"Love, wait up!"
Habol hininga akong tumatawa habang tinitignan si Quen na hinahabol ako. We were running around the beach like we were kids having fun. I was wearing a black two piece bikini habang naka board shorts lang siya na itim rin. His abs were so visible that every woman na nadadaanan namin ay naglalaway talaga sa kaniya. We took pictures around at siya panga yung nag i-insist na picturan ako kahit ayoko. But if that would make him happy, than so be it.
"You'd look good being a model" he said after taking a picture of me kaya lumapit naman ako para tignan yun. It was true, nagmukha akong model sa picture na yun.
"That was actually my dream when I was younger. I have a tita kasi who's a super model at palagi ko siyang nakakasama noon kaya na influence niya ako. But, I know my parents would never agree kaya naudlot pangarap ko" I sighed
"But it's never too late to change your mind you know"
"Nahh, gusto mo yun, pag naging model ako mas madami ang mas magkakagusto sa akin at mag aaligid. Hindi kaba magseselos?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata
"Why would I be, when I know you'll still choose me?" He smirked kaya napairap naman ako
"Kapal talaga ng face" sabi ko at tinalikuran siya, kaya tawa-tawa naman siyang humabol at inakbayan ako
"Ikaw ba, hindi kaba nag-aalala na madaming doctor at nurses na magkakagusto sa akin?"
"Sige huwag kanang mag doctor." Sabi ko at kumawala sa akbay niya kaya natawa naman siya
"I'm just kidding babe" he said and stole a kiss from me at tumakbo
"Hey!" Sigaw ko pero tumawa lang siya at tumakbo
It was around 3 pm when we went skubadiving. I was scared at first pa he kept assuring me na he'll be there, hindi niya ako iiwan and he will hold my hand naman daw. At nung lumangoy nanga kami ay hindi niya binitawan ang kamay ko. I was so amazed with the fishes and all the colors. I looked like a kid na first makakita ng aquarium na may laman ng iba't ibang uri ng isda.
Pagkatapos naming mag skubadiving ay nag jetski naman kami. It was like deja vu tuwing nasa lupa kami at sakay ang motor niya, only that we were on the water. Ambilis pa niyang magmaneho pero imbis na sumiga ako sa takot, sumigaw ako sa saya. I enjoyed so much of it.
Sunod naman ay pumunta kami sa White Island and took so many pictures. Andami ring tao doon, may nakita panga kaming artista eh kaso hindi ko naman siya idol kaya hindi na ako nagpapicture. Plus andami kayang taong nagpapapicture sa kaniya. Ayoko nang makipag siksikan doon.
Pagkabalik namin sa resort. Umupo kami sa buhanginan at pinanood ang papalubog na araw. Nilabas ko ang cellphone ko sa sling bag at kumuha ng litrato ng sunset. Palihim ko ring kinuhaan ng picture si Quen, ngumiti nalang din siya ng mapansin yon. Sinandal ko ang ulo sa balikat niya at kumuha ng picture naming dalawa.
"Wait, wala tayong picture together" aniya at biglang tumayo kaya nagtaka naman ako. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa isang grupo ng magkakaibigan at nagulat nalang ako pagkabalik niya kasama na niya yung isa. "C'mon, let's take a picture while the sun is still out" aniya at hinila ako patayo
"Ikaw talagang dinisturbo mo pa sila!"
"Ay, okay lang po ate" sabi nung babaeng may hawak ng cellphone ni Quen. Pumwesto na kami, and Quen wrapped his arms around my weist "Okay 1, 2, 3...smile!" Ngumiti naman ako at gumawa rin kami ng ibang pose. May pa waki, may isa ring kung saan binuhat ako ni Quen, yung isa naman ay nakatingin lang kami sa isa't-isa at yung isa naman ay hawak kamay kaming nakatingin sa papalubog na araw at yung panghuli ay maglahalik ang mga labi namin.