8

15.2K 528 85
                                    

TLH CHAPTER 8

Briana Cassandra ‘Bree’ Montalban

I was smiling in silence while watching Zy walking away from me. Masaya, kasi muli na kaming nagkita but at the same time malungkot. Siguro dahil hindi ko na ulit alam kung magkikita pa ba ulit kame after nito. I still don’t trust her though, pero hindi ko rin maintindihan, for some reasons magaan ang loob ko sa kanya.

I wanted to think na sinadya nya akong hanapin, that’s why she came unexpectedly kanina. Pero pilit ko iyong inaalis sa isip ko dahil ayoko nang umasa, at masaktan lang sa bandang huli.

Masaktan? Teka, bakit ba ako masasaktan? Sino ba si Zy sa buhay ko? For sure natutuwa lang sya sa isang katulad ko dahil tingin nya sa’kin ay bata. Baka gusto lang nyang maging ate ko sya. But hell no, I don’t want her like that.

Then what do you want her to be? Tanong ng aking isipan.

Kalansing ng mga nahulog na piso ang nagpa-gising sa akin mula sa malalim nap ag iisip. Kung nakikita ko lang ang aking sarili ngayon, hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa. Sa isang iglap, bumaliktad ang mundo ko. Kung dati ay isa akong prinsesa, ngayon ay isa na akong pulubi. Ang dami ko ring bagay na natutunan, isa na doon ay wag basta magtiwala sa iba. Pangalawa ay ang maranasan ang magutom at mauhaw. Ganito pala ang pakiramdam ng walang wala ka. Yung hindi mo alam kung bukas kaya ay makakakain ka pa or magugutom ulit.

Wala sa sariling napatingin ako sa disposable cup na nasa aking harap na nasa kalahati na ang barya na nasa loob nito. Kinuha ko ang lahat ng laman noon at at masayang binilang ng patago. Luminga linga muna ako sa paligid para masigurado na walang mga kotrabidang katulad ng tatlong babae na nanakit sa akin kahapon. I counted the coins, 53 pesos lahat. Gosh, hindi manlang makakabili ito ng isang happy meal sa fastfood ah. But nevertheless, masaya pa rin ako sa kaunting biyaya na maibibigay ko kay lola Miling, and besides, maaga pa naman. Tyak na mas marami pa ito mamayang hapon.

Pagdating ng hapon, masaya kaming naglakad ni Lola pauwi sa munti naming tirahan doon sa underpass. Ang aking napalimos na umabot sa mahigit dalawang daang piso na ang iba ay pinambili namin ng bigas, at ang natirang 150 pesos ay binigay sa’kin ni lola para daw ipunin ko at magamit pag kinailangan. Masaya rin naming pinag saluhan ang take out kanina na natirang pagkain at iyon ang ginawang ulam. Nakilala ko rin ang ilan sa mga bata na nakatira kasama namin doon. Natutuwa nga sila dahil daw mas malaki ang napapalimos ko kaysa sa kanila. Mabuti nalang at hindi sila katulad ng tatlong babaeng umaway sa’kin nung nakaraan. At kahit hindi ako marunong makipag laro sa mga batang katulad nila, bilang pampalipas ng oras at pampatay ng lumbay, natuto rin akong makihalubilo, makipag tawanan at makipag kantahan sa mga batang pulubi na katulad kong naroroon.

Kinabukasan, muli kaming bumalik sa park ni lola Miling. Dun muli ako pumwesto sa ilalim ng puno kung saan may marka si Zy. Napapangiti nalang ako everytime makikita ko ang pangalan nya na nakaukit sa puno. Ewan ko ba, bakit may ganitong epekto sa’kin ang babaeng iyon. May kakaiba rin sa kanya, bukod sa angat ang ganda nya, at halatang nagsusumigaw ang karangyaan sa kanyang porma, there is something about her na parang nakakakuha ng interest ko. Mabait naman si Zy, but I just couldn’t make the same mistake twice na magtiwala pero kapahamakan lang pala ang kapalit ng kabaitan at pagtulong ng iba. Lalo pa at maraming tao ang halang at walang kaluluwa makuha lang ang gusto nila.

Gusto ko sanang sumama sa kanya nung kinukuha nya ako para muling iuwi sa bahay nya kahapon. I almost gave in yesterday just thinking about getting hurt by random strangers, at ang mamroblema ng kakainin sa sa mga susunod na pagkalam ng sikmura, at pag takbo sa twing babagsak ang nagagalit na ulan, ang matulog sa mabaho, madumi, at malamig na sahig, ang magtiis sa ilalim ng init ng araw para mamalimos ng pambili ng pagkain para mabuhay.  I know Zy could give me things I need for survival. Pero ang tanong, bakit nya iyon ginagawa? Kung sana nakasagot manlang sya kahapon, I could ask lola Miling to come with me at sasama nalang kame kay Zy. Kaso, hindi sya nakasagot. It means, she might want to get something in return kapalit  ng mga tulong na binibigay nya sa’kin.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon