Avery
"Go," sabi sa akin ni Bella ng gabing nagtagpo kami sa likurang bahagi ng mansyon ng mga Sandoval matapos niyang ibigay sa akin ang isang sobreng naglalaman ng salapi. "May naghihintay na sasakyan sa iyo paglabas mo ng arko, Avery. Lumayo sa lugar na ito at kahit kailan ay huwag na huwag ka ng magpapakita pa," sabi pa niya habang umiiyak.
Yumakap muna ako sa kanya ng mahigpit bago lumabas sa gate at naglakad palayo sa kanya.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock.
Bumangon ako at nagpasyang silipin ang aking anak sa aking tabi.
Tulog na tulog ito at may bahagi ng laway sa kanyang bibig. Ngumiti ako at saka buong suyong hinalikan sa kanyang noon. Bumaba ako sa kama at saka nag-unat ng kamay. Nang makalalabas ako ng kwarto at naghilamos muna ako at saka nagsimulang magluto ng agahan at inihanda na rin ang babaunin ni Cameron sa daycare center kung saan ko siya iiwan ng buong maghapon.
Mabuti na lamang at may eskwelahan para sa mga omega na katulad ko. Ito ay advance studying para sa mga katulad kong nahinto sa pag-aaral at pwede pa ring mag-aral uli kahit ilang taon ka na. Naiintindihan ni Theresa Crown, ang pioneer ng mga eskwelahan ang pinagdaanan ng mga omega kung kaya't inilaan niya ang oras niya ang pagpapatayo ng mga ganitong eskwelan para sa katulad namin.
Para sa aming mga omega, ang pinakamababang-uri ng klase ng tao mapa-babae man o lalaki ay madalas maltratuhin ng nga Alpha at ng mga Beta. Wala kaming karapatan sa lahat. At ang tingin nila sa amin ay alipin at paanakan lamang. Mabuti na lamang at ipinanganak si Theresa at ipinaglaban niya ang aming karapatan bilang tao. Kahit papaano ay nakakapag-aral kami at nakapagtrabaho sa mga establishment laan lamang din sa aming mga omega simula noong nagkaroon kami ng gamot na tinatawag na suppressant. Isa itong uri ng gamot na magpapatigil sa aming "heat" o ang panahong naglalabas ang aming katawan ng kakaibang amoy na nagbibigay ng signal sa mga alpha o beta upang kami ay lahian. Minsan sa isang buwan ito nangyayari at walang sinoman sa dalawang lahi ang makaka-resist sa amoy na iyon. At kapag malapit na ang aming heat, nagfa-file na agad kami ng leave sa trabaho man o magbibigay ng note sa mga eskwelahan.
"Good morning Avery," bati sa akin ni Gion, isa ring omega na nagtatrabaho bilang daycare nanny.
"Good morning din Gion," nakangiting sagot ko sa kanya bago ibinigay si Cameron sa kanya at ang bag na may lamang gatas at diapers ng baby. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Gion. Baka gagabihin ako mamaya."
"Oo naman ano ka ba. Hindi ka naman ibang tao sa akin," sagot niya.
Ngumiti ako sa kanya at saka nagpaalam bago muling hinalikan sa noo si Cameron.
"Avery," tawag sa akin ni Canon pagpasok ko ng gate ng eskwelahan. Nakita kong may bitbit itong papel na kulay dilaw at asul. Ibig sabihin niyon ay malapit na ang heat niya at kailangan niyang mag-leave sa trabaho na pareho naming pinapasukan at sa mag-iwan ng notes sa eskwelahan.
Unlike me, si Canon ay kapiling na ang kanyang fated pair o iyong nakalaan na partner para sa kanya. Isa itong Beta at kung hindi ako nagkakamali ay Azul ang pangalan nito.
Fated huh?
Muli na naman sanang dadaloy sa aking utak ang aking nakaraan ngunit mabilis kong iwinaksi iyon sa aking isipan.
"Sorry talaga," sabi niya sa akin.
"Bakit ka naman nagso-sorry?" tanong ko sa kanya.
"Kasi kailangan mong punan ang shift ko," sagot niya.
"Sira ka talaga. Normal lang iyon sa trabaho. Ano ka ba," natatawa kong sabi sa kanya.
Pagkatapos ng klase sa kalahating araw ay agad akong lumabas sa eskwelahan at naglakad patungo sa part time job na pinapasukan ko.
BINABASA MO ANG
Fated to You ( B L )
AksiAvery thought that his life being an omega would be worthwhile. Marius, his alpha loves him too much to the point of locking him up inside their bedroom so no one will be able to talk to him. For Avery, Marius is his everything. Mayaman, gwapo eduk...