TLH CHAPTER 12
Z DLV
Kakatapos ko lang puntahan si Bree kanina sa park at binigyan ko nalang ng pagkain na tinake out ko sa isang fastfood. Maaga ako umuwi sa bahay dahil kakarating lang ni Mama galing sa business trip ng halos dalawang linggo. Ayoko namang ma-badshot agad, kakasabi pa naman ni mommy na gusto nyang mag bonding kami over dinner mamaya.
Palabas ako ng room para hanapin si mommy ng makita ko ang isang pigura ng bratinella kong pinsan na basta nalang pumasok sa bahay na para bang bahay din nya ‘to.
“Oh hey, may bwisita pala tayo.” Bati ko kay Princess Lee, ang pinsan kong brat na anak ni tita Ryne at tita Ash. Hinarang ko pa ang sarili ko sa kanya.
“Lihis! Hindi ikaw ang pakay ko dito.” Hinila pa nya ako paalis sa daraanan nya.
Natawa nalang ako at napailing. “Ang lakas talaga ng pang amoy mo sa imported na chocolates at pabango.”
Tumaas ang kilay nya. “Excuse me? Nakuha ko na ang pasalubong ko kay tita Kianne kagabi.” Saka sya naglakad ang iginala ang mata sa paligid. “Inggit ka lang kasi baka wala kang pasalubong na bagong gadget no?” Dagdag pa nya.
Dinaan ko nalang sa malakas na pag tawa ang pang aasar nya at napailing na umupo sa couch. Well, close naman kasi talaga sila ni Mama pati na rin kay mommy. Mommy din ang tawag nya sa mommy ko, at parang dito na rin sya nakatira dahil may sarili syang kwarto dito. Yung isang guestroom ay ginawa nyang kwarto nya at nilagyan ng mga gamit at ilang damit. Oh di ba? Brat na brat lang.
Nakita kong lumabas si mommy galing siguro sa kitchen. Agad namang bumati si Princess at hinanap si mama.
“Kianne!!!” Malakas na tawag ni mommy sa asawa.
I mentally counted 1, 2, 3, 4,…5.
“Hey! May sunog ba love?” Paglabas ni mama sa lungga nya. I knew it, wala pang 5 seconds lalabas at lalabas talaga sya pag si mommy ang tumawag sa kanya.
Agad napangiti si Mama nang makita si Princess. “Oh, nandito pala ang prinsesa. Masyado mo akong namiss ah, hmm..let me guess, napagalitan ka na naman ba?” Sabi ni mama kay Lee na ngayon ay masayang nag yayakapan. Umupo sila sa couch na parang hindi ako nakikita.
“Laro lang muna ako ng video games sa kwarto. Excuse me po.” I excused myself kesa naman ma out of place sa tagpong iyon. Hindi naman sa nagseselos ako sa pinsan ko na mas close pa yata sa parents ko lalo na kay mama, pero nakakalungkot lang na hindi kami ganun kalambing at kaclose sa isa’t isa ng mama ko.
Pagkatapos mag dinner ay tumambay na muna ako sa pool area dahil nagkwe-kwentuhan pa sila kanina. I opened the gallery of my phone, at ang seryoso kong mukha ay napalitan ng pag ngiti while looking at her picture.
“Bree…” I uttrered. I scrolled to the left, at picture naman naming dalawa ang nakita ko.
“Wag mo nga akong picturan Zy! Nakakainis ka naman eh.” Protesta ni Bree nang mahuli nya akong kumuha ng stolen shot nya habang nandito kami sa park.
“Sige, na oh isang picture lang.” Pakiusap ko sa kanya.
“Isa lang ha.” Sabi naman nya at nag smile naman agad na tumingin sa camera. “Tingin nga.” Sabi pa nya after ko sya kuhanan ng pic.
“Selfie tayo.” Iniangat ko ang phone para kuhanan kaming dalawa at hindi naman sya nag reklamo. May picture kaming nakangiti, naka wacky, at meron din na nakahalik ako sa pisngi nya.”
“Hoy! Nananamantala ka na talaga.” Reklamo nya after nyang makita ang picture namin na nakakiss ako sa kanya.
Binaba ko muna ang phone sa gilid at nag isip. Ano kaya ang ginagawa ni Bree ngayon? Nabusog kaya sila ni lola sa binigay kong pagkain kanina? Baka naman nilalamok sya sa lugar na tinutuluyan nila. Papaano ko kaya sya mapapapayag na sumama sa’kin sa secret house?
“Hey…”
Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses, si Princess pala at kaagad itong tumabi sa’kin at ginaya ang ginawa kong pag babad ng paa sa pool. “What’s on your mind?”
“Nothing much.” I told her.
“Naiinis ka ba sa’kin pag naglalambing ako sa mama mo? Yung totoo Zianne?” Tanong ni Lee.
Napasulyap tuloy ako sa kanya. “No, hindi ako naiinis and it’s true Princess.” Minsan naiisip ko rin na ikwento nalang ang tungkol kay Bree sa pinsan ko, pero dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nabisto na nang pamilya namin ang tungkol sa kanya at kay Shan, naiisip kong sarilinin nalang ang tungkol sa kanya. “It’s just that, I couldn’t stop myself from thinking kung paano ko ba sya ma-please. Well, yaan mo na nga. Nevermind nalang.” Sabi ko nalang para hindi na muli sya magtanong dahil sigurado akong kukulitin lang nya ako pag hindi ako sumagot.
“Zy, wag mong isipin na hindi sya natutuwa sa’yo or whatever.” Saka nya ako inakbayan. “Pareho lang naman tayo ng sitwasyon, ikaw close mo ang mama ko, natutuwa sya sa’yo kasi magaling ka raw at matalino katulad nya, tapos ako laging mali ko lang ang nakikita nya. Same same lang yan Zy.” Paliwanag nya.
“Really? Di ka ba nalulungkot pag disappointed sayo ang mama mo?” I asked her.
“Nalulungkot. Ayoko sana syang madisappoint hanggat maaari, pero nasa dugo ata natin ang maging pasaway eh.” Buhat dun ay bigla nalang kaming nagkatawanan. Inakbayan ko sya at sya naman ay hinilig ang kanyang ulo sa balikat ko. Well, kahit pasaway naman talaga ang pinsan ko, mahal na mahal ko pa rin ‘to.
Biglang nag ring ang phone ni Princess at sinagot naman nya iyon. At base sa narinig kong usapan nila, si Shan ang nasa kabilang linya at parang gusto nitong pumunta sa isang party pero ayaw pumayag ni Princess.
“Lets go then.” I told her.
Magpoprotesta pa sana sya pero at the end of the night, naconvince ko pa rin naman si Lee na pumunta at samahan si Shan.
Sabado ng umaga, muli kong pinuntahan si Bree sa park pero halos isang oras na ang nakakalipas, hindi pa rin sya dumadating pwesto namin sa ilalim ng puno. Sa pag aalala ko ay nangahas na ako na puntahan sya sa lugar kung saan sila tumutuloy ni lola Miling.
Naabutan ko syang pinupunasan ang noo ng matanda habang nakahiga naman si lola sa karton.
“Bree…” Tawag ko sa kanyang pansin na nagpalingon sa kanya. Pansin kong ang haggard ng itsura nya ngayon at parang wala itong tulog. “Anong nangyari kay lola?” Nag aalala kong tanong.
“Nilalagnat si lola eh.” Sagot naman ni Bree.
“Zy, ipapasyal mo ba ulit ang apo ko? Bree sumama ka na at ayos lang naman ako dito.” Sabi naman ni lola Miling.
“La, dito lang po ako hanggat gumaling kayo.” Sagot naman ni Bree.
“Kumain na ba kayo? May dala akong pagkain oh. Kain muna kayo.” Saka ko inilapit ang kanina ko pa biniling pagkain sa kanila.
