I'm lost! Andito ako ngayon sa isang kalsada, tumakas ako oo, kahit tumakas ako I felt an ease in my chest, kahit papano gumaan ang loob ko dahil nakatakas ako sa pamilya ko, I hope they enjoy baking together without me.
No one senses na nakatakas ako sa bahay, kaya nag lalakad lakad nalang ako dito sa kalsada ng walang tigil hanggang sa makabalik ako sa bahay, hayaan mo na, kahit papano kailangan kong gumaan ang loob ko, tumingin ako sa isang malaking palayan, may mga mag sasaka na nag tatanim ngayon, tinignan ko lang sila at habang tinitignan ko lang sila ay unti unti nawawala ang bigat na dinadala ko sa loob looban ko.
"Hija diba ikaw si Lorraine Evangelista?" Gulat na tanong ng isang mag sasaka. "B-bakit po?" Tanong ko. "Eh malayo na dito ang bahay nyo diba? Mag aalas sais na ng gabi baka mapano ka dito." Nag aalalang sambit ng magsasaka.
"Opo, ako po si Lorraine Evangelista, nag lalakad lakad lang po ako para mag pahangin, wag po kayong mag alala." Sambit ko. "Tsaka palubog na ang araw oh gusto mo ihatid na kita sa bahay nyo?" Tanong ng mag sasaka.
"Bakit alam nyo po ba ang bahay ko?" Tanong ko. "Oo, palagi akong pumupunta don kapag nangangailangan ako ng tulong galing sa mga Evangelistas, baka nag aalala na sayo ang buong pamilya mo." Sambit ng mag sasaka.
"Ano po ang naitulong ng ama ko sayo?" Tanong ko, because my father is the recent congressman of Ilocos Norte and he is still running for the position of congressman and it's already election here kaya nangangampanya ang tatay ko tuwing umaga at tanghali kung nasan nasa school pa kami.
"Ah, natulungan nya ko mabayaran ang bills ng anak ko sa ospital, nag donate sya sakin ng 1 million peso para lang gumaling na ang anak ko, pero ngayon magaling naman na sya at malaki ang pag papasalamat ko sakanila." Sagot naman ng mag sasaka at napangiti ako, mabuti pala ang tatay ko sa ibang tao sa norte pero sa sarili nilang anak hinde.
"Ah ganun po ba, by the way kamusta na po ang anak nyo ngayon?" Tanong ko at hinawi ko ang buhok kong hinahangin.
"Ayun magaling na sya at nakakapasok na ng eskwela kaya ang ama mo ang iboboto ko ngayong election, maraming tao ang boboto sakanya ngayon sa dami ng natulungan nya." Sambit ng mag sasaka.
"Ikumpara mo pa sa mga Marcos na palaging may posisyon sa politika kaya sana manalo ang tatay mo sa election dahil naniniwala akong madami pa syang matutulungan." Sambit mg mag sasaka at marahan syang tumawa, tumutulong lang naman sya sa ibang tao pagdating sa pangangailangan pero iilang bills lang ang naipasa, hindi pa ata lalagpas sa lima.
"Ah ganun po ba? Ang bait nya po sa ibang tao no." Sambit ko. "Pero sa sariling anak hinde." Bulong ko kaya nag taka ang mag sasaka.
"M-may sinasabi ka hija?" Tanong ng mag sasaka. "Ay, nako wala po, tsaka maraming salamat po sa pag tiwala sa tatay ko, pa kamusta nalang po ako sa anak ninyo ha." Sambit ko at hinawakan nya ang mga kamay ko.
"Sige wag kang mag alala ipapakamusta kita sa anak ko, alam mo kung hindi lang sya natulungan ng ama mo, siguro wala na sya ngayon." Sambit ng mag sasaka.
"Ah ganun po ba, by the way po anong pangalan nyo po pala?" Tanong ko. "Ernesto, Ernesto Romero." Sagot ng mag sasaka.
"Kaya sana ipag dasal mo na manalo ang tatay mo sa eleksyon, kasi sakanya lang kami nakaasa kapag nangangailangan kami." Sambit ng magsasaka.
"Ah, sige po akong bahala don po, by the way po bakit ayaw na ayaw nyo sa mga Marcos? Especially ang kalaban ng tatay ko ngayong election?" Tanong ko and I am talking about Sandro.
