CHAPTER 24

662 59 425
                                    

Vianne's Pov

Ang araw na pinakahihintay namin ni unggoy ang makaharap at makausap ang parents ko tungkol sa relasyon namin dalawa. Mababakas sa mukha ang kabang nararamdaman ni unggoy habang hinihintay namin na bumaba sina mommy at daddy.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at pinisil iyon kaya napabaling siya sa akin at masuyong ngumiti. Gamit ang isa kong kamay ay hinaplos ko ang pisngi niya. Napapikit ito at dinama ang kamay ko sa pisngi niya. Napangiti ako ng makitang kumalma ang mukha niya.

"Feel better?" Nakangiting tanong ko ng dumilat siya.

"Yeah, much more better."

Kiniss ko siya sa lips bago ako sumagot. "That's good. Oh, hey guys." Bati ko ng bumaba na ang parents ko.

Tumayo kami ni unggoy at lumapit sa kanila. Kiniss ko si mommy't daddy sa cheeks at saka niyakap sila ng mahigpit. Namiss ko sila ng sobra.

"Son.." si daddy ng bumitaw kami sa group hug.

"Dad.." sambit ni unggoy bago sila magyakapan ni daddy. Si mommy naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan ang dalawa.

Matapos magyakapan umupo na kaming apat sa sala.

Tumikhim si daddy at nagtatanong ang mga tingin nito sa magkahawak kamay namin ni unggoy. Nakakalokong ngumisi si daddy kaya tinaasan ko siya ng kilay, bumaling ito kay mommy na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

"Mahal, sa palagay ko naging matagumpay ang plano natin." Si daddy na nakaharap kay mommy.

"Nakikita ko nga mahal." Nakangiting sagot naman ni mommy.

Naguluhan ako sa sinasabi ng parents ko kaya lumingon ako kay unggoy na nakatingin pala sa akin, maging siya'y naguguluhan din.

Nilipat ko ang tingin sa parents ko at saka nagtanong. "Dad, baka gusto niyong i-share yang sikreto niyo ni mommy nang makarelate naman kami." Sarkastikong sabi ko.

Naagaw ko ang atensyon nila sa sinabi kong iyon.

"Sorry anak, masaya lang kami ng daddy mo." Si mommy ang sumagot.

Masaya saan?

"Masaya kami dahil nasunod ang gusto namin mangyari." Dugtong ni daddy.

Talagang hindi na ako makarelate.

"Pwede ba dad diretsuhin mo na kami, kayo lang ni mommy ang nagkakaintindihan eh." Naiinis nang sabi ko.

"Relax lang anak, sasabihin din naman namin sa inyo."

"Sabihin niyo na nga," nauubusang pasensyang sagot ko.

"Sabihin mo na mahal." Si mommy.

Humugot ng malalim na hininga si daddy bago ito magsalita at saka tinuon ang paningin sa direksyon namin ni unggoy.

"Natutuwa kami ng mommy mo na malaman nagkakaunawaan kayo ng kapatid mo."

"Hindi ko siya kapatid," agarang sagot ko kay daddy. Hinawakan ko ang kamay ni unggoy at tinaas iyon para makita nila ang ibig kong sabihin. "You see this? May magkapatid bang magkaholding hands?" Sabi ko pa.

"Dad, mom," segunda ni unggoy. "Mahal ko po si Vianne, mahal ko po ang anak niyo." Sinserong sabi niya na tumingin pa sa akin para ngitian ako kaya napangiti rin ako sa ginawa niyang iyon.

"Yes dad and mom, mahal po namin ang isa't-isa." Dagdag sabi ko pa. "At hindi niyo kami pwedeng paghiwalayin dahil itatakwil ko kayo bilang parents ko." Pabirong sabi ko dahil hindi ko magagawang itakwil sila.

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon