TLH CHAPTER 29
Bree
Isang wagas na ngiti with arms wide open na parang sa titanic lang, habang pikit mata kong nilalanghap ang mapolusyong hangin dito sa Manila. Kakalapag lang ng plane at nandito ako ngayon sa gate ng NAIA, hinihintay ang susundo sa’kin na pinadala ng aking dalawang tita na sumuporta sa’kin sa tatlong taon na pag-aaral ko sa ibang bansa. I already graduated now, that’s why I came back. I know Zy is still in college, and currently on her last year. Nauna pa ako sa kanyang makapag tapos kasi wala akong inaksayang oras and took advantage of the summer class, kaya ngayon…I’m so back.
“Whatda!” Hindi ko napigilang mapamura nang bigla akong mabangga ng isang babae dahilan para maputol ang pagmo-moment at ma-out of balance ako. Mabuti nalang at sa maleta ako bumagsak, kundi, tatarayan ko talaga ang babaeng ‘to.
“Sorry miss, I’m really sorry…” Nagmamadaling sabi nya pero palinga linga sa paligid. Para itong may kung anong tinatakbuhan.
“Miss, sa susunod mag ingat-ingat ka naman!” Iritang sabi ko dito habang inaayos ang suot kong damit. Pero muli akong napatingin sa kanya nang bigla itong matigilan at parang wala sa sariling nagtanggal ng kanyang shades na suot.
My mouth automatically shaped to ‘O’ when I saw her eyes. It’s bright green. Akala ko kanina ay may kulay lang talaga ang buhok nyang blonde dahil ‘yon naman ang uso ngayon, pero ngayon, I’m pretty sure na may lahi ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
But wait, this girl is familiar to me. Parang nakita ko na sya before at hindi ko lang maalala ngayon kung saan.
“Miss may I have your…” Pagkuway sabi ng babae pero natigilan ito ng biglang…
“Cielo!” Tawag ng isa pang babae mula sa likod dahilan para mapatapik sya sa kanyang noo. Lumapit sa’min ang babaeng bagong dating at pinasadahan ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Duh? Edi tinaasan ko nga sya ng kilay at pinasadahan din ng tingin katulad ng ginawa nya. I smell trouble! Gosh, kakauwi ko palang, bad vibes na agad.
“You!” Turo ni bitch kay girl na ang pangalan daw ay Cielo, with matching cross arms pa. “So bakit mo ako tinatakbuhan ha? Akala mo naman makakatakas ka sa’kin.” Sabi pa nya.
My gaze shifted to Cielo, at nakita kong naghihilot sya ng kanyang sentido. “Hailey, I already told you, we’re done. Nag usap na tayo right?” Naiiritang paliwanag ni Cielo.
Napailing nalang ako at tumingin sa paligid. Kinuha ko ang dalawang handle ng aking mga maleta para lumayo sa dalawang babaeng nagtatalo ngayon dahil nakakairita. Nakailang hakbang palang ako nang aking marinig ang busina ng sasakyan na huminto sa harap ko. Ito ang kotseng sinabi ni tita Ryne na susundo sa’kin kaya nakangiting lumapit ako dito.
“Tita Kianne!” I said in shock when I saw her got out from the car.
Nakangiti itong lumapit sa’kin at yumakap. “Yeah it’s me, the one and only.”
“Pero sabi ni tita Ryne ipapasundo nyo lang ako. So I thought iba ang susundo sa akin.” Sabi ko dito habang isa isa nyang inilagay sa trunk ang aking mga gamit.
“Hmm, yeah…” Binuksan nya ang pinto sa harap para papasukin ako. “But I want to surprise you kaya ako na mismo ang sumundo.” Saad nya pagpasok sa kotse at nagsimula nang imaneho ang sasakyan.
Dumirecho muna kami sa isang sikat na restaurant bago nya ako ihatid sa isa pang regalo nila sa’kin ni tita Ryne, isang condo unit. Ang sweet nila di ba? Hindi lang nila ako sinuportahan, binigay rin nila ang higit pa sa mga pangangailangan ko katulad ng condo na ‘yon and a car too. Tumatanggi nga ako noon pero sabi nila ay kakaylanganin ko daw ng matitirhan kapag uwi ko ng pinas kaya hindi na ako nakatanggi pa.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...