6

15.8K 548 52
                                    

TLH CHAPTER 6

Bree

“Mommy…” Tawag ko kay mommy habang inaapoy ng lagnat. Nandito pa rin ako sa waiting shed. Nagising ako pero nanginginig ako sa lamig. “Daddy…” Tawag ko naman sa aking ama at nararamdaman ko ang mainit na luha na lumalandas sa aking pisngi habang mag isang nakahiga dito sa silong na kumupkop sa’kin ngayong gabi.

“Z…” Muling kong tawag sa isang pangalan na inaasahan kong pwedeng tumulong sa’kin pero hindi pa rin sya dumadating. “Z…sunduin mo ako dito…” I uttered again in between sobs. Parang hindi pa mawala sa isip ko yung magandang itsura nya habang nakangiti. At yung mata nyang kulay asul pero bumagay sa maganda nyang mukha. I need some help, at kahit anong tawag ko sa aking mga magulang ay alam kong hindi nila ako matutulungan dahil wala na sila.

‘Kuhanin mo na din ako please…’ I said looking at the dark sky above. ‘Wag mo na akong pahirapan, dalhin mo na ako kay mommy at kay daddy.’ Sabi ko pa kasabay ng mga paghikbi.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata, na parang hinihintay ko nalang na malagutan ako ng hininga at hindi na abutan pa ng bukas. Sumusuko na ang aking katawan, kasabay ng pag suko ng aking isipin. Ang puso ko naman…gustong sumuko na rin, pero may isang mukha na nakikita ang aking isip, she smiles a playful smile. Ramdam ko pa ang lambot ng kanyang palad na humahaplos sa aking mukha, pati ang masuyong pag pahid nya ng aking luha. Ramdam ko ang init ng tubig na lumalabas sa aking mga mata, kasabay nang pagkawala ng aking gunita.

Sa pagmulat kong muli ng aking mata, nagulat ako at napabangon sa hindi pamilyar na lugar. ‘Nasan ako?’ Tanong ng aking sarili.

Nasa isang konkretong bahay ako, pero halatang makalat dahil sa dami ng gamit, mga damit at kung ano ano pang nakakalat sa lugar. May kaliitan lang ito, at yung pintura na dating puti ngayon ay ang dumi na. Nilinga ko ang paligid, nakaupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Napahawak ako sa aking sarili. Kumpleto pa naman ang suot kong damit kahit madumi. Mainit pa rin ang timpla ng aking katawan at hindi pa rin bumabalik ang aking lakas.

“Oh, gising ka na pala.” Sabi ng isang babae na tingin ko ay ka-edad ni mommy. May kulay ang kanyang buhok na nakatali, nakasuot sya ng sando na kita na halos ang suot nyang bra sa sobrang nipis nito. Manipis ang kilay at may makapal na pulang lipstick.

Nilapitan nya ako at dinampi ang palad sa aking noo dahilan para bahayang mapaatras ako. “Naku, mainit ka pa pero lagnat laki lang yan.” Sabi pa nya pagkatapos i-check ang noo ko. “Teka ha.” Saka sya pumasok sa isang kwarto na kurtina lang ang nagsisilbing pinto. Paglabas nya, dumiretso sya sa kusina at muling bumalik sa pwesto ko dala ang isang tasa na sa tingin ko ay kape.

“Oh, para mainitan ang sikmura mo. Saka eto pandesal…” Saka nya inabot ang tasa ang bag na gawa sa papel ng naglalaman ng pansesal. Kinuha ko iyon habang minamasdan ang babae na umupo ngayon sa kabilang side ng upuan na gawa pa rin sa kawayan.

“Anong pangalan mo?” Pagkuway tanong nya at matamang nakatingin sa’kin. Hindi ko alam kung sasagot ako o mananatiling tahimik katulad ng ginawa ko kay Z. Pero naisip ko nalang na sumagot.

“Bree.” Tipid kong sagot kasabay ng pag higop sa mainit na kape at pag kuha ng pandesal sa supot.

“Bree, ako si Ate Rose.” Pagpapakilala nya sa kanyang sarili. May dinampot syang bagay sa kanyang gilid, kumuha pala sya ng sigarilyo at saka sinindihan. “Ilang taon ka na Bree?” Tanong pa nya saka bumuga ng usok sa tapat ng bintana sa tabi nya.

“Fifteen po.” Sagot ko.

“Hmm..” Saka sya napatingin sa kabuuan ko. “Maganda ka ha, kahit ang bata mo pa. Bakit ka pala nag iisa, nasan ang mga magulang mo?”

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon