TLH BOOK 2-4
Zianne
“Zy!” Sigaw ni Bree kasabay ng pagtayo nito sa upuan at pag hawak sa aking braso.
“Halika!” Tukoy ko kay Gerald dahil tipsy na rin ako, idagdag pa ang pagkapikon ko sa babaeng bitbit ko ngayon dahil sa lakas ng loob nitong halikan ang ex ko sa harap ko pa mismo. Hawak hawak ko sya sa kanyang damit at kinaladkad patungo sa labas ng bar.
“Bitiwan mo nga ako!” Sigaw ni Gerald pero wala itong nagawa para patigilin ako.
“Zy ano ba!” Sigaw ni Bree nang itulak ko sa labas si Gerald, at montik pa nga itong ma-out of balance sa lakas ng pwersang ibinigay ko.
Susugurin ko na sana si Gerald pero mabilis na iniharang ni Bree ang kanyang sarili at pumagitna ito sa aming dalawa.
“Ikaw!” Turo nito sa’kin at nakikita ko na ang ugat nito sa leeg na nanggagalaiti sa galit. “Subukan mong hawakan si Gerald!!”
“Anong gagawin mo?” Paghahamon ko sa kanya kasabay ng pag lapit ng aking sarili na ikinaatras nya ng isang hakbang.
Halos maiyak na ito na bumaling sa taong nasa likod nya. “Ge, umuwi ka na. Sige na ako nang bahala dito.”
“No, hindi kita iiwan kasama yan!” Sagot ng isa na halatang hindi ako aatrasan at inis na inis na tumingin ito sa’kin na para bang isa akong masamang nilalang.
I crossed my arms against my chest. “You’ve heard her Gerald. Leave now or else…” I said saka ako humakbang palapit.
“Zy!” Itinaas ni Bree ang kanyang palad na halos dumikit na sa dibdib ko. I stopped right there. Muli itong bumaling kay Gerald. “Please, I can take care of myself.” Sabi pa nya.
Wala nang nagawa si Gerald kundi tignan ako ng masama. Humakbang ito palapit sa’kin kaya sinadya kong ipinakita ang pagyuko para tapatan ang tingin na kanyang ipinupukol. Hanggang ilong ko lang kasi sya.
“Malaman ko lang na may ginawa kang hindi maganda kay Bree, hinding hindi kita aatrasan…” Banta nito na ikinangisi ko lang.
“Gerald, go please…” Utos ni Bree na may kasama pang pag hawak sa balikat ng isa.
Tumalima naman ang isa at binangga pa ako sa balikat.
At ngayon ay halatang inis na inis ang babaeng kasama ko ngayon. “You! Anong problema mo at pinahiya mo sya ng ganon ha!” Panimula ng pagtatalak ni Bree. I just rolled my eyes at tinalikuran ko lang ito. Theres no way na papatulan ko ang babaeng ito ng labanan physically.
Pero pabalang lang nya akong hinawi sa braso at iniharap sa kanya. “Wag mo akong tatalikuran Zianne! Kinakausap pa kita!”
Pero napailing lang ako at muling tumalikod.
“Hoy ano ba! Sabing kinakausap pa kita kaya wag mo kong basta talikuran!” Inis na sabi nya kasabay ng pag hawak sa braso ko.
I looked at her. Pinakatitigan ko ang maganda nyang mukha. Infairness, mas gumanda sya ngayon. Hindi na sya mukhang innocent na dalagita. Isa na syang ganap na dalaga with fierce look, plus mas tumangkad na sya ngayon.
“Talikuran? Ayaw mong talikuran kita? Well look who’s talking. Sino ba ang unang tumalikod Briana?” Panimula ko sa kanya. Hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa twing maaalala ko ang pinagdaanan ko sa tatlong taon na iniwan ako ng babaeng ito.
Mula sa galit na mukha at biglang naging soft ang itsura nito. “Zy, I’m sorry. Please let me explain.”
Napatingala ako sa langit at napahilot sa aking sentido. “Explain? Matagal kong hinintay ang explanation mo Bree, tatlong taon ang nakalipas. Bakit kung kelan okay na ako saka ka susulpot sa harap ko, and now you want to explain? What for? Aanhin ko ang explanation mo?” Hindi ko maitago ang hinanakit sa boses ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
Chick-LitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...