TLH CHAPTER 27
Brianna Cassandra ‘Bree’
I stepped inside our house. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto matapos gamitin ang susi at pumasok sa loob. Kasama ko ngayon si tita Kianne at tita Ryne, ang dalawang taong tumulong sa’kin para mailigaw ang mga humahabol sa’min kanina.
“Bree, you have to hurry. We don’t have much time.” Rinig kong sabi ni tita Ryne mula sa likod, habang nandito pa kami ngayon sa living room.
Ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, ay isa isa nang naglalabasan sa aking mata. Hindi ko yata kayang lisanin ang lugar na ito. Hindi ko kayang iwan ang taong nagpahalaga at nag alaga sa’kin sa mga panahon na walang wala na ako.
I nodded in agreement, kahit ang isip ko, at ang puso ko, ay hindi sumasang ayon sa isang desisyon na nabuo sa pagitan naming tatlo. I need to go away. I need to leave now. I need to leave Zy now, kundi, pati sya ay maaring mapahamak.
“We’re gonna help you pack your things Bree, come on.” Sabi naman ni tita Kianne at pansin kong kanina pa sya nagmamadali.
Isang hakbang papasok sa kwarto, at parang pinapatay ang puso ko. Ang lakas na inipon ko ay biglang nawala kasabay ng pagpatak ng aking luha. Hinawakan ko ang door knob, at binuksan ang pinto. Alam kong wala dito ang taong gusto kong makita kahit sa huling sandali, pero ang puso ko ay umaasa na sa pag bukas ko ng pintong ito, makikita ko pa sya.
Pero wala akong nakitang Zy , kundi ang mga pictures namin na nakasabit sa kisame, mga balloons, cake sa table na may kasamang pagkain, at bouquet ng flowers. Napahawak ako sa aking dibdib at napakagat sa labi. Kahit anong pag kumbinsi ko sa sarili ko, hindi ko sya kayang iwan.
Bumaling ako ng tingin sa dalawang taong nakamasid sa paligid at titig na titig sa mga pictures namin ni Zy na nakasabit. “Tita, sorry pero…” Muli akong napatingin sa kabuuan ng kwartong inukupa namin ng girlfriend ko. “…hindi ko po kaya, hindi ko po sya kayang iwan. Pasensya na po…”
Napaluhod nalang ako dahil bigla kong naramdaman ang pang hihina kasabay ng masaganang pag labas ng aking mga luha. Hindi ko alam kung paano, pero hindi ko talaga sya kayang iwan. Baka ikamatay ko ang mahiwalay sa taong nagpahalaga, nag alaga, at nagparamdam sa’kin ng importansya sa loob ng maiksing panahon na pinag samahan namin.
Nakita kong napatingin si tita Ryne kay tita Kianne habang hawak ang isa sa mga picture na nandun sa room. Kita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni tita Kianne at makahulugan na pag tingin nila sa isa’t isa. Habang ako ay nakaupo sa isang sulok, yakap ang tuhod habang umiiyak.
Bakit kung kelan masaya na ako ulit saka kaylangang mangyari ‘to? Bakit kung kelan nakakabangon na ulit ako saka kaylangang maglaho ng lahat ng meron ako ngayon?
“Bree…” Nilapitan ako ni tita Kianne at umupo ito sa harap ko. Pag kuway niyakap nya akong sobrang higpit at ramdam ko sa mga yakap nya ang sincere na pag aalala.
“Tita ayoko na po, hindi ko po sya kayang iwan tita….” Saad ko habang humahagulgol sa pag iyak. Yumakap na rin ako, at kasalukuyang nakasubsob sa balikat nya.
“They said, that holding on makes us strong, but sometimes, it is letting go...” Humiwalay sya ng yakap ay hinawakan ang pisngi ko. “If you really love her, you have to be a brave girl Bree.” Saka sya tumingin sa pinsan nya na nakatayo sa likod nya, binigyan lang sya nito ng isang tango at muling bumaling sa’kin. “Let her go, you’re not alone in this fight anymore. We’re gonna help you. But you have to help yourself too...”
With that, tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko at bahagyang umatras palayo. “No tita, please…hindi ko pa po kaya, mag aalala si Zy, hahanapin nya ako at malulungkot sya…”
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...