TLH CHAPTER 20
ZIANNE
“Para saan yan ha?” Mataray na tanong pa ni Bree sa mga hinagis nyang pakete ng mga condom.
“Oh…” Ang nasambit ko nalang dahil hindi ko naisip na mahahagilap pa nya ang mga ito. Teka? Ano bang isasagot ko sa babaeng ito?
“Zy!” Nagulat ako sa sigaw ni Bree. “Tinatanong kita! Ano ang mga yan ha?” Mataray na namang sabi ng babaeng maliit.
“Babe, ang sabi mo sa’kin ipagluluto mo ako. I’m hungry, may pagkain na ba—“
“Lintik ka talaga! Sumagot ka dahil tinatanong kita!” Sigaw nya matapos akong batuhin ng unan.
Ano bang palusot ang isasagot ko sa isang ‘to? “Babe…” Umupo ako sa tabi nya. “Ano yan ah…”
“Ano!?”
“Uhm” Napalunok ako. Pag sinabi ko naman ang totoo, alam ko na ang susunod nyang itatanong kaya… “…laruan yan.” Lame excuse.
Pinaningkitan nya ako ng mata at nag cross arms na naman sa harap ko. Yung tipong sinasabing alam nyang nagsisinungaling ako.
“Laruan? Talaga Zy laruan to?” Saka sya kumuha ng isang pakete at binuksan ito at kinuha ang bagay na nasa loob.
Napaface palm nalang ako. I swear, gusto kong sumabog sa pag tawa habang hawak nya ang malagkit na bagay na yon at kasalukuyang inuusisa. Pigil na pigil ako para hindi mangiti, ang sakit tuloy ng panga ko ngayon. Seriously? Sana pala sinabi ko nalang na pagkain ‘yon, kaso baka naman ipakain nya sa’kin ang mga ‘yon pag ganun ang sinagot ko.
“Paano naging laruan ‘to ha?” Habang hawak nya yon na may kasamang pandidiri kasi may malagkit na lubricant na kasama ‘yon. Tapos tinanggal pa nya sa pagkaka roll, so ngayon ay napanganga nalang sya nung makita ang kakatwang shape nun. “Bakit ganito, parang….parang…ano ba kasi talaga ‘to Zy?”
Kinuha ko nalang ang bagay na ‘yon. Promise, kahit ilang beses na ako nakahawak ng ganito, ay parang ngayon lang ako na-awkwardan. “Laruan nga, ayan oh, pwede mong yang gawing balloon.” Saka ko inabot ulit ang condom.
Mas lalo yatang naningkit ang mata nya mula sa narinig. “Tangina ka! Wag mo kong pag gawing tanga! Eto ba yung tinatawag nilang condom ha?” Iritang sabi pa nya ay hinagis sakin ang malagkit na latex rubber na ‘yon.
“Oh, eh alam mo naman pala bakit—“
“Zy naman eh!” Biglang sigaw ni Bree na parang maiiyak na.
“Bakit na naman?”
Napasuklay sya sa kanyang buhok at balisang tumayo mula sa pagkakaupo sa bed pero agad rin itong napangiwi. “Shit!” Sabay hawak sa kanyang puson. Oo nga pala, masakit pa ang gitna nya.
“Upo ka muna, sabi ko kasi wag ka munang magkikilos di—“
“Wag mo kong hawakan!” Saka nya hinawi ang kamay ko na aalalay lang sana para muli syang paupuin. “Hindi ka gumamit nyan kagabi hindi ba?” Tukoy nya sa ilang pakete ng condom na nakakalat sa sahig.
Napangiwi nalang ako. Hay, alam ko na ang mangyayari. “Baby kasi, nakalimutan ko…”
Doon naman biglang bumagsak ang balikat nya habang nakaupo na ulit sa tabi ko. “Ikaw ba ay, may kakayahang makabuntis na parang sa lalake?”
Ako naman ang bumagsak ang balikat nung marinig ang tanong nya. “Oo…”
“Zy!” Saka nya kinuha ang ilang pakete mula sa cabinet at muling ihinagis sa dibdib ko. “Sa dinami dami nyan bakit hindi ka gumamit kahit isa!” Mangiyak ngiyak nyang sabi. “Nakakainis ka naman eh!”
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
Chick-LitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...