TLH CHAPTER 5
Z DLV
Sunday ng gabi, nagising ako sa tunog ng pag bukas ng pinto. “Oh my gosh!” Gulat na sabi ni mommy at dali daling tumakbo para tulungan akong tumayo. “Are you okay baby?” Tanong pa nya hawak hawak ako sa aking pisngi. Nakita kong nag iba ang reaksyon nya nang magawi ang tingin sa aking sugat sa gilid ng labi.
“I’m okay mommy. Nakatulog lang po ako.” I told her smiling.
“Tara na, para makakain ka na.” Seryosong sabi nya at halatang naiinis.
Tumayo naman ako agad at inakbayan ko pa sya. Alam ko na ang mangyayari mamaya. Dumiretso kame sa kusina kung saan nakahanda na ang hapunan pero wala pa si mama.
“Kumain ka ng marami. Eto pa kanin, dagdagan mo yang nasa plato mo.” Alok nya sa hawak nyang bowl ng kanin. “Mamaya lilinisin natin yang sugat mo ha, wag kang aangal.” Sabi pa nya.
Napangiti nalang ako at hinalikan ko sya sa pisngi. “I’m really okay mom, and I love you so much.” Saka ko sya niyakap para kumalma sya. Ganito kasi si mommy, sobrang bait, caring at sweet nya. Madalas kahit naman mali talaga ang nagawa ko, nagagawa pa rin nyang maging caring sa’kin. Di katulad ni mama na masyadong istrikto kung mag disiplina. Ewan ko ba, minsan tuloy iniisip ko na siguro nung kabataan nya ay ganito rin ang gawain nya tulad sa mga kalokohan ko, at ayaw lang nya akong matulad sa kanya. Tapos malay ko ba, baka nga mas malala pa sya.
“Hi love, I’m….h-home…” Mama’s voice faltered when she finally saw us; mommy and me, dining at the table. Hawak kasi nya ang cellphone kanina at doon nakatingin kaya ngayon lang nya ako nakita.
“Finally.” Seryosong saad ni mommy na naka cross arms pa at sigurado akong masama ang tingin na ipinupukol nito kay mama.
Napanganga nalang si mama na hindi maalis ang tingin sa asawa. Tila nag aalinlangan pa sya kung hahakbang palapit o aatras nalang at babalik sa sinapupunan ng kanyang ina.
Napayuko nalang ako para pigilan ang nagbabantang pag tawa sa kanyang itsura. Oh well, kung gaano ka astig ang mama ko, ganun naman sya katakot sa asawa. Si mommy lang yata ang nag iisang kinatatakutan nya.
“Zy, anak how are you? Ah love…aww!” Hindi pa nakakalapit ng tuluyan si mama para batiin sana ng halik si mommy ay piningot na nya ito sa tenga dahilan para mapangiwi ang isa. “Love masakit!” Reklamo pa nya.
“Ikaw ha! Ang sabi mo sa’kin at hindi pa umuuwi ang anak mo! Nun pala, kinulong mo na naman at sinaktan mo pa talaga!” Galit na sigaw ni mommy pero hindi tinatanggal ang pag hawak sa tenga ni mama.
“Babe masakit, teka, bitiw muna.” Pakiusap nya at ngayon ay pareho na silang nakatayo malapit sa table. “Let me explain love, kasi ano…”
“Kasi ano!?” Sigaw ni mommy kaya napapikit pa si mama sa pagkagulat. “Anong dahilan na naman ang sasabihin mong punyeta ka!”
Muli na naman akong napayuko at kinagat ang aking labi para hindi tuluyang matawa. Like seriously? Sa harapan ko pa sila nag away, pero nakakatawa talaga sila mag away eh, parang comedy lang.
“Babe naman, iyang kasing anak mo…”
“Anak mo rin!! Nakakalimutan mo yata!” Sigaw ulit ni mommy.
“Oh, eh…iyang kasing ANAK ko…” Inemphasize pa talaga nya yung word na anak. “…kasi may pinagtripan yan nung isang gabi. Tapos….ouch! Babe masakit!” Reklamo nya nung mas lalo pang diniin ni mommy ang pag hawak sa tenga nya.
“Pinag tripan? Halika!” Saka nya hinawakan sa damit si mama at hinila patungo siguro sa kwarto nila. “At ikaw ang patitikimin ko ng pinag tripan na sinasabi mo!”
“Sa bed ba ‘yan love? Aray!!!” Pagbibiro pa ni mama pero hinampas lang sya sa braso ni mommy.
“Sino ang may sabi sa’yong sa bed ka matutulog? Dun ka sa couch kung ayaw mong ikulong din kita sa basement!” Rinig kong sabi pa ni mommy bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.
Napailing nalang ako at napangiti. Kahit naman ganun si mama, mahal na mahal ko pa rin yan. Mataas ang pagtingin ang respeto ko sa kanya kahit madalas, below the belt na sya kung makapag disiplina sa’kin. I never love her any less. At syempre si mommy, mahal na mahal ko rin ‘yan. Mabuti nga perfect combination sila. Isang matino at isang hindi, I mean, isang mabait at isang may saltik, I mean, isang caring at isang istrikta. Right.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkain ng wala sa sariling napatingin ako sa fried chicken at spaghetti na nakahain sa table. Parang may bumara sa lalamunan ko ng maalala ang batang iniwan ko sa secret house. Kamusta na kaya sya? Kumain na kaya sya? Natutunan kaya nyang lumabas at mag hagilap ng pwedeng kainin sa kusina at ref? Hays, sana naman.
Hinintay nya kaya ako? Sana nandun pa sya pag balik ko.
Tinapos ko na agad ang pagkain at nag tungo sa kwarto ko para maligo at mag bihis. I need to go there tonight. I need so see her. I need to check kung okay ba sya ‘don. Gosh, what is happening to me?
Sa loob ng dalawang araw na pagkakakulong sa basement, halos mabaliw ako kakaisip. Hindi sa pansarili kong kaligtasan kundi sa batang iniwan ko sa bahay na ‘yon. Malamang naghintay sya sa pagbabalik ko at naglungkot siguro nung hindi ako bumalik bago lumubog ang araw. Sana hindi pa huli ang lahat.
‘Hintay ka lang, parating na ako baby.’ I uttered looking at nothingness pero sa isip ko, naiimagine ko ang cute nyang mukha.
“Zy…” Nagulat akong pagpasok ni mommy sa room ko may dala syang ice pack.
“Mommy.” Bati ko naman sa kanya habang nag lalagay ng gamit sa bag at nag hahandang umalis.
“Aalis ka na naman?” She asked.
“Ah, mommy babalik din po ako agad. May kaylangan lang akong puntahan.” Sagot ko pero lumapit na sya sakin.
“Naku, nakita mo naman kung paano magalit ang mama mo di ba? Tapos aalis ka ulit. Wag muna anak.” Umupo sya sa bed at tinap ang bakanteng space sa tabi nya. Umupo nalang ako at ibinaba ang bag na dadalhin ko sana. “Gamutin natin ang sugat mo.” Saka sya nag umpisang dampian ng ice ang sugat ko sa gilid ng labi.
“Mommy, okay lang po ako.” Habang hawak ko sya sa kamay. “Ito ba?” Turo ko sa aking pasa sa mukha. “Naku, walang wala ito, malayo sa bituka. Eh parang nakiliti lang ako sa ginawa ni mama eh.”
“Ah ganon.” Saka nya diniin ang hawak nyang ice.
“Aww.” Reklamo ko ng makaramdam ng sakit.
“Oh eh akala ko ba nakiliti ka lang, bakit ka umaaray?” Biro nya habang nakangiti. “Wag ka ng mahiya, gamutin na natin yan. Saan pa masakit?” Tanong pa nya habang itinataas ang suot kong damit.
“Mom, wag na. Kaya ko na po.” Pagpigil ko sa pag taas nya ng tshirt ko. Si mommy talaga, kahit ang laki laki ko na bine-baby pa ako. Di naman ako katulad ng pinsan kong si Lee na sadyang pa-baby talaga.
“Wag ka munang umalis. Dito ako matutulog, tabi tayo.” Masuyong saad nya habang pinagpapatuloy ang pag dampi ng ice sa mukha ko.
“Mom, kay mama ka na tumabi. Ayos lang talaga ako.” Pag tanggi kong muli.
“I insist. Miss ko na ang nag iisa kong baby eh.” Pinisil pa nya ang pisngi ko kaya napangiwi nalang ako. “Ayaw mo?” Saka sya nag pout na parang nagtatampo. Eh ano pa nga ba? Mommy ko ‘to eh, hindi ko sya matitiis. Kaya ko ngang pumatay kung may mang-aaway sa kanya. Ganon ko sya sobrang mahal.
Napangiti nalang ako inakbayan sya at hinalikan sa pisngi. “Sige na nga, I miss you too mom.” I told her. Hindi ko na nagawang tanungin kung ano ang parusa nya kay mama pero may idea ako. Isa na don ang sadyang hindi nya pag tabi sa bed, so sorry nalang kay mama, wala munang sex ng ilang gabi.
Yun lang, hindi ko na naman napuntahan ang bata. Di bale, bukas pupuntahan ko sya after ng klase ko.
