TLH CHAPTER 23
Bree
“Ssshhh wag kang maingay…” Boses ng babae sa likuran ko kaya pinilit ko itong nilingon. Unti unti nyang niluwagan ang pag kakahawak sa bibig ko pati na rin sa bewang ko, at sya yung babaeng nabangga ko kanina. Ang kanyang index finger ay nakaharang sa kanyang bibig, telling me na huwag akong maingay.
“Who are you? Bakit ka hinahabol ng lalake kanina?” Tanong ng babae.
Napayakap ako sa aking sarili sa sobrang takot at trauma, at hindi ko alam kung bakit pero may instinct tells me na pwede kong pagkatiwalaan ang babaeng ito. Yung pakiramdam ko towards her, ay parang pakiramdam ko rin nung nag alok ng tulong si Zy. Magaan ang loob ko sa kanya.
“Papatayin nila ako…” Ang tanging naisagot ko nalang.
Mas naging seryoso ang kanyang mukha at parang nakitaan ko ng galit. “Dito ka lang muna, babalik ako after one hour. Please stay here okay?” Bilin sa’kin ng babae.
Hinawakan ko sya sa braso na para bang ayokong iwan nya ako sa silid na ito. “Saan ka pupunta?” I asked her.
“Basta, babalik ako kaya hintayin mo ako dito ha?”
I nodded at binitiwan ko ang kanyang braso. Lumabas sya ng room at naiwan akong mag isa. Dali dali kong hinagilap ang phone ko sa bag para tawagan si Zy. Pero agad ring nag bago ang isip ko at napalitan ng pag aalala. Ayokong madamay si Zy sa gulong kinasasangkutan ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.
I looked at my phone, mahina rin ang signal nito. I just texted Zy na medyo male-late ang pag uwi ko dahil may tinatapos kaming project. Muli kong niyakap ang aking sarili. Kahit hindi ko kilala ang babae kanina, sumunod ako sa sinabi nya na hintayin ko itong makabalik bago ako lumabas sa silid na ito.
Si Aunt Mae, ang bruha kong tyahin ay hindi ko naman talaga kadugo. Ito ay napangasawa lang ni tito Ramon, ang kapatid ng Dad ko. Wala silang naging anak. Ang kumpanya ng mga magulang ko ay kanilang napalago, pero ang kabuhayan ng kapatid nyang si Tito Ramon ay bumagsak kaya naman naging empleyado nalang ng Dad ko ang tito ko. Nung maaksidente ang mga magulang ko, kasama na rin si tito Ramon, naiwan ako bilang nag iisang tagapagmana ng kayamanan ng Moltalban. Pero sa kasamaang palad, si tita Mae ang naging legal guardian ko hanggang sa mag 18 years old ako.
Halos isang buwan palang matapos mamatay ng magulang ko, natuklasan ko ang totoong plano ng aking tyahin. Inutusan nya ang tauhan nyang patayin ako, pero hindi sila nagtagumpay dahil nakatakas ako.
At ngayon, alam na ng isa sa mga tauhan nya na buhay pa talaga ako at isa lang ang ibig sabihin non, ipaparating nya ang impormasyon sa tyahin ko at muling manganganib ang buhay ko.
Bumukas ang pinto ng silid na ikinagulat ko. Pumasok ang babae kanina at umupo ito sa harap ko. “Let’s go. Wala na ang lalaki kanina.” Sabay lahad ng kanyang kamay.
Tumayo ako at tinanggap ang kamay ng babae kanina. I looked at my phone para icheck kung may reply na si Zy pero lowbat na pala ako kaya muli ko nalang itong itinago sa aking bulsa.
“Are you hungry? Let’s eat first.” Hindi na ako nakasagot ng bigla nya akong igiya patungo sa isang restaurant na konti lang ang tao. Hindi naman ako at ease, kaya napapatingin ako sa paligid para i-check kung talaga bang wala na ang lalake kanina.
“Don’t worry, wala ng yung kanina.” Panimula nya pagkatapos umorder ng pagkain. “What’s your name?”
I looked at her, mukha naman syang mayaman at matinong tao. Maganda rin sya, at astigin tignan. Matangkad katulad ni Zy and they got the same appeal. Mas maedad nga lang ang kaharap ko ngayon pero siguro ay nasa 30s lang naman sya.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...