"Ah, kasi gahaman sa pwesto, at hindi nila binigyan ang ibang politiko na maka upo sa pwesto, sila nalang palagi." Sambit ng magsasaka.
"Eh diba po pareho naman po silang magaling?" Tanong ko. "Oo pareho silang magaling." Sagot ng mag sasaka,
"Pero bakit po ayaw na ayaw nyo kay Sandro Marcos kung alam nyo naman pong parehas silang magaling?" Tanong ko.
"Hija nasagot ko na ang tanong mo, ang sabi ko gahaman sila sa pwesto ng politika." Sagot ng mag sasaka.
"Ah ganon po ba." Sambit ko. "At tsaka si Sandro ni hindi marunong mag salita ng ilokano." Sambit ni kuya Ernesto.
"Pero magaling na po sya mag ilokano, kahit bulol." Sambit ko at natawa si kuya Ernesto.
"Kahit na, mas mabuti parin ang isang kandidato na magaling mag ilokano kaysa sa batang yan na hindi puro mag ilokano." Sambit ni Kuya Ernesto.
"Lengwahe lang po ba ang kailangan natin pag pilian? Hindi ang isang politiko na nag sisimula nang tumulong kahit wala pa sa pwesto?" Tanong ko at napa kunot ang noo ko nang marealize ko na pinag tatanggol ko na si Sandro.
"Pinag tatanggol mo ba ang kalaban ng ama mo?" Takang tanong ni kuya Erneto. "Ay kuya hindi po nag tatanong lang po ako hindi ko po pinag tatanggol, hehe." Sambit ko at nagulat ako nang may marinig akong kanta na nang gagaling sa malayo pero rinig na rinig ko ang kanta.
"Sandali, ang kapal naman ng mga mukha nyan na dumaan dito!" Asik ni Kuya Ernesto at napatingin ako sa likod, may nakita akong isang puting kotse na tumutugtog ng Campaign song ni Sandro at ang mga tauhan nya at nag h-house to house sila dito kaya nagulat ako.
"Hayaan mo na kuya Ernesto." Sambit ko at maya maya ay papalapit sila samin at nakita ako ng isang kasamahan nya na bakla at dumaan sa harap ko at kumanta ng
"Bumangon tayo ken Sandroooo." Pang asar na kanta ng bakla, dumaan pa talaga sya sa harap ko ha.
"What the heck." Napamura nalang ako habang pinapanood ko ang campaign nila at nakita ko ang ibang tao na nang hihikayat na ibotos si Sandro.
"Kuya Sandro tayo ha." Sambit ng isang lalake at nakipag fist bump ito sakanya at sinumulang mang asar ang ibang tauhan ni Sandro.
"Bumangon tayo ken Sandro!" Sigaw pa ng isa at nag labasan ang mga babae sa bahay bahay at nag takbuhan sila kay Sandro.
"Sandro!" Sigaw ng isang babae kay Sandro habang si Sandro naman ay naka scooter.
"Sandro Sandro!" Nag simulang mag sigawan ang mga tao sa paligid habang ang iba ay tinitignan ako, halatang inaasar nila ako porket malakas na kalaban ni papa si Sandro.
"Lahat babangon kay Sandro!" Sigaw pa ng isa at nag sigawan sila habang si Sandro ay ngumingiti lang habang ako ay nakapako lang ang tingin ko sakanila.
"Nako hija wag mo na silang pansinin nang aasar lang yan porket isa kang Evangelista." Sambit ni Kuya Ernesto habang ang campaign music ni Sandro ay nilakasan kaya bumalot sa tenga ko ang campaign song ni Sandro at nahalata ni Sandro iyon kaya sinensyasan nya na tumigil sila sa pang aasar sakin at nag tagpo na ang mga mata namin.
"Ate sorry ha, kalimutan mo nalang." Sambit ni Sandro habang hindi nya inaalis ang mga mata nya sakin at nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko habang napako ang mga mata namin sa isa't isa at biglang tumigil ang mundo ko nang nginitian nya ko ng marahan.
-------------------------------
Incase na hindi nyo alam kung sino yung kumanta sa harap ni Lorraine si Phati po yon HAHAHAHAHA
YOU ARE READING
The Gap Between Us (Under Revision)
FanfictionChantelle Lorraine, born into a life of privilege in the North, is admired for her poise and perfection-a flawless image that conceals the fractures hidden deep within her heart. Despite her family's wealth, she remains haunted by the pain of her ch...