26

11.4K 396 13
                                    

TLH CHAPTER 26

Zianne

Makikipag date ako kay Macoy mamaya!

Ang reply ni Bree na dahilan ng montikan kong pagbato ng phone ko. Naglalambing lang naman ako eh, hindi ba pwedeng mag joke? Eh totoo naman na namiss ko ang ginawa namin kagabi. But kidding aside, I want to surprise her later. It’s our first month today of being together. I know it’s not my thing to do this, yung mag handa ako ng surpresa at maging romantic sa isang babae to celebrate our relationship. Wala pa ngang babae na umabot ng isang bwan sa’kin kundi si Bree lang. But seeing her happy and smiling is like an ecstasy to me, nakakaadik ang mga ngiti nya.

I set up our room, naglagay ako ng balloons with our pictures hanging. Plus, I have prepared a simple dinner. Flowers and cake, and wine too. You name it, I have prepared all of that.

De joke lang, may inupahan akong tao to do that for me. But of course, it’s still my effort dahil ako ang nakaisip. I just ask for assistance and that’s it. Now, I’m really excited to be with her. Kahit pa alam kong pag tatawanan nya ako sa pagiging corny, I don’t care. I know, mapapakilig ko pa rin naman sya after this.

Pero ang lintik na Macoy na ‘yon, mabibigwasan ko sya kung talagang magde-date sila ni Bree sa fishball-lan mamaya. Lalo pa’t hindi sinasagot ni Bree ang tawag at text ko.

I tried to call her again, pero cannot be reached na ngayon ang cellphone nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba pero pinilit ko itong iwinaksi sa isip ko. I tried to access her phone’s location using the software I developed myself. Katulad ng ginamit ng pinsan kong si Lee nung kinailangan nya ng tulong ko.

Damn! Patay ang phone nya! And because of that, I can’t locate her.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang susi na nakapatong sa mesa at pumunta sa eskwelahan ni Bree. Saktong uwian na ng makarating ako kaya naman pagka-park ko ng sasakyan sa tabi ng school, bumaba ako sa kotse para magmasid sa paligid. I looked at my watch, it’s 10 minute late, bakit wala pa sya?

“Miss Zy!” Tawag ng babae mula sa gilid ko.

“Karen? Where is…”

“Nakita nyo po ba si Bree?” Tanong ni Karen kasama si Andrea at si Macoy. Hindi ko na nga naituloy ang sasabihin ko dahil halos sabay pa kaming naghanapan sa isa’t isa.

I clenched my jaw, sana naman ay nagbibiro lang sya, pero iisa ang reaksyon ng kanilang mukha. Bakas sa mga ito ang takot at pag aalala.

“Hindi nyo ba sya kasama?” Takang tanong ko.

Nagkatinginan sila sa isa’t isa at ang mukha nila ay pare-parehong namumutla.

“Kanina po magkakasama kami sa mall. Pero bigla nalang syang nawala, akala tuloy namin sinundo nyo sya kasi sabi nya, maaga nyo daw syang susunduin.” Paliwanag ni Andrea.

Napahawak ako sa aking sentido at lumingon sa paligid. I know it’s too early pero, hindi maganda ang kutob ko. Nasaan ang girlfriend ko?

“Paano sya nawala? Hindi manlang ba sya nagpaalam sa inyo?” Medyo iritang sabi ko sa mga kaklase ni Bree.

“Iniwan po kasi namin sya sa mall entrance kanina…” Si Macoy.

“At ikaw pa talaga ang nang iwan sa kanya ha!” Dinuro ko pa si mokong gamit ang daliri ko dahilan para mapaatras sya.

“Ah, kasi po nag CR kami ni Andrea, tapos sina Macoy kinuha ang mga box ng pinamili namin.” Pag awat ni Karen sa napipintong pag sapak ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

“Ah Zy, baka naman umuwi sya sa bahay nyo. I-check nyo po muna.” Si Andrea.

I tried to close my eyes to calm myself. Kung nasa mall sila kanina, baka naman may pinuntahan lang si Bree at hindi nila ito napansin. Tama, I need to go there to be sure.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon