7

15.4K 519 91
                                    

TLH CHAPTER 7

Zianne ‘Z’ Dela Vega

“What happened?” Tanong ni tita Ryne. Ang tinutukoy nya ay ang pasa ko sa gilid ng aking labi. Hindi na ako nagtaka kung bakit nandito sya ngayon sa bahay dahil magkapit bahay lang naman kame at normal sa pamilya namin ang dumalaw sa bahay ng isa’t isa ng walang dahilan.

“Hmm…naunahan kasi ako tita eh.” Sagot ko nalang saka ako humalik sa kanyang pisngi. Nandito kami ngayon sa living room at tinabihan ko muna sya sa pag upo sa couch dahil ngayon ko lang ulit sya nakita.

Tumaas ang kilay nya. “Oh, really? Ikaw pa maunahan.” Saka sya napahawak sa baba nya na parang nag iisip. “You can lie to everyone but not to me Zy, it was my cousin right?”

Natawa nalang ako. She’s one hella gorgeous and smart woman that’s why I really love this aunt of mine. “Tita, malayo po ito sa bituka.”

She nodded. “So what happened?”

Umupo ako ng maayos at sumandal sa headrest ng couch. “Hindi ako nakauwi nung Friday night.”

“I know. I mean, what really happened that night Zy? Bakit mo pinag tripan yung lalake?” Tanong pa nya.

Hindi na rin ako nagtaka kung paano nya nalaman ang ganitong impormasyon. Well, si tita Ryne kasi parang alam nya ang lahat. Tinanong ko minsan si mommy kung bakit ganun si tita, sabi lang nya ay matalino daw kasi ito. That’s why bukod kay mama, ay idol ko rin si tita.

“Tita… I saved a girl from being raped.” Simpleng sagot ko kaya napatingin sya sa’kin.

“So that explains…why you killed that guy.” She said looking at me.

I nodded. At nagulat nalang ako ng ngumiti sya at bigla nya akong niyakap. “Good job, I’m so proud of you Zy.” Saka nya bahagyang ginulo ang buhok ko.

“Thank you tita.” Saka ako biglang napayuko nang maramdaman ko ang lungkot. Mabuti pa sya proud sa’kin, nagawa nya akong tanungin kung ano ang totoong nangyare nung gabi na ‘yon. Unlike kay mama, sinaktan nya ako kaagad. Hindi manlang nya ako pinag explain kung bakit ko iyon nagawa. Wala kasing tiwala sa’kin si mama eh. Hindi sya believe sa’kin. Akala nya, puro kalokohan lang ang alam kong gawin.

“You really did a great job. Your parents should be proud of you. Don’t worry, I’m gonna talk to Kianne.” Nakangiti nyang sabi.

“Wag na tita.” Pagtanggi ko. “Saka, nagkataon lang naman ‘yon. Siguro eh, iyon lang ang maituturing na matinong bagay na nagawa ko sa buong buhay ko.”

Nakita ko naman na nag iba ang reaksyon ng kanyang mukha. “You really made me proud Zy.” Saka nya ako inakbayan. “Don’t be too hard on yourself. You should be proud of yourself too.”

Napangiti nalang ako. “Thanks…for believing in me.”

Hinawakan nya ako sa mukha at masuyong hinaplos ang aking pisngi. “Your mama loves you, don’t ever think that she loves you any less.” She smiled, hinalikan nya ako sa pisngi. “ I have to go.”  Paalam nya at umalis na.

Kinabukasan, muli akong pumunta sa park na pinuntahan ko kahapon. Ewan ko basa sarili ko kung bakit ko pa ba ito ginagawa. I have all the time in the world para maglaro, mambabae at kung ano pang trip ko sa buhay. Pangatlong beses ko na itong pag punta dito sa park after school. Tumatambay ako ng ilang oras, minamasdan ang mga batang naglalaro at namamalimos. My heart silently praying that I might see her here. Simula nang gabi na makilala ko sya, hindi na maalis sa isip ko ang kanyang mukha.

Hindi ko rin ugali na mag alala sa ibang tao. I only care for those members of my family and no one else, but what am I doing right now? Bakit ba ako nag aalala sa batang iyon?

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon