CONTINUATION
" Love? R-restroom lang ako " mahinang bulong ko kay Lucifer. Bumaling ang tingin nito sakin.
" You want me to come with you?" Malumanay niyang tanong sa akin pero umiling ako. Para naman hindi ko alam kung saan ang restroom pero hindi ko nga pala alam, eh di magtanong tanong nalang. I fix myself before I stood up. Umangat ang tingin nila sa akin. Nagtataka pa ang tingin nung dalawa pero binulungan naman sila ni Lucifer pagkatapos tumango tango sila
" Ok, We'll wait for you here " nakangiting sabi ni Damon. Tumalikod na ako sa kanila. Pero ngumiti pa muna ako sa pinsan ng Triplets at sa ibang kasamang babae nila na maarte pa kay Kris Aquino. At least si Kris maganda sila kasi kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang maganda well naiinis lang ako inirapan kasi nila kanila na para bang naiinggit sila sakin.
Mabuti pa si Charmae at Celine simple lang pero mabait, nagtataka lang ako na hindi sila ang kasama at ang maarteng babae ang kasama nila rito.
Sumunod ako sa mga babaeng nag re-restroom din. I sigh in relief when I step inside the restroom. Mabilis akong naghanap ng bowl ng may nahanap at walang tao pumasok agad ako
Nakahinga ng natapos. Lumabas ako at lumapit sa salamin upang maghugas ng kamay tiningnan ko ang sarili ko medyo nagulo ang make up ko. Kaya napagdesisyon kona mag ayos muna napatigil lang ako sa paglalagay ng lipstick ng bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng kinainisan ko nung una
Lumapit din siya sa gilid ko, she smirk and I remain serious. I feel suffocated suddenly because of her presence. She raised her head confidently sobrang sexy niya sa suot na maroon gown. Sa bagay international model din naman pala siya nagtataka talaga ako at hindi ito nagustuhan ng triplets. Nagtagal pa ata ng ilang minuto bago siya nagsalita
" Can I ask you a question?" Nagtanong ka na. Nang hindi ako sumagot nagsalita ulit siya habang inirapan ako
" Gaano muna kakilala ang Triplets Samantha? Because honestly, Sa tingin koy pamilya lang nila ang alam mo how about their secret? " Nanunuyang sabi niya pagkatapos nag lagay ng foundation sa mukha. I sigh nagsisimula na naman ng away ang babaeng to. Hindi ako nagsalita para ano pa? Patulan siya
" Then let me introduce myself to you again Samantha. I am Katty Montes Wena's best friend. Si Wena ang first love ng triplets. Hindi ka ba nagtataka na baka nagustuhan ka lang ng Triplets dahil kamukha ka ni Wena? " Napalunok siya dahil naramdaman niya ang bikig sa lalamunan. Nasasaktan siya. Baka sinisiraan lang ng Katty nito ang Triplets.
Pero ng naalala na ayaw ng Triplets pag usapan namin si Wena dati, ni ayaw nilang mabanggit ko ang pangalan nito nasasaktan ako. Minsan sumagi na din sa isip ko ang tanong na yon. Mahal ba talaga ako ng Triplets?
" Bakit mo ito sinasabi sa akin? Baka naman gumagawa ka lang ng kwento para layuan ko ang Triplets. Ganon kana ba ka desperada? Katty? Nung nawala si Wena akala mo may pag asa kana, pero ng dumating ako iniwan kalang din dahil alam mo? pagpalipas oras ka lang?" Matapang na sagot ko. Dumaan ang iritasyon sa mata niya may nababadya nang galit
" oh my gosh, you're so naive Samantha! Kaya siguro madali kang mauto. Simpleng sabi lang ng Mahal kita naniwala ka agad. Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit gumamit pa sila ng ibang babae para lang protektahan si Wena. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw na ang hinahunting ng kalaban ng triplets? May natatanggap kaba ng death threat katulad ni Wena? Syempre meron ikaw pa naman ang substitute ni Wena " napaawang ang labi niya sa gulat dahil sa narinig
"Hindi ka mahal ng triplets ginamit kalang nila. Kaya ng nakita nila ang mukha ni Wena sayo kinidnap ka nila. Para siguro sayo na mabaling ang attention ng kalaban ng Triplets at upang hindi na malaman kung saan tinago ng triplets si Wena. Kung hindi ka naniwala ito ang ebidensya " parang sinasakal ang dibdib niya sa sobrang sakit. Bakit naman siya naniniwala kay Katty? Lahat ng ginagawa ng Triplets sakin totoo yun, Ang pag aalala nila sakin, ang kabaitan nila sakin at lalo na pagmamahal nila sakin kaya bakit ako maniniwala? Pero bakit ang sakit? Bakit ako nasasaktan kung hindi ako naniniwala?
Kinuha ko ang picture sa kamay ni Katty. At parang gumuho ang puso ko sa nakita. Si Wena na naka hospital gown. Maraming aparatos sa katawan
" Nandyan na din ang address ng hospital. At kung pupunta ka kung sakali hindi madaling makapasok dahil maraming bantay. 7 months na siyang comatose hanggang ngayon hindi padin siya gumigising. Ito lang ang tandaan mo Samantha, mahal na mahal ng Triplets si Wena " dagdag pa nito at inilapit ang mukha sa tenga niya para bulungan siya
" At ang batang nasa sinapupunan nito " pagkatapos niyang sinabi yun ay umalis na ito nang nakangiti parang nanalo sa lotto
Umawang ang bibig ko at mapait na napangiti. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang namumuong pag hikbi at umiling ng paulit ulit para alisinin ang lahat ng pagdududa sa isip ko
Nanglalamig ako pero hindi matawaran kung gaano ka init ang luha sa mga mata kong malayang umaagos. Magdududa pa nga ba Kung nakahain na mismo ang ebidensiya sa harapan ko
At para akong tanga na pilit sinasaktan ang sarili habang pinagmasdan ang mga picture nasa kamay ko. Picture ng triplets at ni Wena. Buntis siya
Tumingala ako. what made you think that were you different Samantha? Baka nga pangpalipas oras ka lang din. Pumikit ako habang patuloy na umaagos ang luha sa mta ko. My heart is crying in pain
YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...