Chapter 14: Away o Bati

13.4K 152 16
                                    

14


Kaisipan ni Rhine

Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.

"Rhine?" si Lester na naghihintay pa rin sa sagot ko.

"Lester alam mo namang girlfriend ako ni Xa....." hindi ko natapos ang sasabihin ko sa kanya.

"Rhine alam ko na ang totoo."

Alam na niya? Kaya ba sila nagsuntokan noong isang araw? Ako ang dahilan?
Ehem, ang feeling ko ata ngayon.

Wala na rin namang magagawa kung magdedeny pa ako.

Ano ba dapat kong isagot?

T_T


Hinawakan niya bigla ang kamay ko.

"Rhine, hindi naman ako nagmamadali, just give me a chance." sabi sakin ni Lester.

"Lester, pwede bang pag-isipan ko muna?"

"Sabi ko nga diba, hindi ako nagmamadali, kaya okay lang." nakangiting sabi niya. Pero iba pa rin yun ngiti ni Xavier, wala akong maramdamang kilig kay Lester. Bakit ganun?

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon, umuwi na ako, ewan ko ba, parang napagod ako sa lahat ng nangyari.


Pagdating ko sa condo, wala pa Xavier.

Pumunta na lang ako sa kwarto at humiga.

Ano ba talaga ang dapat kong gawin?

Gabi na pero wala pa rin ang halimaw kong boss.
Tapos na akong kumain at tinapos ko na rin lahat ng gawaing bahay.
11 na pero wala pa rin siya. Nasaan na ba kasi yun?



"Haaaaa! Bwesit ka talaga Xavier." sigaw ko, nakakainis, hindi ako makatulog kasi ako lang mag-isa tapos nag-aalala pa ako sa kanya.


Sa kahihintay ko, nakatulog na ako sa sala.


Nagising na lang ako nang may mag doorbell.

Bumangon ako at tumingin sa orasan. 2 am na. Pumunta ako sa pinto at binuksan ito.

"Bakit ang tagal mong magbukas?!" agad niyang bungad sakin.


"Pasensya na, nakatulog ako eh." sagot ko.


Lumakad na siya patungo sa kwarto niya.

Pero bago siya pumasok may sinabi siya.

"Congrats pala sa inyo ni Lester." at pumasok na siya. Ewan ko pero nakaramdam ako ng hinanakit sa pagkasabi niya nun.

Hindi na ako pumasok sa kwarto niya at dito na lang sa sala natulog, alam ko kasing may problema talaga.




Kinabukasan

Parang may nagbago sa aming dalawa, hindi parang, sigurado akong may nagbago talaga. Hindi na siya kumakausap sakin unless may kailangan.

Nakakabagot, ang boring, ano ba kasing nangyari sa kanya?


2 weeks later.


Hmmm, wala pa ring pagbabago! Katulad pa rin ng dati, hindi pa rin kami nag-uusap.

Si Lester naman ang kulit rin.

Katulad ngayon. Ito good example.

"Rhine, wala ka bang gagawin mamaya? Labas naman tayo." sabi niya.


Even Though [Exo-K's Sehun] {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon