14

13.3K 490 31
                                    

TLH CHAPTER 14

Z

Hawak ang manibela ng sasakyan sa isa kong kamay at ang isa naman ay nakasuklay sa aking ulo. Ganito ang itsura ko ngayon habang nag hihintay mag green ang ilaw sa stop light. Palubog palang ang araw matapos kong ihatid kanina si Lee sa bahay ay nagkainitan na naman kami ni mama. Bigla kasing nareformat ang laptop nya at isinisisi nya ‘yon sa’kin dahil daw sa pag penetrate ko ng firewall ng network namin.

Kaasar! Ako na naman ang nakita nya.

Kaya sa inis ko ay nag drive nalang akong muli palabas ng bahay. Magpapahangin muna ako para magpalamig kesa mag clash ulit kami ni mama.

Awtomatikong napahinto nalang ako sa park kung saan kami galing kanina ng pinsan ko, at kung saan ay palagi kaming pumupunta ni Bree. Halos pagabi na at sa mga oras na ‘to ay siguradong nakauwi na ang batang ‘yon.

Umupo ako sa swing at doon ay inabala ang sarili sa pag mamasid sa paligid. Magsisindi sana ako ng yosi pero ayaw gumana ng lighter ko kaya binuksan ko nalang ang mineral water na binili ko habang traffic kanina sa daan at nakuntentong uminom. Minsan naiisip ko na hindi kaya dahil kakaiba ako? Kaya ganito sa’kin si mama? Pero anak naman nya ako at dapat tanggap nya ‘yon katulad ng pagtanggap ko sa sarili ko, at pati na rin si mommy.

Wala sa sariling napatayo ako upang mag lakad lakad sa paligid. Mga batang naglalaro, mag jowang namamasyal, mga nagtitinda ng pagkain at kung ano ano pa, ganyan inaabala ng mga tao sa paligid ang oras nila habang nandito sa park.

Pero napahinto ako ng mapatingin sa puno kung saan ay palaging nakapwesto si Bree. At kung hindi ako nagkakamali ay sya ang nakikita kong pigura ng isang babae habang nakadukdok sa stuff toy na may kalakihan. Binilisan ko ang lakad at huminto sa malapit. Sakto naman na nag angat ito ng mukha at nagpahid ng luha.

Sya nga… Si Bree na parang kawawang umiiyak mag isa yakap yakap ang teddy bear na binigay ko sa kanya.

Pero bakit?

“Ikaw nalang ang meron ako ngayon…” Kausap nya sa teddy bear na hawak nya.

At buhat sa narinig ay halos takasan na ako ng dugo sa katawan dahil alam ko na ang dahilan ng kanyang pag luha. Si lola Miling, tuluyan na syang iniwan.

“Wag mo ako iiwan ha?” Tanong pa nya kay Breezy na para bang sasagot ito.

Humakbang ako palapit sa kanya. “Oo naman…” I told her at walang sabi-sabing sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap kaya muli ay pumalahaw na naman ito ng pag iyak habang nakayakap na rin sa’kin. Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kalagayan nya ngayon, sa mura nyang edad ay naranasan nya ang masasakit na pangyayari sa kanyang buhay na hinaharap nya kahit mag isa. Una ang pagkawala ng magulang nya, dahil daw sa aksidente, at pangalawa ay pag panaw ng taong itinuring nyang totoong lola.

“Zy…” Tawag nya sa’kin habang humuhikbi na para ba itong nag susumbong.

“Ssshhh… I’m here.” Pag aassure ko pa sa kanya.

Hinayaan ko syang manatili na umiyak ng umiyak habang nakahilig sa dibdib ko. Halos ilang 30 minuto din bago ito muling kumalma sa paghikbi.  Kinuha ko ang panyo sa bulsa at ako na mismo ang nagpunas sa kanyang mukha ng mga luhang humihilamos sa kanyang pisngi.

“Inom ka muna ng tubig oh.” Iniabot ko ang mineral water na agad naman nyang kinuha at nilagok. Pagkatapos at muli na naman syang humilig sa dibdib ko habang ako ay nakaakbay sa balikat nya.

“Bree…” Tawag ko sa kanya pero hindi sya sumagot. “Tara na…” Sabi ko pa.

Isang malalim na pag hinga lang ang kanyang pinakawalan ay umayos ng upo. Muling kinuha si Breezy, at pareho na kaming tumayo. Inakbayan ko nalang sya at naglakad papunta sa nakapark na kotse. Hindi na rin nakakapagtaka na hindi naman sya nag protestang sumama sa’kin. Pwedeng wala pa sya sa sarili nya ngayon, or no choice na talaga sya dahil wala na si lola Miling at mag isa na sya.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon