca at iniabot sa akin ang isang brown envelope.

LS#4: Save me, Doctor✓Where stories live. Discover now