Makalipas ang isang oras ng pagliligpit at pagaayos ng mga pinaggamitan namin ay isa isa namang nagpaalam sa amin sila Sir at Maam. Sumunod sila Ate at Kuya kasama na rito sila Tita. Kaya kami na lamang magkakapatid ang naiwan sapagkat hindi pa umuuwi ang aming mga magulang.
"Ate matutulog na po kami." masayang hayag ni Hermes na ikatango ko.
"Matulog na po kayo para may energy ka bunso'y. Matutulog na rin mamaya si ate. Ayain mo na rin sila Kuya Ares mo at Kuya Apollo mo doon. Naghuhugas pa kasi si Ate Artemis mo sa loob dito lang muna si ate sa labas magpapahangin." ngumiti ito sa akin sabay yakap kaya niyakap ko rin ito pabalik tsaka ginulo ang kanyang buhok.
"Lab ka po namin ate, mwuah mwuah."
"Mwuah mwuah rin sa inyo tulog na po, goodnight sa inyo ng mga kuya mo." tumakbo ito paloob tsaka kumaway pa sa akin bago ito nawala sa aking paningin.
Minuto ang lumipas ng may naramdaman akong umupo sa aking hindi ko na kaylangan lingunin ito dahil kilala ko na kung sino.
Kay gandang pagmasdan ng mga bituin sa kalangitan, sa simpleng pagbibigay nito ng liwanag sa mundong ibabaw nagbibigay rin ito ng saya't-galak sa mga tulad kung mahilig sa mga bituin.
Nagbibigay rin ito sa akin ng lakas ng loob na huwag sumuko sa lahat ng laban sa aking buhay. Sapagkat ang bituin ay siyang sumisimbolo sa akin ng lahat ng pagsubok sa buhay ay may solusyon at kasagutan.
"Ang ganda ng kalangitan, di ba?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa itaas.
"Oo naman, Ate. Di ba nga mahilig ka sa mga bituwin?" nakangiting hayag nito na ikinatango ko.
"Oo, ang ganda kasi nilang tignan." sagot ko na ikinatango naman nito.
"Di ba pangarap mong pumunta dyan dati. Sinasabi mo pa nga na gusto mong magkaroon ng pictures with them." napatawa naman ako sa sinabi nito.
"Yeah, until now im still hoping that someday. To have that opportunity to take some pictures with them." nakangiti kong sambit.
"You look like a kid, ate. " natatawa nitong sambit sa akin.
"Minsan lang naman" nakanguso kong sagot rito.
"Sandali lang may kukunin lang ako." tumango naman ako lumipas ang ilang segundo ay bumalik itong may dala dala.
"Ate regalo pala namin sayo nila, Apollo. Alam kasi naming mahilig kang tumugtog kaya ayan binilhan ka namin. Secondhand lang yan pero alam kung magugustuhan mo ito." sabay pakita niya niya ng gitara sa akin napamaang ako sa aking nakikita.
Nakaka-touch naman ng mga kapatid ko (≧▽≦)
"Eh papaano kayo nakabili nito?" taka kong tanong rito.
"Aba'y syempre pinag ipunan namin iyan. Alam ko kasing pangarap mo ang magkaroon niyan kaya binilhan ka namin. Ang ganda di ba?" tumango ako rito bilang pag sangayon.
Kahit secondhand na siyang gitara mukha pa rin itong bago. Hindi rin bakbak ang kulay itim nitong pintura at maayos pa ang neck, head, at body nito.
"Salamat sa regalo ninyo sa akin. Pero sana hindi na kayo nag-abala pa. Baka di na kayo kumakain sa eskuwela para makapagipon lang pambili nito. Pagmamahal pa lang ninyo ayos na ako doon." pasasalamat ko sabay yakap rito.
"Walang anuman yon, ate. Deserve
mo kaya yan. Ngayon ka pa lang namin niregaluhan sa tanang ng buhay namin. Thank you for being our best ate in the whole wide world." umiiyak nitong sambit kaya naman tinawanan ko lamang ito.Mukha kasi siyang batang ninakawan ng kendi ng kalaro niya HAHAHAHAHA.
"Tama na ang kakaiyak ang panget mo." asar ko rito.
YOU ARE READING
The Day Before Yesterday
RomanceHades - Isang probinsyana girl, na nangangarap na matanggap at nakapasok sa isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila ang "Watson University". Paano kung isang araw ay maging isa siya sa mga makatanggap ng scholarship nang unibersidad na'to. Paano...