15

14.7K 487 27
                                    

TLH CHAPTER 15

BREE

“Anong oras ka uuwi mamaya?” Tanong ko kay Zy habang nag-aayos ito ng kanyang uniform papasok sa school. May mga damit naman sya dito kaya dito na sya nagbihis.

Mula sa reflection nya sa salamin ay ngumiti ito at tumingin sa’kin ng makahulugan. Saka sya umikot paharap sa’kin. “Bakit? Mamimiss mo na ako agad?”

Inirapan ko sya. Nagyayabang na naman ang feelingera na ‘to. “Hindi no, oh kape mo ubusin mo muna.” Saka ko itinuro ang kape sa kanyang table. Nag order nalang kami ng pancake sa mcdo kanina pagkatapos ay tinimplahan ko sya ng kape habang naliligo sya.

“Wow, ang sweet naman ng baby ko. Misis na misis lang ah.” Saka sya kumindat at hinawakan ang tasa ng kape saka humigop doon para lang mapaubo, idagdag pa ang pag ngiwi ng kanyang mukha.

“Kape ba ‘to Bree? Lason ata to eh.” Tukoy nya sa kape.

Ako man ay napangiwi mula sa narinig. “Kape yan no, galing yan sa kusina mo. Ano ba ang lasa?” Saka ko kinuha mula sa kamay nya ang tasa ng kape at hinigop. And oh, ito na yata ang pinaka mapait na bagay na natikman ko. “Ang pait!!!”

“See? Hindi mo siguro nilagyan ng asukal?” Tanong ni Zy.

Inilapag ko sa table ang tasa ng kape. “Isang kutsarang asukal kaya ang nilagay ko dyan.”

Biglang tumaas ang kilay nya. “Eh bakit ang pait?”

“Ewan ko, tatlong kutsarang kape lang naman nilagay ko eh.” Sagot ko naman na literal na ikinalaglag ng panga nya.

“Tatlong kutsara?”

“Yeah.”

At sukat dun ay tumawa sya ng malakas, umupo sya sa upuan at hinila ako palapit sa kanya. “Baby ka pa nga.” Sabi nya saka ako hinawakan sa waist na parang hinihila ako kaupo sa lap nya. “Wag ka nang mahiya, upo ka dito, payakap ako dali!”

“Hay naku, tumayo ka na, baka ma-late ka pa dyan.” Naglakad nalang ako palayo sa babaeng ito. Ginagawa na naman akong bata eh.

“Matapos mo akong painumin ng mapait na kape, wala manlang yakap baby Bree?” Pa-cute na sabi pa nya.

I crossed my arms. “Malay ko ba? Eh ganun ako magtimpla ng gatas eh.”

Napasuklay nalang sya sa kanyang buhok. Ang totoo ay gusto ko rin naman syang pagbigyan kung yakap lang naman. Si Zy nalang kaya ang meron ako ngayon at malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Naglakad ito at tumabi sakin sa bed, at pasimpleng ipinulupot ang kanyang braso sa bewang ko. The next thing I knew, nakaupo na ako sa lap nya. Saka nya isiniksik ang mukha nya sa leeg ko. “Zy! Anong ginagawa mo ha?”

“Inaamoy ka…” Simpleng sagot nya na parang walang masama sa ginagawa nya.

“Tsk! Umalis ka na nga!” Mabilis akong tumayo sa kandungan nya. “Lesbian ka ba?”

Natawa lang sya sa tanong ko at kinuha ang jacket at sinuot. “I am, who I am baby.” Saka sya kumindat. “Aalis na ako, at sana wag kang aalis ha? Babakit ako mamaya.”

“Hmm, okay.” Malungkot na sagot ko. Isipin palang na mag isa na ulit ako ay nakakalungkot na agad. Kahit naman mayabang at makulit ang isang ‘to, masarap pa rin syang kasama lalo pa at wala na si lola Miling.

Hinalikan nya ako sa noo. “Be a good girl. See yah later baby.” Saka sya lumabas ng pinto. Hindi ko na inabala ang sarili na ihatid pa sya at narinig ko nalang ay ang tunog ng sasakyan na umalis sa lugar.

Yung lungkot ko, bigla nalang bumalot sa aking katawan habang pinapakinggan ang nakakabinging katahimikan sa lugar. Umupo ako at sumandal sa headboard, kinuha si Breezy at saka ito niyakap. Friday ngayon, at bukas birthday ko na. Mabuti nalang at sabado bukas, walang pasok si Zy. Nahihiya naman akong sabihin sa kanya na kaarawan ko bukas at sana ay makalabas manlang kami. Hindi para mag celebrate, pero para patayin ang oras. Sigurado kasi na papatayin ako ng lungkot kapag nagkulong lang ako dito sa bahay mag isa.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon