TLH CHAPTER 11
Z DLV
It’s Sunday at maaga palang nagpaalam na ako kina mommy at mama na umalis dahil may usapan kami ni Bree na ililibre nya ako ngayong araw.
Excited!
Ayoko nang isipin kung bakit, ang alam ko lang, nothing compares to the serenity and amusement na hatid sa akin ng batang iyon.
“Bye mommy.” Humalik ako sa pisngi ni mom habang nag aayos sya ng mga halaman sa garden kung saan malapit ang parking ng bahay.
“I love you anak.” She smiled at me too habang nakatingin ng makahulugan.
Sasakay na sana ako ng car pero lumapit pa ulit ako kay mommy at niyakap patalikod saka muling humalik sa kanyang sa kanyang pisngi.
“Gagabihin ka na naman ba?” Tanong nya habang nakayakap pa rin ako sa kanyang likod. Ang totoo ay kilala ako ni mommy kapag naglalambing, madalas ay may dahilan like gagabihin ako at sya na ang bahalang magtakip sa’kin kay mama.
“Uhm…di naman siguro mommy. Masama bang maglambing sa pinaka magandang mommy sa balat ng lupa?” Biro ko sa kanya.
“Oh sya, tama na ang pambobola. Ako nang bahala sa mama mo kapag hinanap ka na naman.” Saka sya ngumiti sa’kin.
“I love you mom, bye.” Saka ako tumalikod at sumakay sa kotse.
Nakarating na ako sa lugar pero wala pa si Bree. I looked at my watch, it’s 8 in the morning. Baka masyado pa akong napaaga. Napasulyap nalang ako sa dagat sa harap kung saan mas tumingkad ang kulay nitong asul habang tumatama sa araw. Ang ganda ng panahon ngayon, parang yung pakiramdam ko lang.
Pero ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng pagkamangha ng sumulpot sa aking harap ang isang dalagita. Suot nya ang damit na binigay ko sa kanya. Isang simpleng dress na bumagay sa maputi nyang balat. Nakaayos rin ang kanyang buhok ngayon, hindi tulad nung mga nakakaraan na ang gulo at parang hindi sinusuklay. Pansin ko rin sa mga kilos nya na hindi sya naiilang sa suot nya to think na isa lamang syang pulubi, pero sa itsura nya ngayon, mukha syang isang prinsesa.
“Wow.” Wala sa sariling sambit ko nang makalapit na sya.
“Maka-wow ka naman dyan.” Biro nya at umupo sa tabi ko.
“Ang ganda mo.” Sabi ko pa habang nakatitig sa kanya. Ngumiti lang sya. “Mabuti naman at sinuot mo ang bigay ko sa’yo.”
Napalatak sya. “Ngayon lang ‘to, nakaka-trauma kasi yung ginawa ng guard kahapon eh.”
“Bagay sa’yo. Mas lalo kang gumanda ngayon.” I told her.
Inirapan lang nya ako at tumayo. “Tara na nga!”
“Saan?”
“Di ba ililibre kita?”
Napangiti naman ako at tumayo sa harap nya. “Are you asking me out on a date?”
She rolled her eyes. “Kakain lang tayo ng fishball, maka-date ka naman dyan.” Saka sya tumalikod at naglakad palayo.
Hinabol ko sya, inakbayan at ninakawan ng halik sa pisngi.
“Hoy!” Hahampasin nya sana ako sa braso pero nakaiwas ako agad.
“Nah ah…tara na.” Saka ko nalang sya muling inakbayan, pero tinutulak lang nya ako para ilayo sa katawan nya kaya sinubsob ko nalang ang mukha nya sa dibdib ko.
“Zy ano ba?!” Reklamo nya pa pero naglalakad na rin naman pasunod sa’kin.
“Mag de-date pa tayo, kaya bilisan mo dyan pandak.” Biro ko pa sa kanya habang akbay akbay ko pa rin. “Aray naman Bree!” Naramdaman ko lang naman ang pag baon ng kanyang ngipin sa aking tagliran.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
Chick-LitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...