“Hindi pa nga eh, lola kain muna kayo.” Si Bree na inalalayang tumayo si Lola. Sumunod naman ang matanda at tumayo. Pinagsaluhan nila ang pagkain na binili ko habang ako ay nagpaalam muna na umalis at bumili ng gamot. Gusto pa nga sanang sumama ni Bree pero ayoko naman syang payagan para makakain sya ng maayos.
Gusto ko rin sanang dalhin sa ospital si lola Miling para ma-check up na rin ang matanda pero mas matigas pa yata ang ulo nito kesa kay Bree. Ayaw daw nya sa mga pagamutan at ospital dahil baka mas lalo syang mamatay sa ganung klaseng lugar.
“Anong iniisip mo?” Tanong ko kay Bree habang nakaupo na kami ngayon dito sa ilalim ng puno. Nagpumilit na naman kasi syang manlimos kahit binibigyan ko naman sya ng pera. Sang sabi nya ay natutuwa rin sya sa twing maririnig ang kalansing ng barya na bumabagsak sa baso nya dahil parang nakakawala ito ng lumbay. Wala akong nagawa kundi samahan nalang sya.
“Si lola, nag aalala lang ako kasi parang lumalala ang sakit nya.” Simple nyang sagot habang nag dra-draing sa lupa gamit ang isang stick.
“Bree, dun nalang kasi kayo sa bahay ko. Mas safe don, malinis at ako nang bahala sa pagkain, damit—“
“Zy, alam mo namang hindi pwede di ba?” Putol nya sa sinasabi ko.
“Kung ganun, tanggapin mo nalang ang tulong kong pera sa inyo.” Sabi ko nalang kesa magtalo pa kami.
“Pag kaylnagang kaylangan na talaga.” Simpleng sagot nya.
Nasa ganun kaming paguusap ng biglang may tumawag sa kanya.
“Bree!” Tawag ng isang binatilyong tingin ko ay kaedad ko lang pero mas matangkad ako sa kanya. Mukha rin itong gusgusin na parang kargador ang itsura dahil sa matipuno nitong katawan. “Nandito ka na pala, sabi ng boss ko pwede ka na daw magsimula sa trabaho.” Sabi pa nito na ikinataas ng kilay ko.
“Talaga? Ngayon na?” Masayang tanong ni Bree.
“Oo…” Sagot ng binatilyong mukhang hindi mapagkakatiwalaan.
“Hindi.” I answered saka ako tumayo at lumapit sa lalake na hanggang ilong ko lang yata ang tangkad nya.
“Ha?”
“Ang sabi ko, hindi.” Pag uulit ko pa.
“Zy!” SIgaw ni Bree sabay hawak sa braso ko. “Umupo ka na nga lang. Arjay sige papasok na ako—“
Tinakpan ko ang bibig ni Bree. “Nah ah, hindi sya papasok sa kung ano mang trabaho ‘yon.” Saka ako nakipag sukatan ng tingin sa lalake.
“Sino ka ba ha?”
Sukat sa tanong nya ay tumawa ako ng malakas. Ayoko nang tinatanong ako kung sino ako dahil madalas ay hindi nila nagugustuhan ang nagiging sagot ko.
“Ako? Ako lang naman ang nagsasabing hindi papasok sa trabaho si Bree. At makakaalis ka na.” Pagtataboy ko sa kanya.
“Zy naman!” Reklamo ni Bree. “Magta-trabaho ako ng mas maayos, ayaw mo ba ‘yon?”
“Hep! Kung gusto mong magtrabaho, sa’kin ka.” Saka ako muling bumaling sa lalake. “Oh, nandito ka pa pala. Bakit di ka pa umaalis?”
“Sino ka ba para diktahan si Bree ha?” Galit na tanong ng lalaki.
Sasapakin ko na sana pero nakita kong niyakap ni Bree ang katawan ko dahilan para hindi ako makakilos.
“Arjay, alis ka na. Mag uusap muna kami.” Sabi pa ni Bree. Masamang tingin ang pinukol sakin ng lalake bago tumalikod at umalis. “Ikaw! Sino ka para makialam sa’kin ha?” Galit sa sabi ni Bree pagkaalis ng lalaki.