Kinabukasan, hindi ko na tinapos ang huling klase ko at agad na tumungo sa secret house. Pero parang may tumarak sa puso ko ng makita ang loob ng room; wala na yung bata. Lumabas ako at naghanap sa kusina, sa living room at CR, pero wala pa rin. Nanghihinang napaupo nalang ako sa bed at napatitig sa sulok kung saan sya nanatili habang nakatingin sa’kin at hindi nagsasalita. Malinaw na malinaw pa rin sa utak ko ang kanyang itsura habang pinapanood ako sa lahat ng aking galaw nung araw na nandito sya. Nung pinakain ko sya kahit nahihiya ay kitang kita ko pa rin ang pagiging magana nyang sumubo na parang isang linggo syang hindi nakakain ng maayos. Yung pakiramdam ng kanyang malambot na mukha sa aking mga palad habang minamasdan ko ang kanyang mga mata. Yung pagpahid ko ng kanyang luha ng bigla syang umiyak, at yung tipid nyang pag tango nung sinabi kong babalik ako.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot habang minamasdan ang apat na sulok ng kwartong ito. Nakakabingi ang katahimikan, at parang ang lungkot ng lugar. Hindi katulad dati na wala akong maramdaman na kahit anong emosyon kapag nandito ako. Ngayon, parang ang empty sa pakiramdam.
Napabuntong hininga nalang ako at tumungo sa kusina. May mangilan ngilan na pagkaing nabawas, pati na rin mga chocolates naubos. Pero ayos lang, it means kumain yung bata bago tuluyang umalis. Yumuko ako sa ref para kumuha ng beer. Napangiwi nalang ako ng marealized ko na parang nabawasan ito. Hindi naman sa ugali ko ang magbilang ng stock ng pagkain pero sadyang observant lang ang utak ko. Alam kong sampong lata ng beer ang naiwan ko dito nung last, ngayon ay walo nalang.
Uminom yung bata? Baka naman akala nya juice yung beer na’to? Tsk, paano kung nalasing sya? Kaya sya umalis para hanapin ako? Tapos baka mapahamak sya. Damn!
Dali dali akong pumasok sa kotse at buo ang loob na hanapin ang bata. Hindi ko alam kung saan mag uumpisa pero gusto ko syang mahanap. Naghanap ako sa iba’t ibang lugar, sa mga iskwelahan, palengke at simabahan. Sayang lang at hindi ko sya naisip picturan para sana makapag tanong ako sa mga taong pwedeng makakita sa kanya.
I could also hire a private investigator pero paano? Hindi ko manlang alam ang pangalan nya, or kahit magpakita manlang sana ng picture nya.
Ilang oras oras na akong nag mamaneho, nag tanong tanong sa mga tindahan at kung sino pa ang pwede kong pagtanungan. Pero mangha lang silang napapatingin sa kotse ko at pati na rin sa aking mukha sa twing ibababa ko ang bintana ng sasakyan.
Inabot na ako ng dilim sa paghahanap pero ni isang bakas ng bata, wala pa rin. Hanggang sa napadpad ako sa isang park kung saan marami ang mga batang pulubi na magkakasamang naglalaro kasabay ng pag hingi ng kaunting limos. Ang dudungis ng kanilang itsura at inisa isa ko silang pag masdan pag baba ko ng sasakyan. Nagbabaka sakali na mapadpad dito ang batang pakay ko.
“Bili na po kayo ng sampaguita.” Kalabit ng isang batang babae hawak ang kumpol ng mabango at puting bulaklak. Siguro ay ka edad lang nya ang batang hinahanap ko. Humugot ako sa aking bulsa ng pera at iniabot sa kanya. Hindi ko na tinanggap ang bulaklak na binibigay nya at sinabi ko nalang na umuwi na sya dahil malapit ng umulan.
I let out a deep sigh. Ang dami daming bata dito na pinagkaitan ng maayos na pamumuhay. And god knows kung saan tumutuloy ang mga batang ito. Baka nga hindi na sila kumakain na maayos at malinis na pagkain base sa kanilang payat na katawan.
Paano na kaya sya? Nasaan na kaya sya ngayon? Tanong ko sa hangin habang nakatingin sa kawalan. At napasandal nalang sa isang malaking puno. Napatingin ako sa katawan ng puno na ‘yon at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahil inilabas ko ang isang maliit na kutsildo sa mula sa aking bulsa. Inukitan ko ‘yon ng letter ‘Z’.
Gusto ko pa sanang manatili sa lugar pero naramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Pagpasok ko sa kotse, ay sya namang pagbuhos ng tubig mula sa nagdidilim na langit. Napahawak ako sa manibela ng sasakyan at napayuko. I closed my eyes para lang muling mapadilat, kahit nakapikit ako, mukha pa rin nya ang nakikita ko. Damn! What is happening to me?
Napatingin muli ako sa bintana ng sasakyan at minasdan ang mga batang nagtatakbuhan hawak ang karton na nakapatong sa kanilang ulo para maiwasan ang pagbagsak ng ulan. Yung iba naman ay nag enjoy nalang sa paliligo at paglalaro sa ulan. May iba rin na nagkumpulan sa silong ng isang puno, pero basing basa na rin sila.
Muling akong napapikit. ‘Basa ka rin ba sa ulan kagaya nila?’ Tanong ko na parang nakikita ko ang itsura ng bata sa isip ko. Muli nalang akong nag maneho pauwi bago pa abutan ng pag taas ng tubig at baha.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
Genç Kız EdebiyatıCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...