“Anong trabaho ang papasukin mo ha? At hindi mo manlang sinabi sa’kin?” Iritang tanong ko naman sa kanya.
Napataas ang kilay nya. “Wow ah, makapag tanong ka, bakit ano ba kita para ipaalam ko sa’yo ang lahat?”
“Ano mo ‘ko? Akin ka lang Bree.” Nabigla kong sagot sa kanya.
“Anong sabi mo? Hindi ako sa’yo Zy at eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya ayaw kong tumanggap ng tulong mo dahil katulad ka rin ng iba, may hinihintay na kapalit!” Inis na sigaw nya sa’kin.
I clenched my jaw and trust me, I gathered all my strength para pigilan ang sarili kong buhatin ang batang ‘to at isakay sa kotse, at ikulong sa secret house ko para hindi na makapalag. But I can’t dahil hindi pa ito ang tamang oras.
“Akin ka lang Bree! At hindi ako katulad ng ibang may masamang intensyon sa’yo. Ano? Yun ba?” Saka ko tinuro ang direksyon ng lalakeng umalis kanina. “Dun sa lalakeng mukhang adik na yon, dun ka magtitiwala?”
“Hindi sya adik! Mabait si Arjay at hindi sya katulad ng ibang lalake dyan. Kahapon nasan ka ha? Ay oo nga pala, sino ba naman ako para maghanap sa’yo? Montik lang naman akong manakawan at mabastos pero mabuti nalang at biglang dumating si Arjay at pinagtanggol ako. Hinatid nya rin ako sa bahay ng walang labis at kulang.” Inis na saad ni Bree.
“Bree? Seriously? Oo wala ako kahapon dahil may practice kame. Sa ilang beses na napahamak ka pero ako ang dumating, ngayon mo pa ako susumbatan ng ganyan dahil lang pinagtanggol ka ng lalakeng iyon?” Pasigaw ko rin na sagot sa kanya.
She let out a deep sigh. “Oo alam kong marami kang naitulong Zy, pero hindi naman tama na pakialaman mo ang lahat sa buhay ko. Gusto kong tumayo sa sarili kong paa, magtrabaho, pero heto ka at ginugulo mo ako!” Sigaw nya.
At sukat don ay tuluyang nagdilim ang paningin ko. Tinulak ko sya sa puno at hinalikan sa labi. Mapusok na halik habang hawak hawak ko ang pareho nyang kamay. Ayaw nyang sumabay sa halik ko pero dahil inubos nya ang pasensya ko ay hindi ako titigil hanggat hindi sya nagiging akin.
I bit her lips, napaawang naman sya giving me an entrance to enter my tongue. I tongue-kiss her kahit second time ko palang matikman ang lips nya. I don’t care!
Ilang saglit pa ay sumabay sya sa halik, na nagpakalma sa sistema ko. Kaya ang mapusok ay napalitan ng masuyong halik. I gently licked her upper and lower lips kasabay ng pag bitaw ng kanyang kamay. Then we stopped kissing at nagkadikit ang aming noo.
“I’m sorry…” Sabi ko habang nakayuko. At bigla nalang tumulo ang kanyang luha sa mga mata. Tumalikod ito at tumakbo palayo at naiwan akong mag isa sa ilalim ng puno. Sa inis ko ay sinipa ko nalang ang isang nananahimik na bato at napasabunot sa sarili.
“What the hell Zy?” Ang tanging naitanong ko sa aking sarili.
Umuwi nalang ako at agad na nagbihis para sa lakad namin ni Shan at Lee, sa pool party ng mga varsities at mga cheerleaders sa school. I wanna get drunk and get laid tonight. Tama naman si Bree di ba? Sino ba ako sa kanya para makialam sa mga ginagawa nya. Masama bang maging concerned sa taong pag aari ko naman? Oh yeah, she’s gonna be mine, by hook or by crook. I’m going to make her mine.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...